Prologue

0 0 0
                                    

Kelsy's Point Of View

"HUHUHU" pag iyak ni Bea sa gilid ko, while staring at Jacob's body na wala ng buhay.

tinapik tapik naman ni Andrew si Bea sa likod para pakalmahin.

hagulgol lang ang tanging naririnig namin sa silid na ito, Agad agad tumawag si Renzo ng pulis para maimbestigahan ang nangyari.

"Bakit ba nangyayare to!" sigaw ni Kianna
"Una si Lance sunod si Jacob" Dugtong nito at hindi na napigilang bumagsak ang mga luha.

"Tingnan nyo 'to" nagtinginan kami sa tinuro ni Korn, kumunot ang noo ko pati ng mga kasama ko, may tatlong tusok sa leeg si Jacob, ano namang meron dyan?.

"Ganyan din yong kay Lance di'ba? I mean may nakita din tayong ganyan sa leeg nya, satingin nyo? iisa lang kaya may gawa nito" Nagtatakang pagpapaliwanag nya na parang kahit sya hindi alam ang sagot na nalilito pa rin.

"Baka isunod ka na Korn" pagbibiro ni Troy na hindi naman nakakatawa kaya tinitigan namin sya ng masama, may gana pa syang magjoke sa kalagayan ngayon ni Jacob.

"Kung ikaw isunod ko" seryosong sambit ni Korn na ikinatakot ni Troy HAHAHA! kapag talaga seryoso si Korn at galit nakakatakot ang mata nya at dahil sa reaksyon ni Troy 'di ko namalayang tumawa pala ako.

"Anong nakakatawa Ms. Mendez?" seryosong tanong ni Korn saken na napansin kong namula, nairita naman ako, alam nya naman kaseng ayokong tinatawag ako sa surname ko pero sya todo tawag saken nyan.

hindi nalang ako kumibo at inirapan sya saktong dumating ang mga pulis at pinalayo kami sa insidente. Umupo ako sa tabi ng puno sila naman sa gilid gilid tulala pa din ako ng nilapitan ako ni Renzo at kita ko sa mata nya ang pag aalala.

"Ok ka lang?" Tanong nya saken.

"Obvious ba?" pabalang kong sagot na ikinangisi nya, "May nakakatawa?" dugtong ko, hindi ko na lang namalayan na niyakap na nya pala ako.

"Its alright, maaayos din natin to, trust me" mas humigpit ang yakap nya saken, yayakapin ko na sana sya pabalik ng biglang sumigaw si Troy.

"Ano yan Kelsy? Renzo? aba mukang may something a." sabay ngisi, inaasar talaga ako ni Troy alam kase nyang crush ko si Renzo, sa tingin ko naman pansin na din yon ng iba, pero itong si Renzo apaka manhid.

Tumingin kina Andrew, Bea at sa iba pa si Troy parang gusto niyang nasa kanya ang lahat ng atensyon, tumitig muli samin si Troy kaya lahat sila napatingin samin, natulak ko na lang bigla si Renzo ng marealize kung anong meron sa titig nila.

masyado talagang maissue puta!.

"Anong something? Friendly hug lang to, Damn!" sambit nya habang nakatingin sa gilid.

"Tsk..."

Lumapit si Troy at akmang yayakapin na si Renzo ng umiwas ito.

"What the-, lumayo ka nga, anong gagawin mo saken" naiiritang sambit ni Renzo.

"Yayakapin ka, ano paba?"

"Bakla kaya walang jowa, crush mo 'ko?" pang aasar ni Renzo.

"Pano kung crush nga kita" Aniya, at tinitigan ang babang likudan ni Renzo Lumapit si Troy na parang bakla para lang mang asar at niyakap ng pagkahigpithigpit si Renzo, natawa kaming lahat sa inasal ni Troy, pati na rin sa reaksyon ni Renzo na diring diri.

"Nga pala bakla ka Renzo?" dugtong ni Troy.

"Huh?! Pano mo nasabi" takang tanong ni Renzo dahil seryoso ang pagkatanong ni Troy.

"Ahh..hindi, kayo na pala ni Kelsy" seryoso pa ring sambit nito.

napansin kong tumayo si Korn, balak na ata nyang umalis ng bigla syang niyakap ni Troy, dahilan ng pag kagulat nya at dali-daling kumalas.

"Ano ba babe" pabirong sambit ni Troy.

"Ginulat mo naman ako babe, syaka bakit mo 'ko niyakap sa harapan nila nakakahiya" pabaklang sambit ni Korn kunwari pa itong nahihiya.

Tumawa kaming lahat maliban kay Korn na parang akala nya pinagtatawanan sya, nabaling naman ang tingin nya saken.

"HAHA! funny Ms. Mendez" pagtataray nito na napansin kong namula, ako talaga palagi nyang puntiryang tarayan hindi lang naman ako ang tumatawa lahat kaya kami, "Kung makatawa kala mo naman maganda" dugtong pa nito at ngumisi.

"She's beautiful." pabulong na sinabi ni Renzo sa hangin at tulala, hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya.

"Ma.gan.da.a.ko." mariin kong sinabi.

"Fyi, mas maganda ako" biglang singit ni Bea.

"Tama" pag sang ayon ni Andrew.

"Ako ka--" naputol ang sasabihin ko ng lumapit samin ang pulis at nagsalita.

"Umuwi na muna kayo, kami ng bahala sa kanya, gagawin namin ang lahat para mahuli ang may sala" aniya, akmang aalis na kami ng muli itong magsalita "Ihahatid na--"

"Wag na po manong pulis" pagputol ni Kianna sa pagsasalita ng pulis.

"Mr. Conan." pagtatama nya kay Kianna.

Napansin kong nakayuko lang si Troy at nakayukom ang kamao, nabaling ang tingin ni manong pulis o Mr. Conan kay Troy at muling nagsalita.

"Oww?..andito ka Troy." sambit nya, at ang kaninang ngiti ay napawi, seryoso na ang muka nya at nakatitig lang kay Troy.

"Kilala mo si Troy? Conan din kase ang surname ni Troy, Mr. Conan" pabalang na tanong ni Renzo.

"Yes" simpleng sagot nito.

"He's my Stepdad" singit ni Troy na nakatingin na ngayon kay Mr.Conan.

namayani ang katahimikan saming lahat.

"Tara na ihahatid ko na kayo" pagbasag nya sa katahimikan.

sumang ayon na lang kami madilim na din kasi ang paligid, baka kung ano pang mangyare, naalala ko ang nangyari kanina ang nakangiti kong labi ay napalitan ng takot.

I miss Lance also Jacob nasasaktan ako tuwing naiisip na wala na sila, pero kung wasak ako  lalo na si Troy mas magkavibe kasi silang tatlo, namamangha na nga lang ako kay Troy kahit ganon kasakit ang nangyare nagagawa nya paring ngumiti. Andami kong tanong sa aking isipan, pero wala akong mahanap na sagot bakit nga ba? bakit nila to ginagawa meron ba kaming kasalanan na kailangan pagbayaran para mawala ang mahalaga naming kaibigan.

"Dto na lang po" pag para ni Bea ng makita nyang malapit na kami sa apartment namin at bumaba na kaming lahat maliban kay Troy at Korn may sarili kasi silang bahay.

"Bye" sabay-sabay naming sambit at kumaway.

dumiretso na kagad ako sa kama, dahil sa pagod hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SecretWhere stories live. Discover now