ZANDRA'S POV
Nakakuyom ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa harap ng desk ng boss namin na si Ace Killian Clarkson. Hinihintay ko itong matapos sa pakikipag-usap sa telepono niya. Napayuko akong bigla nang tinapunan niya ako ng tingin. Mga tingin na animo'y may lumalabas na patalim at apoy doon. If looks could kill, I'd be dead an hour ago. I get it. He's mad at me. Who wouldn't? It's my 5th failed mission today and I am also mad at myself.
Ako si Zandra Camille Miller. Isa akong agent sa Dark Cloud Agency. Binuo ito ni Ace kasama ang kapatid niyang si Spade dahil gusto nilang tumulong sa mamamayan and also ang maghiganti sa taong pumatay sa angkan nila. Tanging si Ace at si Spade lang ang nakatakas sa kamay ng mga mababagsik nilang kamag-anak.
They build this agency so that everyone will have hope blossoming in their hearts to find and take on revenge to the ones that destroyed their lives and dreams. Karamihan ng nandito ay ulila. Ang iba naman ay nakitaan ng potensyal sa pagbuo, pagsaliksik, at lahat ng mga katangian ng isang agent.
Ace found me sa school noong may event na pinagkaguluhan noon. There was a crime of theft in school and I am the one who solved it single handedly. I found evidences and I also collected their alibies at sa pagkakatanda ko ay hindi ako pinaniwalaan ng mga pulis. At doon pumasok si Ace. At first, I thought he was a detective but I observed him and bluntly said that he's a fake one. Pilit niyang sinasabi sa akin na isa siyang detective at dahil doon ay iniwasan ko siya. But then, hinintay niya akong makalabas sa school at doon na niya sinabi na may agency siya na kakasimula pa lang at nirerecruit niya ako. And here I am 3 years later. A failure.
"Bye." Pinutol niya ang tawag at pinagsiklop ang kaniyang mga kamay na lumingon sa akin.
Huminga siya ng malalim at nang bumuka ang bibig niya upang magsalita, ay bumulyaw ako ng iyak.
"Waaahh! Sorry na boss. I really have him in my fingers but then Reed entered the scene." Napaluhod pa ako habang magkasiklop ang mga kamay.
Bakas sa mukha nito na naguguluhan siya sa nangyayari. Maging ako ay naguguluhan din sa pagkilos kong ito marahil ay unang beses ko itong ginawa. Kilala nila ako bilang isang makulit at pilyong dalaga kaya naman ganito ang reaksyon niya. Ibang-iba sa totoong ako.
"Hey. He was about to shoot you kaya pumasok ako sa eksena."
Napa-igit ako nang marinig kong nagsalita si Reed sa likuran ko. Naningkit ang mga mata ko nang wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya ngunit makikita mo sa mga mata niya na kumikinang ito sa tuwa dahil sa palpak na mission ko na apparently ay successful mission niya.
"Don't listen to him, Boss. I had him really. I was about to arrest him--"
"But then he shot you. You had him in your fingers but you let him slip away. Mabuti na lang at nandoon si Reed. Ano na lang ang mangyayari sa'yo kung wala kang back-up?"
Tumayo ito at naglakad papunta sa bookshelf niya at may hinanap rito.
"Every agent should have a back-up or partner kung tawagin. Madalas kong sabihin 'yan sa iyo pero pinili mo na hindi makinig. Look, Zandra, bawat mission ay importante sa atin dahil kaligtasan ng mamamayan ang priority natin. Am I clear?"
Napayuko na lamang ako at inisip ang mga nangyari kanina. I should really be careful next time. It's just that gusto ko lang naman patunayan sa mga magulang ko na kaya kong i-handle ang isang mission nang walang back-up o partner. Na kaya ko ng mag-isa lang.
"Yes, Sir."
"Good. Reed, will you escort Zandra out?"
"Yes, Sir."
Sabay kaming napatayo ni Reed. Nilingon ko ang binata at magkasalubong ang kaniyang mga kilay na para bang hindi nagustuhan ang narinig. Nagsimula na akong maglakad ngunit inunahan niya ako at siya na ang nagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
DCA SERIES#1: Agent Glow
Acción"I didn't know that one single mission could change my life forever."- Agent Glow Made: May 2, 2021