" Ikaw oh Diyos ay pinapasalamatan ko dahil sa panibagong araw na inyong ipinagkaloob, at maraming salamat Ama, dahil ikaw ang siyang gumagabay sa amin. Sa'yo ang lahat ng papuri at pagsamba. Amen!"
Ngiti at panalangin ang kasangga upang sa ganun ay maging mas matiwasay ang bawat umaga.
Masaya naman talaga ang buhay, kung hindi ka nagpapadala sa mga negatibong iyong nakikita at naririnig.
Mas sasaya ang buhay kung hindi ka tumatambay sa mga problemang kailangan lang daanan.
Lalong sasaya ang buhay kung iiwasan nating maki-alam sa buhay ng mga taong nasa paligid natin, iwasang magbigay ng komento sa kahit na anumang bagay na kanilang isinasagawa.
Kahit gaano pa karami ang nagpaparamdam na mabigat ang iyong pinapasan, lumaban ka pa rin. Nagiging posible ang akala nila ay hindi, at nagiging maayos ang tingin ng ilan ay delubyo.
Isang normal na araw na naman para sa akin na estudyante, kahit minsan nakakatamad ay pinipilit ko pa rin ang gumising ng maaga upang magawa ang mga dapat kong gawin bago pumasok.
Dahil alam ko sa sarili ko na marami akong pangarap na gustong matupad, kaya kailan kong magtiyaga, kailangan kong mas maglaan ng oras para sa aking mga pangarap.
tok tok tok "Anak gumising ka na, mag aalas syete na baka ikaw ay mahuli sa pagpasok"
Napapangiti na lamang ako habang tinitignan ang oras, alas singko y medya pa lamang. Si mama talaga masyadong advance sa oras.
Nagkunwari lamang akong tulog habang pinapakinggan ang kanyang katok sa pintuan ng aking kuwarto. At hindi nga ako nagkamali, binuksan niya nga ang aking pintuan at pumasok.
" Ysa, anak bumangon ka na upang ikaw ay makapaghanda na. Ako'y mahuhuli na sa trabaho may meeting pa akong dadaluhan."
Kunwari ay nag-inat pa ako bago sumagot "Ma babangon na po susunod na ako sa baba"
"Oh siya sige hintayin na lamang kita sa baba, huwag ka ng magtatagal hah! maligo ka na"
"Opo, maliligo na ako"
"Yung uniporme mo nakasabit na sa iyong kabinet naayos ko na rin ang baon mo kuhanin mo na lamang sa lamesa mamaya"
Pinaulanan ko ng halik ang mukha ni mama at sabay bigkas ng nga katagang hindi ko masyadong sinasabi sa kanya.
"Maraming salamat mama! Ang swerte swerte ko dahil kayo ang naging mama ko. Mag-aaral po talaga ako ng mabuti."
"Ay huwag ng maraming sinasabi, bumangon ka na baka ika'y magdradrama"
Natawa na lamang ako habang pinagmamasdan siyang lumabas sa aking kuwarto.
Ilang buwan na lamang, magko-kolehiyo na ako. Napakabilis ng panahon parang kailan lang pinapangarap kong pasukan ang isang pribadong paaralan.
Naaalala ko pa na palagi akong nagdadasal noon na sana ay makapasa ako sa entrance exam upang sa ganun ay makakuha ng scholarship.
Kaya naman naming bayaran ang tuition fee ngunit gusto ko lang na makatipid, kaya laking pasalamat ko ng saguting ng Diyos ang aking dasal.
Ang halos limang libo na nakukuha ko sa scholarship ay siyang inilalaan ko na lamang sa emergency fund ko kasi hindi naman natin alam ang takbo ng buhay, mas mabuti na lamang ang maging handa.