KABANATA 20

67 3 0
                                    

UBG

Matteo POV

"Hindi ko na hahayaan na lumapit ka pa sa kanya" sabi ko sa kanya pag lapit ko , dahil akala ko tulog sya. Pero nanlaki yung mata ko ng bigla syang dumilat at inangat ang ulo nya. Kaya ngayon 1 inch na lang halos ang layo namin sa isat isa.

Sh*t sana pala di na ko nakinig sa sinabi ni Cristian eh mukang lalo pa atang magagalit tong babae na toh sakin.

Flashback..

Pag tapos kong ihatid yung pinabili sakin ni Cassey, nag text sakin si Cristian na mag kita daw kami. Kaya pumunta ako sa kanila

"Oh may problema ba?" Tanung ko nung nasa bahay na nila ako

"Malaki" seryoso nyang sabi kaya naman napakunot yung noo ko

"Spill it , tungkol saan ba yan?"

"About you and Cassey"

"What? Anong problema samin"

"Sabihin na natin kay Cassey wala. Pero sayo meron"

"Teka lang ha, di kita maintindihan eh, ano bang gusto mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya

"Pre, gusto mo si Cassey" deretsyong sabi nya. Kaya napanganga naman ako.

Ako gusto ko si Cassey ? Hindi kaya !

"Woa.. Nice , ang galing mo mag joke tol, di ko sya gusto .. At hinding hindi ako mag kakagusto sa kanya"

"So explain .. Bakit ka nag kakaganyan ? Bakit masyado kang CONCERN sa kanya" sabi nya na talagang diniinan pa yung salitang concern

Napabuntong hininga ako, di ko pwde sabihin sa kanya kung ano ang dahilan ko.

"Di ko alam, siguro napalapit narin ako sa kanya kaya ganun. Kilala natin si Antonio. Womanizer yun kaya gusto kong ilayo sa kanya si Cassey" paliwanag ko, nag kibit balikat sya

"Ok fine.. Kung gusto mo talagang ilayo si Cassey kay Antonio , gawin mo, ilayo mo. Huwag mo na syang hahayaan pang makalapit si Cassey sa kanya... Dahil kung hindi baka maunahan kapa nya" sabi nya tapos nag lakad na sya paakyat sa hagdan

Bakit parang kinabahan naman ako sa huli nyang sinabi. Siguro tama sya, di ko na dapat pang hayaan makalapit si Antonio kay Cassey.

End Of Flashback

Hanggang ngayon, di padin ako makagalaw. Pati sya di sya kumikilos .. Di ko na alam gagawin ko natutukso na akong halikan sya. Kaya naman mas lalo ko pang nilapit yung muka ko sa kanya. Pero bigla nyang pinitik yung labi ko na may sugat

"Aray. Masakit yun ha" sabi ko sabay layo sa kanya

"Manyak ka talaga nuh! Tss" sabi nya tapos tumayo na sya at niligpit yung mga ginagawa nya

"Tapos kana ba sa ginagawa mo?" Tanung ko

"Di pa. Sa bahay ko na lang itutuloy. Hawakan mo toh!" Sabi nya sabay abot sakin ng ibang folder, tapos kinuha pa nya yung iba pang folder sa table nya at lumabas na ng office kaya naman sumunod ako sa kanya. Nung nasa parking lot na kami nilagay ko muna sa backseat yung mga folder at pinag buksan ko na sya ng pinto sa unahan , nung ok na ang lahat sumakay narin ako at pinaandar ko na yun.

"Ahm, kaen muna tayo" sabi ko sa kanya

"Di na, dun na lang ako sa bahay kakaen" sabi nya na sa labas lang nakatingin

"Uhm ok" sagot ko na lang , buong byahe tahimik lang sya kaya naman tahimik lang din ako

Bahay nila...

Gang vs. Gang Equals Love ? [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon