CHAPTER 29: BAD MOVE

1 1 0
                                        

Justine POV

"ARAYY!! SHUTTA! angsaket"

nagising ako ng biglaan kasi nalaglag ako sa kama, angsaket sobra, para akong nalaglagan ng limang bata, nainis ako kaya hinarap ko ang katabi ko, nakita ko sya na natutulog ng mahimbing, ang likot matulog, halos sakop nya na ang kama sa posisyon nyang iyan, chi neck ko ang oras at saktong alas, 3 na nang umaga, napagdesisyonan ko na umuwi ng bahay, atsaka wala akong damit dito noh, at aasikasuhin ko pa ang bahay

kinuha ko na ang bag ko at dumiretso sa pinto sa labas, napansin ko din na ang dilim pa talaga, pero matapang kong hinarap ang labas upang makauwi lamang sa aking bahay, dumiretso na ako sa main gate at wala akong dalang ilaw, wala rin masyadong street lights dito, mangilan ngilan pa ang mga bahay

naalala ko naman ang super powers ko kaya sinubukan kong gumawa ng apoy,

"FLAMEAKAZAM"

at successful na nakagawa ako ng apoy sa aking palad, namangha ako sa ginawa ko, kaya pinag eksperimentuhan ko pa ito, nang nakuha ko na kung paano patayin at buhayin muli ang apoy at paano kontrolin, ay naglakad na ako pauwi ng bahay

nakikita ko ang paligid ko sa lakas ng ilaw ko sa kamay, wala na ring tao at napaka tahimik, natakot ako nang may nakita akong kotse na walang drive? ang creepy as in, first time ko ito, akala ko kwento kwento lang iyon, pero totoo pala yun

nabigla ako ng naramdaman ko na parang nakatingin sa akin ang kotse na walang nag da drive kaya kinilabutan ako, napansin kong lumiko ang kotse sa intersection at humarap sa akin, humarorot ng takbo at aakmang sasagasaan ako, pero ginamit ko ang super speed ko para maiwasan ang kotse

nabigla ako ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at parang may naglalakad papalabas ng kotse, nararamdaman ko na may kasama ako sa dilim na ito

bigla na lang na may lumitaw na itim na usok sa harap ko at lumabas ang isang babae na nakakatakot ang hitsura nya, kaya napalayo ako ng konti at napaatras sa takot na baka kung ano ang gagawin niya sa akin

Bigla syang nagsalita at kinilabutan ako sa tono ng pagkakasalita nya, parang isa syang kampon ng dilim,

"Hindi mo ba ako sasambahin?"
saad nya

"Sino ka ba? at ano ang pakay mo sa akin?"
saad ko

"Owww! so di mo pala ako kilala, nakakaawa ka mahal ko"

saad nya at hinawakan ang mukha ko pero tinaboy ko ito

"Ano ba talaga pakay mo ha? wala akong oras makipag bakbakan sa iyo"
saad ko

pinaliyab ko ang aking apoy sa kamay ko, lumalakas na ito at nais kong ibato ito sa kanya

"relax darlin, di mo ba ako kilala? well bakit di mo ako alalahanin"
saad nya na may halong pananakot

inalala ko sya pero wala talaga akong maalala, kaya sa sobrang inis ko sa babaita na ito ay ibinato ko sa kanya ang apoy na kanina pa namumuo sa kamay ko, ngunit di ko maipaliwanang ang lakas nya dahil iwinasiwas nya lamang ang apoy ko sa ibang direksyon

"laban pala gusto mo, pwes ibibigay ko!"
saad nya

bigla syang nawala at di ko rin sya maramdaman, bigla bigla nya na lang akong inatake sa likod ko kaya sobrang sakit na ng likod ko sa ginawa nya, pero di ako susuko, sinubukan kong tumakbo pero naabutan nya ako at sinipa papalayo sa kanya, ang sakit na ng katawan ko talaga, kaya napahiga na ako sa kalsada ng walang laban

tumayo sya sa harap ko at may naisip ako na gawin para makatakas pero kailangan ko ng matinding pokus, habang nakaupo ako sa kalsada ay binubuo ko ang apoy na bola sa kamay ko, sabay ibinato sa kanya, tumalsik sya sa malayo dahil di sya nakabantay,  kaya chance ko na ito makateleport sa bahay,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A GIFTWhere stories live. Discover now