CHAPTER 1

6 1 0
                                    

RITHYM P.O.V.

"---- ka talaga!"

"Mama naha-highblood na naman kayo, chill lang kayo hindi naman natin kasalanan kung ---- talagang pinanganak 'yang si rithym."

Akala ko kakampihan ako ni Jan pero iinsultuhin din pala ako. Noon pa naman hindi na nila ako gusto pero kahit kailan hindi nila ako ininsulto ng harap-harapan.

I'm not stupid. Gustong-gusto kong sumagot pero wala akong boses na mailabas.

"Ayusin mo 'yan ha! Pasalamat ka at mahal na mahal ko si Jun kundi dahil sa kanya hindi talaga kita kukupkupin." Panunumbat pa sakin ni Aunt Xenah. Parang kung anong tagos-tagosan na lang sa puso at isipan ko, hindi ko na maramdaman.

Same old sayings.

Nagugutom na ako, gusto kong kumain pero hindi ako pwedeng kumain. Malaki ang takot ko sa asawa ni uncle Jun, kay aunt Xenah. Ayaw nyang nakangiti ako o kaya naman ay masarap ang kain, sa makatuwid ayaw nyang mapasarap buhay ko.

Simula ng mamatay si uncle Jun isang beses sa isang araw na lang nya ako pakainin, tuwing hapunan na lang.

"Rithym anong pag-kain?" Tanong ni Xhan. Kagigising nya lang at may oras ang pagiging mabait nya sa akin.

Tinuro ko ang pagkaing natatakluban sa lamesang gawa sa kahoy, pagkaing para sa isang tao na lamang. Gutom na gutom na ako pero kailangan kong magtiis dahil wala naman akong magagawa eh.

Tinuloy ko na lang ang paghuhugas sa mga platong ginamit nila para matuon sa iba ang atensyon ko at hindi ko masyadong isisping nagugutom ako. Halos isang taon na rin naman akong ganito.

"Ako na maghuhugas nito. Ibigay mo na lang 'to kay Senior Meylah." Medyo mabait sa akin si Xhan pero minsan lang kaming mag-kita dito sa bahay dahil sa trabaho nyang sya lang ang nakakaalam kung ano.

May inabot sya sa aking isang supot na hindi naman gaano kalakihan. Ano kayang laman nito? Parang gusto kong malaman kung ano ang laman nito. Bubuksan ko na sana kaso tumayo na si Xhan mula sa kinauupuan nya. Sayang naman gusto ko talagang malaman.

"Bakit hindi ka pa naalis?" Tanong muli nya kaya dali-dali akong naglakad papalabas ng bahay namin.

Medyo malayo ang bahay nina senior meylah kaya hindi ko alam kung kakayanin kong magpunta pa doon lalo na't wala pa akong kain. Nagsimula na akong maglakad at wala pa sa kalahati ng daan papunta kayna senior meylah ay nanghihina na ako pero kailangan kong maibigay sa kanya dahil siguradong malalagot ako kapag hindi ko naibigay sa kanya.

Hindi ko na kaya.

Nanlalabo na ang paningin ko at hindi na ako makatayo ng diretso. Ramdam kong babagsak na ako pero wala akong maramdamang sakit. Sinubukan kong imulat ang mata ko at nakita kong nakalutang na ako. Nag-panic ako at naging magalaw pero nanatili akong nakalutang.

A-Anong nangyayari? May taga elite world ba dito?

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at unti-unting nawala ang pagpa-panic ko.

Wala akong maramdamang engkantado dito at mukhang ako ang kumukontrol sa pag-angat ko sa lupa pero nasa impotent city ako papaanong nangyari 'to?

Sinubukan kong kontrolin pa at nakaalis ako sa pwesto ko kanina.

Maganda 'to makakapunta ako kayna senior meylah ng hindi lumalakad.

Tinuloy-tuloy ko lang hanggang makarating ako sa tapat ng bahay nya. Sinubukan kong ibaba ang sarili ko pero nahihirapan na akong ibaba ang sarili ko. Malaking eskandalo 'to kapag may ibang nakakita sa akin. Sinubukan kong mag-concentrate at salamat naman nagawa ko.

Kumatok ako at ilang saglit pa ng pinagbuksan ako ng pinto. Dali-dali nyang kinuha ang supot na inabot sa akin ni Xhan kanina at walang sabi-sabing pinagsaraduhan ako ng pinto. Ano kaya ang laman ng supot na yun?

Uuwi na ako at naisipan kong gawin ulit ang ginawa ko kanina kaso hindi ko na alam kung papaano. Sinubukan kong pumikit at dinama ang sarili ko pero ayaw na talagang gumana. Dumarami na rin ang mga taong nasa dadaanan ko.

Maglalakad na lang ako, Goodluck sa akin.

Habang naglalakad may napansin ako sa mga mata ko. Mas lumiit ang tingin ko pero mas malinaw kaysa sa dati. Kinusot-kusot ko ang mata ko at salamat bumalik na sya sa dati. Mukhang dahil lang yun sa gutom, tama, siguro masyado lang akong gutom.

"Excuse me, emergency!" May lalaking tumulak sa akin at muntik na akong madapa. Mabuti na lang at naka-balance ako, napigilan ko ang aksidenteng mangyayari.

Aray, ano ba yun?

May lalaki ulit na bumangga sa akin at tuluyan na akong nadapa.

"Tabi-tabi!"

Isa pa yung mga grupo ng mga kalalakihan, mukhang yung lalaking bumangga sa akin ang hinahabol nila. Sino kaya yun, parang gusto kong makibalita pero malayo na sila at nagugutom na ako. Gustuhin ko mang maki-sagap ng balita ay wala na akong lakas, gusto ko na lang mag-hapon na para makakain na ako.

Pero sino ba 'yung lalaking hinahabol nila?

Hindi ko talaga maalis sa akin ang kuryosidad. Nakakainis ang pakiramdam na gusto mong malaman ang lahat kahit hindi naman maaari para sayo.

ISTORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon