A/N : Yung picture sa taas si Yoona as Wei/Wiese . Yung pinagabasehan ko kasi ng character nya ang hirap hanapan ng katulad, yan na ang pinakamalapit dahil sa smile nila.
Comment kayo kung may problema ba sa flow ng story or what. Thanks :)
~•~•~•~•~
" Kuya anong ginagawa mo ! " bungad ko kay kuya Carl na bigla na lang pumasok sa kwarto nila mama.
Hindi nya ko pinansin. Nagpatuloy siya sa paghahalungkat sa cabinet, ilalim ng kama, sa bag at sa kung ano ano pang laman ng kwarto.
" Nasan si mama ?! " galit na tanong nto.
" Wala pa sya, ano bang hinahanap mo ?! " nasa pintuan ako, kahit galit ako hndi ko sya kayang lapitan dahil sa takot.
" Wei, may pera ka ba dyan, akin na ! " lumingon sya sakin na nanlilisik ang mga mata. alam ko nman talaga na yun ang kaylangan nya.
" W-wala akong pera. " bahagya akong natakot sa tingin niya dahilan para mapaatras ako. wala pa nman yung iba kong mga kapatid para tulungan ako dto.
Binato nya sa kama yung isang shoulder bag ni mama na walang laman kundi mga papeles. Ilang hakbang nya lang nasa harapan ko na sya kagad.
" Wag mo kong ginagawang tanga ! Alam kong may pera ka ilabas mo na ! " inalog alog nya ko sa balikat habang mahigpit na nakahawak doon ang mga kamay nya.
" Nasasaktan ako, kuya ! " tinutulak ko sya pero masyadong mahigpit na ang pagkakahawak nya.
" Ilabas mo na kase !! " pinisil nya pa lalo ang payat kong braso dahilan para maluha ako sa sakit.
" W-wala na nga ! Bakasyon na pano ako magkakaron ng pera ! " matiim ko siyang tiningnan sa mata, bakas pa rin dun ang galit.
Pagkasabi ko nto tinulak niya ko ng ubod lakas kaya nabuwal ako sa sahig. Nagpatuloy siya sa pag gulo ng mga gamit sa kwarto.
" Kuya tigilan mo na !! "
" Tumahimik ka dyan !! " asik niyang sagot.
Hndi siya umuwi kagabi tapos ngayon bigla na lang siyang darating at hahanapan kami ng pera. Gawain ba ng matinong anak o tao man lang yun ?
" Ang kapal ng mukha mo, hndi ka na nahiya kay mama na nagpapakahirap sa pagtatrabaho tapos ikaw mangungupit ka lang para sa babae mo ! "
Napatigil siya sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng takot. Masamang kutob. Mabilis syang lumapit sakin at sinampal ako. Sa lakas nun halos mapadapa uli ako sa sahig. Sakto nmang dating ni mama at kuya Brian. Kuya pero babae sya, ang ate kong kuya.
" Carl ! Anong ginagawa mo sa kapatid mo ! " sigaw ni mama mang madatnan akong nasa sahig. hndi nman to nagsalita, agad nyang hinatak ang shoulder bag ni mama.
" Ano na nman bang problema mo ?! si mama parin habang inaalalayan akong tumayo.
" Manahimik ka dyan ! " hinahalughog ni Carl ang bag para sa pera pero mukhang nabigo sya. " Bwisit ! Mga walang pakinabang ! "
" Ikaw ang walang pakinabang ! " namumula sa galit na sagot ni mama. " Ikaw ang panganay pero di kta maasahan ! Wala kang ibang gnawa kundi mambabae ! Uuwi ka lang dto para manghingi ng pera ! "
Nagdilim ang itsura ni kuya sa sinabi ni mama. Dumukot sya sa likod ng pantalon nya at inilabas ang isang maliit na kutsilyo.
" ANONG SABI MO !! " akmang itututok nya na ang patalim kay mama nang harangan sya ni kuya Brian.
" Subukan mo, Carl ! Nang makarating ka na sa impyerno ngayon pa lang !! " nagngangalit na sabi nito habang may nakatutok din syang kitchen knife kay kuya Carl. nagsubukan sila ng tingin, kapwa nanlilisik.
BINABASA MO ANG
Sweetest Nightmare
Fiksi RemajaWiese Palomar, a happy go lucky girl, has been in loved with her long-time crush, Mike. Upon entering college, she met Arriane, her 'weird' roommate, who's actually a fallen angel finding her way back to heaven. Wiese's life has changed since the t...