Chapter 1: Glass Castle City

90 3 1
                                    

Alison

Naglalakad ako papunta sa kusina namin para magluto ng umagahan. Napangiti na lang ako pagdating ko sa kusina. Niluto na pala ni tita ang kanin. So, ibig sabihin nito ay ulam na lang ang lulutuin ko. Kumuha ako ng tatlong itlog at tatlong hotdog sa ref. Breakfast nga kasi ngayon, kaya siyempre ito ang lulutuin ko. Sinimulan ko na ang pagprito sa itlog, sunod ang hotdog.

"Ready na! Okay, hihintayin ko na lang sina tita at tito!" masayang sabi ko saka umupo sa mesa.

Ilang minuto lang, dumating na sila. Kumain na kami. Parang kakaiba ngayon ha. Bakit ganun? Parang ang tahimik namin ngayon eh. Dati naman kasi, kapag kumakain kami, puro kami tawanan. Kaya ngayon, naninibago ako. Ano layang meron? May nangyari ba?

Nasa salas kami ngayon, nakaupo sila sa sofa habang ako nakaupo sa kabilang sofa, nakaharap sa kanila.

Bakit ang seryoso naman nila masyado? "Tito, tita. Ano po bang sasabihin niyo sa akin?" tanong ko sa kanila.

"I'm sorry sa sasabihin namin!" sabi ni tito. Ano ba kasi ang sasabihin nila.

"Sasabihin pa ba talaga natin?" tanong ni tita sa kanya. Lalo tuloy akong kinabahan. Tumingin silang dalawa sa akin.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagbihis na ako. Suot ko ang simpleng t - shirt na kulay blue at maong na pantalon. Pagbaba ko, nakita kong nakatayo sa salas sina tito at tita. Naiiyak na ako. Pero siyempre, pinipigilan ko. Baka lalo lang silang malungkot eh.

Lumapit ako sa kanila at malungkot silang niyakap. Sinabi nila na lagi daw akong mag - iingat Pinaalala din nilang mahal na mahal nila ako. Mahal ko din sila, pero wala na akong ganang sabihin 'yun sa kanila.

Dumating na 'yung sasakyan na susundo sa akin. Lumbas na ako ng bahay, at pagdating sa labas, "Wow!" sabi ko na lang. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung nakita ko sa internet. Kulay pula, at puwede siyang lumipad. As in wow! Saan kaya kami pupunta?

Pagsakay ko, manghang mangha ako. Grabe, sa sobrang ganda, hindi ko maipaliwanag. High quality lahat ng gamit.

Pagkaupo ko, napatingin ako sa lalaking nagmamaneho. Sa kakatitig sa kanya, hindi ko namalayan na umaandar na pala ang kotse, or mas tamang sabihin na 'flying car'.

Kasing edad ko lang siya, and well, guwapo siya. Pasensya, ganun lang talaga ako magdescribe. As simple as that. As if.

"Bakit mo ba ako tinititigan?" nagulat ako sa nagsalita, 'yung driver. Napaiwas naman ako ng tingin. Pagtingin ko...

"Lumilipad na pala tayo?" tanong ko sabay tingin sa kanya. Ang guwapo naman niya para maging driver.

"Para lang sa kaalaman mo, hindi ako isang hamak na driver lang. Bakit ako ang nagmamaneho? Ako lang kasi ang may kayang magmaneho nito. At, ako lang naman ang inventor ng sasakyang ito." paliwanag niya sakin na naging dahilan para mamangha ako. Wow lang ha. Seriously? Inventor ng sasakyang ito? Ang bata niya pa kaya. Magsing edad lang ata kami nito eh.

"Totoo?" lutang na tanong ko sa kanya. Ang pangit naman ng tanong ko sa kanya.

"I don't know!" sagot niya sakin. Oey niya ha. Pilosopo lang?

Matapos ang ilang minuto, lumanding ang sasakyan sa isang maluwang na lupa. Pagbaba namin, dinala ako ng lalaki sa dito. Meron 'tong napakataas na gate, kulay puti na parang may violet. Basta ganun, hindi ko maipaliwanag ang kulay na mayroon ito.

"Pumasok ka na diyan!" sabi sakin ng lalaki. Hindi ko pala alam ang pangalan niya no?

Paano ako makakapasok, eh wala nga sakin 'yung susi ng gate? Kainis 'yung lalaking 'yun ha. "Buksan mo muna 'yung gate. Wala kaya akong susi."

Lumingon siya sa akin. "Gumawa ka ng paraan. Kayo talagang mga mahihirap, puro bonakid." sabi niya saka sumakay sa kotse niya.

"T - teka lang. Papanong --" naputol ang sasabihin ko dahil umandar na ang kotse. "Tsk. Kainis. Bonakid? Teka, bobo ba ang meaning nun? Ang yabang naman ng lalaking 'yun!" sabi ko na lang habang pinapanood ang papalayong sasakyan hanggang sa makalipad na ito.

Humarap na ako sa napakataas na gate. Wow ha, mukhang mayaman may - ari nito ha. Napalingon ako sa bandang itaas ng gate.

"Glass Castle?" takang basa ko sa nakasulat doon. So, may pangalan pa ang bahay na to ha. "Sosyal nito ha."

Lumapit ako sa gate para hawakan ito. Pero nagulat ako sa paglapit ko dito. Biglang bumukas ang gate. Automatic pala to? Sa pagbukas ng gate, nakita ko ang iba't ibang gusali. Lahat ito ay matatayog at talagang pangmayaman. Lahat din ng kulay nito ay puti na parang may violet.

"Seriously? Parang hindi ito bahay eh. Para tong isang bayan, isang city. Glass Castle City? Wow ha, sosyal pati pangalan.

Papasok na ako nang may natanaw akong babae na papalapit sa akin. One word to describe her, maganda. Ang suot niya, katulad lang ng sa ibang mayaman.

"You, the adapted daughter of Mr. and Mrs. Bea?" tanong niya sakin. Asa siyang sagutin ko siya ng english.

"Ah, ako nga. Paano mo nalaman? Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Follow me!" maawtoridad na sabi niya saka naglakad. Sumunod na lang ako, kilala niya naman ako.

Dito niya ko dinala sa isang napakagandang bayan. "Wow! Napakalaki naman dito!" sabi ko dahil sa pagkamangha sa nakita. Napakalaki nito, napakalawak. Ang mga gamit, mula sa ibaba hanggang sa itaas, lahat mamahalin. Sa totoo lang, naiingit ako. Wala pa ata nito ang kalahati ng bahay namin.

Naupo kami sa salas. Ang lambot ng sofa. Ang sarap humiga. Pero nakaupo lang ako, hang 'yung babae, nakatayo sa harap ko.

"Your name." sabi niya sa akin. Tinatanong niya ba ang pangalan ko? Ayaw na lng kasing idiretso. Ang daming paligoy - ligoy.

"Ah, Alison po. Alison Bea." sagot ko naman.

"Your age?" puro tanong siya. Parang ewan.

"18 Years old." tipid kong sagot.

"Okay. Well, okay ka naman. I will be your mentor. And well, you're a nerd?" sabi niya at tumingin sa akinna parang inuusisa ang itsura ko. Oo, nerd ako. Lalo't braided ang buhok ko, divided into two parts, at may salamin ako pang nerd. Yumuko na lang ako. Nahiya kasi ako.

"Sino siya?"


SnowflakesWhere stories live. Discover now