CHAPTER 16; THE REASON

1 1 0
                                    

YNIGO POV

In call

"Ma, pa, saan na po kayo?"

"Anak nasa airport na kami, maghintay ka lang dyan sa parking lot at kami na mismo ang pupunta dyan"

"Sige po"

By the way, ako nga pala si Ynigo santillan, ang nag iisang anak ng mag asawang MRS Bernadette at MR Rafael
santillan

Kaya ako nandito sa airport kasi susunduin ko ang mga magulang ko kasi galing sila ng meeting about sa pag aayos ng papeles at ngayon na ka schedule ang pag uwi nila

Nahagip ng mata ko ang bakla na nanilip sa akin noong first day of school at ewan ko kung bakit nandito yang baklang yan

Siguro may kikitain syang callboy

Tawa ako ng tawa sa isip ko hanggang sa nakita ko na paparating na ang mga magulang ko sa direksyon ko kaya nag ayos ako ng sarili bago humarap sa kanila

"Ma Pa, im so glad that you came early at phillipines"
Saad ko

"Ynigo, lets go home, masyado ng mainit para magchikahan dito sa labas"
Saad ni mom

"Tara na, ako na mag da drive!"
Saad ni dad

"Pero dad, pagod ka"

"Kaya ko na to"

"Tara na!"
Saad ko

Nagpatuloy lang ang biyahe papuntang mansyon namin at masasabi kong masayang masaya ako na nakauwi na ang mga magulang ko

Pagpasok namin sa loob ay pinaghanda kami ni yaya ng makakain at nagpahinga saglit

Nandito ako ngayon sa pool na nakababad ang paa sa tubig hanggang may marinig akong paparating na tao

Umupo sila sa tabi ko at animoy may importanteng sasabihin

"Nak, pwedi ba tayo mag usap"
Saad ni da

"Kailangan naming sabihin sayo ito"

"Sige po, ano po bayun"

+

Justine POV

"WHATTTTTT!!!"

"Nak easy lang, masyado ka atang nagulat sa pangyayari kaya iisa isahin namin"
Saad ni mom

"Nak, kailangan nating gawin ito for the sake of our company kasi pabagsak na ang sales natin at pabagsak na rin sa kanilang company kaya magsasanib pwersa ang kompany by arrange marriage"

"Pa, i understand naman na pabagsak na ang ekonomiya ng kompanyang ito, pero di naman kailangan humantong sa ipapakasal nyo ako sa isang tao na di ko naman kilala at nagaaral pa ako kaya ayoko na matapos lahat ng paghihirap ko sa pag aaral dahil lang sa marriage nayan"

"At sino naman nagsabi sayo na di ka pwedi mag aral kahit kasal ka?"
Tanong ni mama

"W- wala!"
Saad ko

"Yun naman pala ehhh"
Saad ni mama

"Teka, mama ano ba ang ipapakasal sa akin"

"Nagiisang anak sya ng mga SANTILLAN..."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko
What SANTILLAN, imposible namang si ynigo yun noh, atsaka pangit ugali nun, gwapo nga lang

A GIFTWhere stories live. Discover now