CHAPTER 2

3 0 0
                                    

IMPOTENT CITY:

My one and only wish is—Ah nothing, It wouldn't happen anyway. I sighed in frustration at nagdecide na maupo muna dito sa isang ugat ng malaking puno.

But I wish I could talk like other people.

Ano na kaya nangyari doon sa mga naghahabulan na 'yon. Mukhang may atraso 'yong lalaki.

Nagugutom na talaga ako pero malayo pa ang bahay ni aunt xenah. Ilang gubat pa ang dapat kong daanan pero malapit ng mag-dilim. Takot na gutom na ako ngayon dahil siguradong hindi ako makakahingi ng tulong kung may mang-yari man sa akin.

Twinkle, Twinkle Little star.

I wish I could sing too pero anong magagawa ko? Ganito ang kapalaran ko at mukhang ganito na ako hanggang sa mamatay ako.

Up above in world so high
like a diamond in the sky.

Sa lahat ng mga kantang narinig ko, nursery rhymes ang pinaka-gusto ko sa lahat. Bakit? Kasi nakakarelax kapag pinapakinggan mo at ang lyrics. Hindi lang basta pambata o kaya pang-hele ng bata. May ibig sabihin sya, lahat ng nursery rhymes may meaning ang bawat lyrics.

How I wonder what you are.

Saan kaya galing ang tugtog? Mukhang hindi galing sa malapit, parang medyo malayo. Nakita kong maliwanag ang baybay ng elite world at mukhang doon nang-gagaling ang tugtog.

Tumingala ako at tulad sa kanta ng twinkle, twinkle little star. Ang ganda ng mga bituwin sa langit para silang mga ilaw na mapupundi pero lalong nagliliwanag.

"Ang ganda nila diba?" Isang lalaking gusgusin aang tumabi sa akin at tumingala rin .

Sino ka?

Ahay, As if naman maririnig nya ako. Ako lang ang nakakarinig sa akin at wala ng iba.

"Sino ka ?" Tanong nya habang pinagmamasdan ang bituwin sa langit.

Ako nga ang unang nagtanong eh.

"Bakit hindi ka nasagot? Taong gubat ka ba?" Tanong nya ulit ng maramdaman nyang hindi ako nagsasalita.

Ang dami naman nitong tanong.

Tiningnan ko lang sya at nag-lakad na ulit. Hindi naman nya ako maiintindihan kahit makipag-titigan ako sa kanya, mag-damag.

Hindi kami magkakaintindihan kaya mas mabuting umalis na ako bago pa nya malamang hindi ako nakakapag-salita. Sana talaga makapagsalita na uli ako, I'm still hoping kahit sabi ni uncle jun mahirap na daw.

Bakit naman ako natatakot na malaman na hindi nakakapag-salita? Nakakarinig at ayos ang ibang system ng katawan ko—

"Ako so julhuine at ikaw si?" Tanong nya habang pilit na ngumingiti.

Nagulat ako, kasi akala ko Jun ang sasabihin nya pero iba pala.

Nice to meet you ,sana lang masasagot kita julhuine.

"Nakakapag-salita ka ba?"

Hindi naman siguro obvious na hindi.

"Hello? Naririnig mo ako?"

Hindi lang ako nakakapagsalita pero hindi ako bingi!

"Bahala ka kapag 'di ka pa nag-salita hindi ako titigil dito."

Hay! Bakit ba ang kulit ng nilalang na 'to. Kung nakakapagsalita ako, mas pipiliin ko pa lalong hindi mag-salita.

Nagmadali na lang ako maglakad at sinikap na maiwan sya. Nagtagumpay naman ako, naiwan ko sya habang naglalakad ako at ang isa pang tagumpay....Isang gubat na lang dadaanan ko.

Pero paano ko sya naiwan ng ganoong kabilis?

Medyo weird na ang sarili ko ngayon. Sanhi ba 'to ng gutom o pagod lang ako?...... Hay rithym nagmadali ka diba? Tapos tatanungin mo sarili mo kung bakit ang bilis mo.

Bigla na lang sumulpot si julhiune sa harapan ko. Tingin ko gumamit sya ng baging dahil may nakatali pa sa kamay nya. Ang husay naman nyang gumamit no'n kung ganon.

"Woah paano mo nagawa yun? Ang bilis mo! Pero mas mabilis pa din ako." Manghang-manghang sabi nya.

Miski ako namamangha sa sarili ko ngayon pero hindi naman ganyan.

"So ano ngang pangalan mo? Kanina pa ako nag-sasalita dito hindi ka naman sumasagot."

Hindi ko nga alam kung paano ako magkakaboses eh.

Tumigil na ako sa kalalakad at hinarap sya. Okay sige, nanalo ka. Mag-usap tayo kahit tititigan lang kita. Pagod na ako at gutom, kung makikipag-iwasan ako sa lalaking 'to. Mauubos ang lakas ko.

Naupo kami sa tabi ng ilog na konektado sa elite world.
Sabi ni uncle jun galing daw ako dito at nakita nyang palutang-lutang sa ilog sa isang basket.

Sabi nya nakakapagsalita pa daw ako noon pero ngayon 'di nya daw alam kung makakapagsalita pa ako.

Sinubukan kong ipaintindi sa kanya na hindi ako nakakapagsalita pero parang hindi nya ako maintindihan. Ilang beses ko pang inulit ang ginawa ko para maintindihan nya ako pero hindi pa din.

Nawawalan na ako ng pag-asang magkaka-intindihan pa kami.
Naglabas ako ng hangin, isang malalim na hininga.

Itinuon ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko ang ilog, kumikislap-kislap din ang tubig dahil sa ilaw ng elite world at ng bituin.

"AHHHH!"  Nagulat ako ng biglang sumigaw julhuine.

Napatayo ako, lumayo sa kanya. Hindi ko alam kung may sumakit o ano mang nangyari sa katawan nya. Sa tingin ko lang mas mabuting dumistansya ako.

Pero nakangiti sya e, kaya para namang walang masakit sa kanya. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to.

'Di kaya....

Nanlaki ang mga mata ko.

ISTORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon