Chapter 3: Secret Love

43 3 1
                                    

Ysabel

Hindi ko alam, napasarap na pala ako sa bago kong work. Nalimutan ko tuloy na bisitahin si mama. Oo, tama kayo ng narinig. Pero kung akala niyong buhay at kasama ko pa ang mama ko, mali kayo. Mayroon kasi akong itinuring na mama, ang taong kumupkop sa akin at nagpaaral. Kaya heto ako ngayon, isa nang ganap na writer.

Nag - almusal ako at saka nag - ayos ng sarili. Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong pumara ng taxi. Makalipas lang ang ilang minuto, nakarating na ako sa bahay nila mama. Ordinaryong mayaman si mama. Well, isa lang naman siya sa pinakamagagaling at pinakasikat na doctor sa bansa. Sabi nga niya, magdoctor na lang daw ako. Pero mahal 'yun, ang kapal ko naman kung tatanggapin ko . Pero sinabi ko lang na takot ako sa dugo. Kapag kasi nalaman niya na nahihiya ako kaya tumanggi ako, ipipilit niya na magdoctor ako.

Sa salas, nakaupo kami sa magandang sofa ni mama, nag - uusap. Grabe naman, namiss ko si mama. 61 years old na nga pala si mama ha, pero malakas pa siya.

"Mama, miss na kita!" sabi ko na parang nagpapaawa pa. Wala lang, eh sa miss ko lang talaga si mama eh.

"Ang baby ko, halika nga. Gusto ka mayakap ni mama." sabi niya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya, at niyakap niya ako.

"Alam mo ba, miss na miss ka na rin ni mama. Nakakalungkot nga eh, ngayon ka lang dumalaw." narinig kong sabi niya. Sa tono ng pananalita niya, alam kong nagtatampo siya.

Sa pagkakataong ito, niyakap ko na rin siya. Ang sarap sa pakiramdam na nayakap ko rin siya. "Mama, sorry ha. Nakalimutan ko kasi sa dami ng work. Masyadong busy eh."

Nagkuwentuhan lang kami ng kung anu - ano. Napansin ko na magtatanghali na pala kaya nag - paalam ako na aalis na ako. Hayy naku, heto talaga si mama, inihatid ba naman ako hanggang sa gate?

"Mama, tuwing weekend po, bibisita ako dito." sabi ko nang nakangiti.

"Feel Free lang." tipid na sabi ni mama. Talaga 'to si mama, matanda na pero kung magsalita parang dalaginding pa. Maarte pa magsalita sakin eh.

Alissa

"How dare you call me heartless woman?" galit na sigaw ko sa secretary ko. Nakaupo ako dito sa office ko, at nasa harap ko nakatayo ang lintik na babaeng 'to. Pasensya na sa salita, sadyang nakakainis lang talaga kasi.

Nahalata ko naman sa kanya na nanginginig siya sa takot. Gagawa - gawa siya ng eksena kanina tapos gaganyan - ganyan siya? How pathetic! Pasensya na talaga sa word, pero sobrang naiinis talaga ako.

Alam niyo ba kung ano ang ginawa niya sa akin kanina? Well, pinahiya niya lang naman ako sa sarili kong empleyado. Naglalakad ako kanina papuntang office ko. Nakasunod sakin ang secretary ko. Tinawag niya ko, pero di ko siya pinansin. Alam niya naman una pa lang na ayoko sa lahat eh 'yung kinakausap ako habang naglalakad. Pero, sige pa rin siya sa kakatawag sakin. At dahil ayaw kong lumingon, sumigaw siya ng malakas na naging dahilan para lumingon sa amin ang maraming tao. "Heartless Woman!" 'yan ang sigaw niya. Diba nakakainis?

"P - pasenaya na p - po. Ayaw niyo po kasi lumingon kaya nagawa kog sumigaw." nauutal na katwiran niya. Eh baliw pala siya eh.

"Eh diba ilang beses ko na naman sayong sinabi, una pa lang, huwag mo kong kakausapin kung naglalakad ako." pasigaw ko ulit na sinabi.

"P - pero importante lang po kasi."

"Eh ano ba kasi 'yun?"

"Si Madame Alison, sinugod po siya sa hospital."

"'Yun lang pala eh. What's important about that?" reaksyon ko na parang wala lang akong narinig. Pero sa loob ko, ewan ko pero parang nag - alala ako. "Oh sige, labas na. " sabi ko then lumabas na nga siya.

Pero, ano naman kaya ang dahilan para maospital si mama? Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang sakit. So, ibig sabihin ba may tinatago siyang sakit na hindi namin alam?

Agad akong lumabas ng company at pumunta sa ospital kung nasaan ang mama ko gamit ang kotse ko. Habang nagmamaneho ako ng kotse, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ano to? Bakit ko iniiyakan ang mama ko? Bakit nag - aalala ako sa kanya? Siguro dahil nung huling pagkikita namin ay nagkasagutan kami. "Mama, huwag kang mamamatay!" nasabi ko na lang sa sobrang pag - aalala. Oo na, aaminin ko na sa sarili ko. Nag - aalala ako para sa mama ko. Kahit galit ako, mama ko pa rin naman siya. Pagdating ko sa ospital, agad kong inalam kung saan ang room ni mama at nagmamadali itong pinuntahan.

Pagpasok ko sa kuwarto, nakita kong nakahiga si mama sa kama, walang malay. Nilapitan ko siya at inalog - alog.

"Mama, gumising ka nga! Bakit ka naospital? Eh diba masamang damo ka? At diba sabi mo eh magiging world's famous actress ka pa? Eh bakit nandiyan ka? Mama please, don't die." sabi ko na umiiyak. Grabe, sobra ang pag - iyak ko. Ni minsan hindi ko naimagine 'yung sarili ko na iyakan si mama. Pero ngayon, iniiyakan ko siya.

"Oh, bakit ka umiiyak diyan? Oey lang?" narinig kong tanong ni... ni mama?

Tumingin ako sa mama ko, gising na siya.

"Mama, you're alive?" natanong ko na lang sa pagkagulat at niyakap siya. "Thanks mom, thanks for living." sabi ko then kumalas ako sa pagkayakap sa kanya.

"Anong pinagsasabi mong mamamatay? Weird mo ha!"

"Hindi ba malala ang sakit niyo?"

"Hindi lang sa hindi malala, dahil wala naman akong sakit."

"Eh ano to? Ba't nasa ospital kayo ngayon? Ano to, palabas?"

"Yup. Umaarte lang ako. At tama ka, magiging world's famous actresd pa ako. So, don't worry. Hindi pa naman ako mamamatay."

Nainis ako, promise. Unang beses akong umiyak sa para sa kanya. Then what? Lokohan lang pala ang lahat? As in how pathetic. It's not too funny as a joke. I hate her. I hate her too much.

"Okay fine, I'm leaving." sabi ko then lumabas na ko ng kuwarto.

Nakaupobako sa kotse ko, nakahawak ang dalawa kong kamay sa manibela. Kung kanina ay lungkot, ngayon naman ay galit. Galit dahil pinagmukha niya akong timang kanina. Iniyakan ko siya kahit hindi naman siya deserving para sa iyak ko. Totoong luha ang ibinigay ko sa kanya. But he treat it as a waste. She's nothing. Puro siya lang ang iniisip niya. Walang mahalaga sa kanya kundi siya. I'm nothing, so did she.

Author's Note;

Done chapter 3. Ano po tingin niyo sa sa chapter na to? Puwede po magcomment. Pakivote na rin at pashare sa mga kilala niyo.  Salamat sa pagbabasa! Umpisa pa lang 'yan ng kalungkutan, as time goes by, mas matindi pa ang pagsubok nila. Well, ganun talaga.

Kanina po, nadilaan ako ng aso sa hita at nadikit 'yung ngipin niya. First time po 'yun nangyari sakin kaya natakot ako. Wala naman sugat pero natakot la rin ako. I hope ipag - pray niyo po ako. Salamat! Masaya ako dahil sa readers ko at mahal ko po kayo!"

Yourcaspiring author;

PakJinho

SnowflakesWhere stories live. Discover now