Kabanata III

13 0 0
                                    

Pagbabago

Nagising ako pero hindi agad bumangon dahil hinihintay ko ang pagkatok ni Mama sa may pinto.

Ngunit mag-iisang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin akong nahihintay, kaya nagdesisyon na lamang akong bumaba upang tignan kung anong ginagawa niya.

"Magandang umaga mama, bakit hindi mo ako ginising"

"Ma, nasaan ka ba?"

"Mama, mama, mama"

Pero wala pa rin sumasagot sa akin hanggang sa makarating ako sa aming kusina.

Wala si mama, wala rin ulam sa lamesa. Maaga pa naman kung tutuosin kasi alas- dies ang kanyang pasok tuwing sabado.

Tinignan ko sa kanyang kuwarto pero wala na rin ang kanyang gamit. Teka, umalis ba siya ng hindi nagsasabi?

At naalala ko nga ang aming usapan pagkadating ko sa bahay kahapon.

"mabuti ay nakauwi ka na, kumain ka na at matutulog na ako"

"pero ma---

"Ano ba Ysa, pagod ako kaya kumain ka na lang magpapahinga pa ako bukas nalang tayo mag-usap"

Naninibago man ay sinunod ko na lamang ang kanyang bilin, naiintindihan ko kasi baka pagod nga siya dahil sa trabaho.

Pero ngayon na umalis siya ng maaga, walang salita at hindi rin siya nagluto.

Kaya kong magluto pero naninibago lamang ako, parang may hindi tama. Sabado ngayon wala kaming pasok kaya siguro hindi niya rin ako ginising.

Ano ba Ysa hindi ka lang ginising ng mama mo kasi maaga pa, baka ang tingin niya ay pagod ka. Paalala ko na lamang sa aking sarili.

Napagpasyahan ko na lamang iedit ang gagamitin namin sa aming balitang panradyo para naman mabawasan ang aking iniisip.

Nagluto rin ako ng aking meryenda na pancit cantoon at nagtempla na lamang ng ice tea dahil tinatamad ako sa paggawa ng ice coffee.

Parang ang bagal ng oras kapag mag-isa kaya tinawagan ko nalang si Kira na kung walang ginagawa ay pumunta sa bahay para may kasama ako.

Kabababa ko lamang ang aking cellphone ng tumunog ang aming doorbell, ang bilis naman ni Kira.

Pero laking gulat ko ng makita ko sa labas ang aking pinsan kasama ang kanyang nanay.

"Magandang umaga po, uh pasok po muna kayo sa loob," magalang na bati ko sa kanila

Pero tinignan lamang ako ng mama ni Angel na parang nandidira.

"Hindi kami papasok, binibisita lamang namin ang bahay na dapat ay para sa amin."

"Ano po ang nais ninyong iparating tita?"

"Kung ako sa'yo Ysa ienjoy mo nalang ang tumira dito dahil sigurado naman ako na sa kalsada ka na pupulutin," segunda naman ng aking pinsan.

Pero imbes na sumagot ay nanahimik na lamang ako at hinayaan sila.

Marami pa silang sinabi ngunit pinakinggan ko na lamang, pinalaki ako ng mga magulang ko ng may mahabang pasensya at may respeto.

Kaya hanggang hindi nila dinadamay ang mga magulang ko at wala silang sinasabi na hindi maganda kontra sa kanila ay magtitiis pa rin ako.

Ilang minuto lamang ang dumaan ay dumating na rin si Kira, at may dala siyang mga pagkain.

Buhay na PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon