CHAPTER 6

2 0 0
                                    

This was my first fantasy. Hope you enjoy. ;>



















"Hindi ka ba nagugutom? Bakit hindi mo kainin yan?" Tanong nya.

May rasyon na ng pag-kain sa loob ng selda ko pero hindi ko ginagalaw. Natatakot ako na baka may lason ang pag-kain ko.

Umiling ako bilang sagot kay jhulliune.

"Alam mo hindi ka naman ganun kahirap kausapin pero  sana talaga mag-salita ka na."  Sabi nya habang ngumunguya. Yes kinakain na nya ang pagkaing kadadala lang sa amin.

Huminga ako ng malalim. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagusto mag-salita kaso sabi ni uncle jun bigla na lang daw nawala ang boses ko noong maipasok nya ako sa bahay. Nawalan daw ng tunog ang iyak ko kaya nahihirapan daw syang iwanan ako no'n.

"Hay binabawi ko na, ang hirap mo kausapin! Kumain ka na kung ayaw mong mawalan ng malay mamaya."

Tiningnan ko yung pagkain sa gilid ko. Mukha naman syang masarap kaya lang may trust issues talaga ako sa pagkain kapag hindi ako ang nagluto.

Wala kayang nakahalong nakakadiri dito?

Wala ako mismo ang nag-bigay nyan sa guard mo. Hi fake rythm.

Nandito na naman sya! Anong ginagawa  mo dito?

Well sabihin na nating may nakikitang dugo ng elite sayo ang kapatid ko kaya kukunin kita para itakas dito.

Ako? May dugong elite? Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi ng tukmol na 'to.
Umiling-iling ako kung totoong may dugong elite ako bakit ako napunta ssa impotent? Bakit hindi ako nakakapagsalita o kahit magkaroon ng kapa— ow sabihin na nating meron ngang weird na nangyari na oo may kaunti akong kapangyarihan pero paano ba kasi nangyari!

Easy fake rythm, ilalabas muna kita dito—

Ako ilalabas mo?

Yes yes.

Kasama si julhiunne kung di sya kasama hindi rin ako sasama.

Huh? Did you two had the gross relationship I know?

"Wait chill, nandito ba si clauxe at parang may kausap ka?"

Napakurap-kurap na lang ako  kay julhiunne.

Tigilan mo nga yan, mag-kasama kaming napunta dito kaya kailangan mag-kasama kaming makaalis.

Okay fine.

"Woah, Woah saan ka galing caluxe? Bigla bigla—"

"It's Highest Sir Clauxe taga impotent."

Pinandilatan ko ng mata si julhiunne. Nasisiraan na ba sya para tawaging clauxe ang isang highest dito sa elite world. "You should be thankful to fake rythm."

Bakas sa mukha ni julhiunne ang pagtataka kasi sino nga bang hindi mag-ta-taka kung ganon ang sinabi sayo tapos wala kang alam.

Inuna akong ilabas ni sir clauxe at ang astig talaga kasi isang pitik lang nya nagbukasan na ang seldang kulay puti na kinalalagyan ko. Sinunod nya ang kay julhiunne na kulay pulang selda, but this time hindi lang sya basta pumitik.

London bridges is falling down, falling down, falling down
London bridges falling down
My fair lady.

Ang ganda ng boses nya ang lamig sa tenga parang may cell sa katawan ko na nagbukas at parang nakakasigla. Lumikha ng tunog ang pagbukas ng seldang  kinalalagyan ni julhiunne kaya dumating ang mga kawal.

Bigla na lang kumilos ang katawan ko ng hindi ko sinasadya para bang nag-sarili na ang katawan ko. Itinutok ko ang hintutro ko sa kanila at bumuo ng smile sa hangin at ayun hindi sila makagalaw.

Nako po sorry!

You don't have to, walang bilanggo ang nag-so-sorry sa kawal na masasaktan nya and besides you have the power, it surprise me but Im thankful that you have. It'll be easier to us to excape.

"Pwede ba isali nyo ako kapag gusto nyo mag-usap, parang may dalawa akong kasamang baliw e." Pagrereklamo ni jul.Kung nakakapag-salita lang ako e di sana nakakanta na din ako.

Pero kakaiba ang nangyari sa akin ngayon parang may sariling isip ang katawan ko at kusa na lang kumilos.Totoo bang may dugong elite ako? Galing ba talaga ako dito pero bakit ako napunta sa impotent city? Bakit ako lumaki sa lugar ng mga engkantadang walang kapangyarihan.

I know marami kang tanong, standby ka lang fake rythm alam akong may kinalaman si zhazha dito.

Sino si zhazha?

"Hay nag-uusap na naman ba kayo? Ano ba kasi—"

"Just shut up."

Mahabang pasilyo pa ang dadaanan namin at kada kawal na makakasalubong namin tinatamaan ko. Medyo nasasanay na ako at nagugustuhan ko na 'to. Paano pa kaya nadiskubre ko pa ang iba ko pang kapangyarihan.

"Isang pinto na lang at makakalabas na tayo dito, wear this."

Idikit nya ang hintuturo nya sa mga balikat namin at ka boom! Nag-iba na ang damit namin, napaka-gara at ang ganda!

"Wooah! Ang ganda paano mo ginawa—mmmm!"

"Masyado kang maingay, sampid ka lang naman dito."

Parang sinarado nya ang labi ni jul para lang tumahimik ito. Sa totoo lang ang dami nyang powers ha ang astig!

Nae-excite na tuloy ako malaman kung ano pang kapangyarihan meron ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISTORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon