Chapter 30

153K 4.1K 763
                                    

This is the last chapter before epilogue! Thank you for reading.

---

Chapter 30
Deserve

I was so glad to finally be back in our country after a week of staying in Singapore. Deia and Dylan came home with me while Tyran stayed in Singapore for his business. They will just stay here for a month to do everything that they need to do before going back to Singapore.

Tyran wanted them to live with him there.

Deia was so overwhelmed when Tyran accepted Dylan as his son and will take responsibility of being a father. Gusto ko sanang tanungin siya sa kung ano ang estado ng relasyon nilang dalawa ni Tyran pero ayaw ko nang manghimasok pa patungkol sa kanilang dalawa. It was enough for me to know that he'd be a father to his son.

"Mommy, uuwi po tayo sa bahay?" tanong ni Dylan sa kanyang ina.

Noong una ay ayaw pa ni Dylan na bumalik ng Pilipinas dahil ayaw niyang mawalay sa kanyang ama ngunit kailangan siyang isama ni Deia pagbalik dito. May kinakailangan siyang asikasuhin na papel nilang dalawa bago bumalik sa Singapore.

"Oo," sagot ni Deia sa anak. "Uuwi tayo tapos pupunta lang tayo sandali sa bahay ni Tita Selena mo dahil kinakailangan pa nating pumunta sa bahay ng Tita Xylia mo."

Kumunot naman ang noo ni Dylan. "Sino po si Tita Xylia?"

"Hmm... She's a very good friend of mine," Deia answered with hesitation. "Friend din siya ng Tita Selena mo at siya ang mommy ng anak ng Tito Brendt mo. Pinakita niya sa'yo ang picture ng anak niyang si Brayden, 'di ba?"

Nilingon naman ako ni Dylan na punong-puno ng kuryosidad. "Asawa mo po siya, Tito?"

"Almost..." I answered and patted his head. "But I wish she is."

I saw Deia's expression changed because of my answer. I knew and I can feel how guilty she felt but she was also scared with what could happen if the truth will finally be known by Xylia.

If we did got married before... If she's already my wife, none of this would happen. We would be a happy family from the start. Iniisip ko na lang na ito ang kaparusahan ng pagkakamaling nagawa ko noon sa pamilya nina Sandra at Sean. It wouldn't be easy for me because I made it hard for them. Pero sana ay katulad ng pamilya nila ay maging ganoon din kami pagkatapos ng paghihirap.

One of my men picked us up in the airport. I asked them to go straight at Deia's house para maibaba nila ang gamit nila roon bago kami tumungo kina Selena.

Deia wanted to see Selena first and ask her to come with us.

"Hindi mo ba muna iuuwi ang mga dala mo bago tayo tumulak?" tanong niya sa akin nang matapos na sila sa pag-aaayos.

Nilingon ko naman si Deia at saka umiling. "Halos lahat ng dala ko ay pasalubong kay Brayden," sabi ko. "I will give it to him later. Hindi rin naman importante ang gamit ko para unahin ko pa kaysa sa pamilya ko."

She pursed her lips before looking at me with an apologetic expression. "I'm really sorry, Brendt..." she apologized. "Alam ko namang ako ang may kasalanan ng lahat. I became very selfish that time. Ang tanging inisip ko lang ay ang sarili kong kasiyahan. Nang dahil doon ay sobrang dami kong nasaktan... lalong-lalo na ang anak ninyong nadamay pa sa kasalanan ko."

I can tell that Deia really regretted what she did before. She wanted to repent for her mistakes.

Hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan pa nating gawin ang pagkakamali bago matuto. Why can't we all think of all the possible outcomes and consequences first before we act on something that we might regret in the future?

Make Her Mine In 50 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon