PROULOUGE

11 3 2
                                    


Disclaimer: ang lahat ng mga pangyayari ay dahil sa malikot na imahinasyon ng author, Walang katotohanan.

ELITE WORLD:

"Row, Row, Row your boat


Gently on the street-"

"Zhajeliuz? Natatakot na ako, ayaw ko ng makipaglaro. Ilabas mo na ako please?"

"I'm just here, my little sister. Don't worry to much hindi naman kita iiwan."

"Okay, just continue singing nursery rhymes."

"One, two, three, four, five
Once I caught a fish alive
Six, seven, eight, nine, ten
then I let it go again. Just keep sleeping my dear.."

IMPOTENT CITY:


"Kung may kapangyarihan din tayo, hindi tayo mag-hihirap ng ganito."

"Pero sa mundo natin, kapag wala kang kapangyarihan. Wala kang karapatan."

"Zhajeliuz?" Hindi ako makahinga. Para akong hinihila pababa

"Narinig mo yun?"

"Wala akong ibang naririnig?"

"Natatakot na ako zhajeliuz."

"Napaka-pamilyar ng pakiramdam, parang nangyari na dati."

"Dito nagmumula ang ingay jun."

Sino kayo? Anong lugar ba 'to? Wala ba ako sa palasyo? Mama nasaan kayo? Zhajeliuz..

"Buksan mo!"

"Nakita nyo ba si zhajeliuz? Nag-lalaro lang kami kanina. Hindi na nya ako pinaalis sa pwesto ko."

"Jun, bata! Mukhang inanod mula sa kabilang-Mula sa elite world jun!"

"Gusto ko lang makita si zhajeliuz saka sina mama at papa. Ano bang mga sinasabi nyo?"

"Hindi na sila naawa. Siguro isa ka sa walang special ability." Pailing-iling na pagsasabi ko.

"Siguradong wala syang kapangyarihan katulad natin kaya napadpad sya dito." Pag-bibigay hinuha ni pareng Leo.

"Bakit wala ng lumalabas sa bibig ko na tunog? Nasaan ba ako?"

"Kawawang bata, uwi na natin 'to jun." Rekomenda ni pareng leo


"Kawawang bata, mukhang hindi din sya nakakapag-salita. Pinagkaitan syang sumaya sa lupang pinagluwalan nya." Malungkot na wika ko.

"Ngunit pare, magiging masiya rin sya dito sa lupaing tanggap kahit ano ka man." May halong pang-gigil sa pisngi ng bata ang pagsasalita ni Leo.

"Ang iniisip ko lang ngyon ay paano kapag hinanap sya sa atin? Ibibigay ko ba agad sya? Parang ang ganda-ganda nyang bata e." Wika ko habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng batang ito. Sa aking palagay mga dalawa hanggang tatlong taong gulang na ang batang babaeng ito.

"Huwag mo munang isipin iyan. Ang isipin mo ngayon ay matatanggap ba 'yan ng asawa mo? Hindi ba may mga anak kayo? Kung magda-dagdag ka ng hindi mo kalahi, tatanggapin nila?"

.........

"Isang panaginip na namang muli at nagising uli ako ng umiiyak. Hindi ko naman tanda kung ano naging panaginip ko. Habang tumatagal mas nawi-wirduhan na ako sa sarili ko."

Bumangon na ako sa kama at nag-inat inat. Marami pa akong gagawin ngayong buong araw at mabilis ang oras kaya kailangan ko ng bumangon kasi kung 'di ko gagawin....

"Makakatikim na naman ako kay aunt xenah."

Tahimik sa baba ah? Wala bang

Special thankyou to danimae_ajero

ISTORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon