Alissa
Well, nakaupo ako sa sofa dito sa mansion. Oo, sa mansion kami nakatira, dahil mayaman kami. Habang nandito ako sa salas, nanonood ng news, dumating ang artista, este ang mama ko. Naupo siya sa tabi ko. Teka nga, ano naman kaya ang balak nito?
"My good daughter, ano naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong niya sakin. At nakatingin pa siya sa akin nung tinanong 'yun. Pero matapos niyang sabihin iyon, humarap na siya sa T.v.
"Huwag kang plastik. Good daughter?" idiniin ko talaga ang pagkasabi sa 'good daughter' "Ma naman. Andito lang tayo sa mansion. Wala tayo sa harap ng camera."
"Ganun ba?" tanong na naman niya. Puro siya tanong. Kainis. Tumingin siya sa akin, pero nanatili akong nakatingin sa T.V. "Tumingin ka sakin.!" dugtong niya pa. Pero hindi ako tumingin, hindi ako aso para sumunod lang basta sa kanya.
Nang hindi ako tumingin, naramdaman ko na lang na namanhid ang aking pisngi sa lakas ng pagsampal na ginawa niya. Ang kapal.
Tumingin ako sa kanya. Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko, pero pinigilan kong umiyak. "Bakit mo ako sinampal?" nanginginig na tanong ko sa kanya.
"Nanay mo pa rin ako. Igalang mo ako." ang kapal talaga niya.
"Oo nga pala. Nanay nga pala kita. I'm sorry. Akala ko kasi, isa kang nightmare." hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumulo ang patak ng luha mula sa aking mga mata. "Sabihin niyo nga ma, kailan pa kayo naging nanay sa akin? Diba nung bata pa ako, si papa lang ang laging nandiyan sa tabi ko? Eh ikaw? Nasaan ka? Nandoon ka sa kanya. Puro siya na lang." umiiyak kong daing sa kanya.
Well, ito na ang pagkakataon para pahirapan siya. Kung noon, pagmamahal ang nais ko, puwes kapangyarihan. 'Yan ang gusto ko at wala nang iba pa. Wala akong pakialam sa mga pag - ibig naman. Oo, mukha akong losyang, alam ko. Ang diretso kong buhok ay laging nakalugay, at gulu - gulo pa. So what? Wala akong paki.
Umalis na ako sa harap ng babaeng iyon. Ayoko siyang tawagin na mama. Wala siyang kuwenta.
Ysabel
First day ko ngayon sa work. I'll do my best para maging ok ang performance ko. Excited na talaga ako. Promise, mama, papa. Gagalingan ko talaga.
Pagkarating ko sa LEVI Company ay agad akong pumasok dito. Namangha ako pagpasik ko sa loob. Kahapon nakapasok na ko dito, pero ngayon ko lang napagtanto na ang laki at ang ganda pala ng building na ito. Dito na pala ako magtatrabaho. Sosyal na ata ako. Hehe, biro lang. Ayoko maging sosyal, stay humble lang.
Sa isang office, well office siguro ng mfa writer, doon ako inihatid ng woman in black na ito. Nagpasalamat ako bago pumasok sa kuwarto.
Pagpasok ko, tumingin sila lahat sa akin. Apat? Apat lang? 'Yung dalawang babae, nakaupo sa desk siguro nila. Well, ang sosyal nila tignan. Sana maging ganoon din ako. At 'yung dalawabg lalaki, nakatayo, hawak ang hot coffee siguro? Bakit ganun? Puro magaganda't guwapo ba talaga ang nagtatrabaho dito? Ako lang ata ang nerd dito. Nakabraided ang buhok ko, at nakasuot ng salamin at siyempre 'yung katulad ng idol ko. Si Witch Yoo Hee.
Ngumiti ako bago magsalita. "Kumusta? Ako nga pala si Ysabel Cruz. At bago lang po ako dito." pagpapakilala ko then tumawa ako ng malakas. "Sana maging mabait kayo sakin.!"
"Ahmm.. Gusto mo? Sabi nung lalaking nasa kanan sabay abot sa kapeng hawak niya.
"Naku, salamat na lang. Hindi ako nagkakape." pagtanggi ko.
"Hindi naman to kape. Hot choco to." hot choco pala 'yun.
"Oh sige!" sabi ko then tumakbo papalapit sa lalaking nag - alok sakin then kuha sa hawak niyang baso na agad ko namang inubos. "Salamat ha." sabi ko saka binalik sa kanya 'yung baso then naupo sa bakanteng desk. Bakante naman eh, so dito siguro ang puwesto ko.
Hindi ko man nakita, pero ramdam ko na nawewerduhan sila sa akin. Well, wala naman akong magagawa.
"Ako nga pala si Paulo Asmith, nice ro meet you." pagpapakilala ng lalaking nag - alok sa akin ng kape, este hot choco.
"Hello.!" nakangiti kong bati.
"Ako naman si Gelo Napusuan, and it's nice meeting you." pagpapakilala naman ng lalaking katabi ni Paulo. Hehe, kilala ko na agad siya. Ang guwapo niya ha, infairness.
"Ako si Shiela Galamnan, mabait ako sa mabait. Pero kung maldita ka, demonyita naman ako." sabi niya. Grabe, nakakatakot naman.
"H-hi!" nauutal kong bati sa kanya. Pano ba naman, nakakatakot kasi.
Humarap sakin 'yung isang babae. At ang ganda niya. Hindi ako lesbian, pero masasabi ko, talagang maganda siya.
"Hi. I'm Rubiana Ashana, and nice to meet you." sabi niya then ngumiti siya. Naku, para siyang anghel.
"H - hello." bati ko sa kanya.
Wow, ngayong araw lang na 'to, ang dami ko na agad kilala. Ang cool.
Rubiana
Natapos na ang work hours. Salamat naman. Grabe, nakakapagod ha. Well, may bago nga pala kaming kasamahan. Ok naman siya, may pagka childish lang. Pero ok nga 'yun eh, nakakatuwa nga siya eh.
Umuwi na ako sakay ang taxi. Oo, hindi sa nagyayabang pero maganda talaga ako, at mukha oang mayaman. Kaya ang alam ng mga kasamahan ko sa trabaho, may kaya kami. Pero ang totoo, malayo 'yun sa katotohanan.
Ibinaba ako ng taxi sa isang slaughter area. Maraming tao dito, puro kahoy at tagpi tagpi ang mga bahay dito.
Naglakad pa ako, nang marating ko ang tagpi tagping bahay na may taas. Pumasik ako dito, at nadatnan ko na naman si mama na nag - iinom. Nilapitan ko siya para pigilan sa pag - inom. Pero wala akong nagawa para pigilan siya. Naupo na lang ako sa sahig, nakaharap malapit sa kanya.
Ngumiti ako, pero hindi nakatingin sa kanya, kundi sa sahig na butas butas na dahil sa kalumaan.
"Alam mo ma, may bago akong kasamahan. At kung pano siya kumilos, ganun na ganun din si ate." hindi ko na mapigilang umiyak. "Mama, huwag po kayong mag - alala. Sa unang suweldo ko, aalus agad tayo sa lugar na ito. Mangungupahan tayo sa apartment. 'Yung magandang apartment. Para naman hindi na natin nakikita 'yung mga taong dahilan kaya naging miserable ang buhay natin. Pangako, magiging ok din ang lahat."
Author's Note;
Ito na po 'yung chapter two. Ok po ba? Comment naman po diyan.
Malapit na po birtday ni author, march 9 na po. Ok na po sakin na 'yung mga votes and read niyo ang gift niyo sakin. 100 reads and 20 votes, kaya kaya natin 'yun hanggang march 9? Kaya 'yan. Salamat po sa pagbasa.
Don't forget to vote and comment. Pashare din and add to your reading list. Salamat.
Your aspiring author;
PakJinho