CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Thankyou for supporting me ate isa.






"Ibig mong sabihin hindi ka nakakapagsalita since birth!?" Sigaw nyang tanong.

Sa wakas naintindihan nya din. Akala ko magdamag na kaming magti-titigan lang dito.

Agad akong naupo muli malapit sa kanya, sabay ng aking 'pag-tango bilang sagot sa tanong nya. Ilang minuto na ang lumipas ng maupo kami dito sa may tabi ng ilog na papuntang elite world.

"Ang hirap siguro nyan. Wala kang masabihan ng problema mo, sarili mo lang ang kasama mo." Malungkot na tono nya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalaing may enkantadong walang kapangyarihan ang nakaintindi sa akin at kumausap sa akin.

"Hayaan mo simula ngayon kaibigan mo na ako. Wala akong pake kung hindi kita maintindihan basta isulat mo lang ang problema mo para madamayan kit—gutom ka na?"

Na-touch na ako sa mga sinasabi nya kaso pinahiya ako ng tiyan ko. Nakakahiya, minsan na lang ako may nakausap—nakatagpo tapos ganito pa.

Tumango ako pero agad ding umiling baka kasi isipin nya pulube ako at patay gutom, nakakahiya.

"Ano ba talaga? Alam kong gutom ka pero bakit ayaw mong aminin? Ah..... alam ko na ganito na lang."

Binuksan nya ang bag na kanina pang nakasabit sa katawan nya. Kumuha sya ng isang tinapay na nakabalot sa papel na gawa sa puno dito sa impotent. Malinis ang papel na 'yon pwedeng kainin ang papel na gawa sa punong 'yon kaya madalas ito ang pinangbabalot ng pagkain para walang kalat.

Tinanong ko sya kung para sa akin ba 'tong pagkain gamit ang mga senyas at agad naman syang tumango.

Nag-aalangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Nasa isip ko pa din na baka isipin nyang pulube lang akong enkantada.

Dahil sa gutom, tinanggap ko pa din ang tinapay na kanyang inaalok sa akin. Nginitian ko sya. Napaka bait nya pero walang libre dito sa impotent , ano ang kapalit nito?

Hindi kaya isa syang taga elite world at narito para mag-hanap ng page-eksperementuhan?

Binalik ko sa kanya ang tinapay at umusod ng kaunti papalayo sa kanya. Mahirap magtiwala sa enkantadong kakikilala mo pa lang.

"Oh bakit? Ayaw mo ba—'wag mo muna ako husgahan! Mabait naman ako!"

Nanlaki ang mata ko at agad tumayo. Mukhang tama ang iniisip ko, nandito sya para pag ekspiramentuhan kami para malaman kung bakit wala kaming kapangyarihan.

Muntik ng mabuo tiwala ko sa kanya mabuti na lang at napigilan. Titiisin ko na lang muna ang gutom ko kaysa kumain ng pagkain ng isang enkantadong mapag-uri.

"Teka sandali lang sa palagay ko kailangan kong ipaliwanag sayo ang ginagawa ko. Ginagawa ko lang 'to kasi mahirap kami."

Totoo nga iniisip ko! Isa syang enkantadong mapang uri. Hindi talaga dapat magtiwala.

Agad akong tumakbo para makalayo sa kanya. Ayaw kong mapag ekspiramentuhan ng isang enkantadong taga elite world.

Uncle jun 'wag nyo po muna ako kunin.

"Teka lang hindi ko pa alam pangalan mo!" Sigaw nya.

Hindi ko sya nilingon. Mabuti na din lang at hindi ko naibigay ang pangalan ko sa kanya kundi baka pag-gising ko bukas wanted na ako.

Maayos akong nakalabas sa huling gubat na dadaanan ko at ilang kilometro na lang at bahay na ni aunt xenah.

Mukhang di na ako sinundan ni julhiune, mabuti na lang.

Sa ngayon kailangan kong ihanda ang sarili ko sa sermong isisigaw sa akin ni aunt xenah.

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang door knob na gawa sa tubig at dahon. Ito ang kadalasang door knob na ginagamit ng mga taga-impotent city. Ito ay unang nayari sa Elite world at na-adapt lang ng mga taga-impotent city. Ang hitsura nito ay malambot ngunit sa oras na ito ay hawakan ay parang kasing tigas ng isang metal.

Ilang beses kong pinihit pero nakakandado na.
Lagot na paano ako nito papasok?

Wala akong boses at hindi ako makakasigaw ng "aunt xenah nasa labas pa po ako!"

Naupo na lang ako sa tapat ng pinto. Wala ng pag-asa dito ako tutulog ngayong gabi at hindi rin ako makakain ng hapunan ngayong gabi.

Naisip ko, sana tinanggap ko na la—
Bah-bah, black ship have you any wool?
Yes sir, yes sir three bags full
One for the master and for the men and for the little boy who lives down the dame.

Ang unfair, bakit pa ako nahilig sa rhymes or sa music kung di rin pala ako makakanta o makakapagsalita.

Sana nakakapagsalita din ako katulad ng ibang enkantadong walang kapangyarihan dito. Sana katulad lang din ng iba ang buhay ko. Masaya at kuntento 'di gaya ng sa'kin. Malungkot at maraming kulang.

Ang ganda ng langit, punong-puno ng bituin. Siguro kung naging isang bituin ako mas madali sana. Magpapa-ilaw lang ako ng sobrang liwanag para lahat ng nadidiliman tuwing gabi ay maliwanagan. Hindi ko na kailangang mag-hugas ng pinggan at mag-laba araw-araw.

May pamilya kaya ako?

Hay rithym ang dami mo namang tanong sa sarili mo.

"Ang hirap siguro nyan. Wala kang masabihan ng problema mo, sarili mo lang ang kasama mo."

Tama sya.

Wala akong ibang kadamay o kasama buong buhay ko kundi si uncle jun at ngayong wala na sya, naiwan na akong nag-iisa.

Elsie Marley has grown so fine,
She won't get up to serve the swine;
But lies in bed till eight or nine,
And surely she does take her time.

ISTORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon