CHAPTER 25;WAG AKO!!

2 1 0
                                    

Ynigo POV

Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ko sa...... wait! Bakit nasa condo ako? I thought! Naalala ko lang na uminom kami ng uminom hanggang sa nalasing kami at may nambatok sa akin kaya nakatulog ako and nothing else

Kaya bumangon ako at nakita ko ang mga tropa ko na nakahiga na parang pusa na ang himbing ng tulog

Napansin kong wala si mateo kaya nagbihis ako at lumabas para hanapin sya at para na rin bumili ng makakain

Curious lang ako of what is up with mateo kung bakit lagi syang wala sa tropa na mapapagkamalan mo talagang napaka ghost nya

After a long minutes of searchin.....

Nakaramdam ako ng gutom at tapos na ako mamili ng bilihin kaya bumili muna ako ng panandaliang makakain

Napadaan ang tingin ko sa lamesa banda sa bulaklak na picarra

Si mateo! May kausap! Wait! Si justine ba yun? Yun nga! Teka! Bakit magkausap sila? Ano naman pinaguusapan nila

Pasimple akong umupo sa lamesa malapit sa mesa nila sapat na para marinig ko ang usapan nila at medyo tumago ako sa bulaklak na nakalapag sa mesa

{"salamat nga pala ha! Di ako magsasawang magpasalamat sa iyo kasi buhay mo ang nakasalalay doon and how came na matapang mong hinarap yun?"}
Saad ni mateo

Medyo naguguluhan ako sa usapan nila kaya di ko masyadong mag gets kung ano ang pinaguusapan nila

{"look! Listen, okay na sa akin na nagpasalamat ka, just keep on your mind na wala lang sa akin yun kasi part ko yun bilang friend mo na iligtas ka"}
Saad ni bakla na may halong landi, total malandi naman sya

{"so paano ba yan, aalis na ako at pupuntahan ko pa si papa sa bahay at kung gusto mo ihatid na kita?"}
Saad ni mateo

{"thats okay! Puntahan mo na ang papa mo baka hinihintay ka na nya, i can walk my own"}
Saad ni bakla

{"sige ill catch up,later, i will be on your house to bring you food for a token of appreciation"}

{"no need, i can handle myself, wag na}"

Umalis na sila at nagpalitan na rin sila ng goodbye gestures

Umalis na si mateo at naiwan si justine sa daan malapit sa pedestrian lane kaya chance ko na ito para tanungin kong ano ang pinagusapan nila ni mateo

Justine POV

Kinikilig pa rin ako sa nangyari kanina kasi kinausap lang naman ako ng gwapo na barkada ni ynigo hahaha

habang naglalakad ako papuntang pedestrian lane ay bigla biglang may humila sa damit ko at hinawakan ako sa kamay, di lang yan, kinaladkad pa ako malapit sa mc do kung saan kumakain kami ni ranel at pumasok doon

di ba sya naiilang sa sout nya, as in sando at shorts lang, mapapagkamalan kaming mga eskandalosa

"teka teka saglit, bakit ba hinihila mo, ano ba kailangan mo at parang importante ng gusto mong malaman"

"hoy bakla! kung ano man ang ginagawa mo kay mateo, itigil mo na, kakahiya ka pati barkada ko kinakalantaryo mo, kaya pala laging wala sya tuwing nagkakasayahan kami"

A GIFTWhere stories live. Discover now