ZANDRA'S POV
Inis na inis ako habang nagbibihis ako dito sa girls locker room sa loob ng headquarters ng DCA. Mabuti na lang at kasama ako sa mga magte-training kaya maaalis ng training na ito ang mga bumabagabag sa akin. Hopefully.
Matagal pa naman para sa mga future missions namin kaya kailangan namin magtraining. When you're on a mission, you should not let your guard down...always. Kailangang maging handa ka sa bawat suprise moves ng kalaban mo. Katulad na lamang nang naranasan ko nang biglang nagpaputok ng baril ang suspect. Mabuti na lang talaga at nandoon si Reed sa mga oras na 'yon kung hindi ay patuloy pa rin ang pakikipag-parkour namin sa kaniya.
Sa ngayon, mas gusto ko munang kumuha ng short term missions. Ayoko munang makipaghabulan sa mga panget na goons. Napapagalitan lang ako dahil lagi akong naka-dress lalo na kapag crowded na lugar ang pinupuntahan ng suspect. That's one of my tactics. Who should suspect that a girl wearing a dress can kick your ass? That's called blending in with the crowd.
"Nakakatamad mag-training." Ani Maia sa kabilang cubicle dito sa locker room.
"Kailangan kasi." Tatawa-tawang sabi ko.
"Fuck!"
"Everything ok?" Napalabas ako dahil sa sigaw niya. Mabuti na lang at tapos na akong magbihis. Tanging training bra at leggings na gawa ng DCA ang suot ko. Syempre sponsor ito ng agency kaya susuotin ko.
"Nathan's twin sent me a creepy picture. 'Yong nauuso ngayon mapapa-jump scare ka? I swear kakalbuhin ko ang lalaking 'yon." Gigil na binitbit niya ang gym bag niya saka dumiretso sa pinto ng locker room.
"Isn't he your bestfriend?" I asked.
"Yes. Remember he's the Head Chef of Ricardo's? Pero lumalala ngayon ang pranks niya. Minsan hindi na nakatuwa eh."
"Hayaan mo na lang 'yan. Baka nag-away sila ng jowa niya."
"Walang jowa 'yon. Jowang-jowa na nga kaso hindi naman nakilos."
Naiiling na nilapag ko sa isang tabi ang gym bag ko. Gano'n din ang ginawa ni Maia saka kami dumiretso sa gitna ng training room. We're waiting for Ace and Spade for their signal to start the training.
Nag-warm up muna kami since hindi namin alam kung anong klaseng pagsasanay ang gagawin namin. Madalas ay arm to arm combat, practice shooting, disarming a bomb, cracking the code, and many more. But according to the Clarson brothers during the meeting, today is a different training. Nakatingin sila sa akin na para bang ako lang ang sinasabihan nila which confused me.
"Reed, my man!" Bati na naman ni Nathan.
Nilingon namin si Reed na kakapasok pa lang at umupo sa tapat ko. Nag-apir muna sila ni Nathan na akala mo ay first time lang nagkaroon ng kaibigan.
"Maia, ganda mo ngayon girl." Nathan tuck his imaginary long hair behind his ear and bats his eyes.
"Tigilan mo ako ngayon. Kamukha mo 'yong kinaiinisan ko. Baka ikaw bigwasan ko."
"Inaasar ka na naman?"
"Yup. Don't ask why."
Naiiling na nagpokus na lang ako sa pag-iistretching ko. Namali ako ng balanse kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang at may nakahawak agad sa bewang ko kundi bestie ko na ang sahig ngayon.
"Careful."
"I'm careful." Matigas kong sagot kay Reed na siyang umalalay sa akin. "You can let me go now."
Agad niya naman akong binitawan ngunit mali dahil hindi ko naayos ang tayo ko kaya naman muntikan na naman akong makipag-friends sa sahig. Thanks to Reed. Again.
BINABASA MO ANG
DCA SERIES#1: Agent Glow
Aksiyon"I didn't know that one single mission could change my life forever."- Agent Glow Made: May 2, 2021