Kabanata 4

2 0 0
                                    

Oras

Mabilis na lumipas ang oras at parang kailan lang ng tatlong magkakasunod na araw na ako lamang ang nasa bahay.

Minsan ay pinatulog ko si Kira sa amin para naman hindi ako dalawin ng lungkot, at mag-isip ng mga bagay na siyang nagiging dahilan upang bumigat ang aking dibdib.

"Nasaan ba kasi si tita? bakit parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Kira noong natulog siya sa bahay.

"Wala eh, may pinuntahang business conference medyo matatagalan siya." pagsisinungaling ko dahil maging ako mismo ay hindi alam kung saan ko siya hahagilapin.

"Ay kaya naman pala, siya matulog na nga lang tayo baka malate tayo bukas eh."

Bago ako natulog ay nagdasal muna ako, at ang una kong dasal ay sana kung nasaan man si mama at huwag niyang pababayaan.

Kinaumagahan ay maaga kaming nagising dahil may pasok pa kami. Siya ang nagluto habang ako naman ang maghuhugasng pinagkainan namin.

Maaga rin kaming pumasok dahil wala naman akong dahilan upang tumambay muna saglit sa bahay.

Inaamin ko sobrang miss na miss ko na si mama pero wala naman akong makagawa.

Palagi ko siyang tinetext pero wala pa rin naman siyang reply kaya hinayaan ko nalang muna.

Minsan nakakalimutan ko na rin ang magreview para sa tagisan ng talino pero pinapaalalahanan naman ako ni Kira.

Papauwi kami ng magdesisyon akong maglakad na lang kami at tumambay muna sa mcdo dahil maaga pa naman.

Lalo na at mag-isa lamang ako sa bahay, sobra lamang akongmalulungkot.

Kakaupo pa lang namin sa mcdo ay nagba-vibrate ang aking cellphone.

Sobrang tuwa ko ng makita ko ang numero ni mama sa screen nito. Hindi na ako nag-atubili at sinagot ko na ito agad.

"Hello ma, kailangan ka po uuwi? Ang lungkot po ng bahay ako lang mag-isa pero sinasamahan naman ako ni Kira." tuloy-tuloy kong litanya at hinintay kung mamamatay ba ulit ang tawag.

Pero bigla na lamang akong naluha sa tuwa ng marinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

"Naku naman Ysa anak, huminga ka naman dere-deretsu ang iyong pagsasalita."

"Ma, umuwi ka na ma"

"Ay ikaw dapat ang pauwiin ko dahil ang bintana mo ay hindi nakalock at ang pintuhan natin ay iisang lock lamang! Aba Ysa, baka nakakalimutan mong mag-isa ka sa bahay"

Hindi ako nagsalita dahil sa sobrang tuwa.

Lord totoo ba ito? Ang mama ko umuwi na po ba siya?

"Hello Ysa? nandyan ka pa ba?"

"Mama uuwi na po kami may binili lang"

Pagkabalik na pagkabalik ni Kira galing sa counter ay sinabihan ko siyang kailangan na naming umuwi.

"Hoy! parang kanina lang ayaw mong umuwi hah," sigaw niya sa akin habang hila-hila ko siya palabas habang nakahawak kami pareho ng ice coffee.

Nangingiti lamang ako at hinila siya papasok sa nakaparadang tricycle.

"Uy Ysa at Kira ngayon lang ulit kayo nagtricycle ah?" tanong ni tata Lando

"Ah, nagmamadali lang po"

Buhay na PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon