Justine POV
Medyo nakarecover ako sa nangyari kahapon at pinipilit na makalimutan ang napaka imposibleng mangyari pero to think of it, nangyari na eh kaya move on na lang
Ever since kahit na may pinagkasunduan kami ay wala pa rin akong karapatang magalit sa kanya kaya iiwas na lang ako at mag di distansya
Napagisip isip ko kasi na wag ko na syang guluhin at wag ng lapitan pa kahit na fiance ko sya para na rin makapag focus ako sa ginagawa ko
Narito ako ngayon sa bahay at wala pa rin sila mama dahil nasa business proposal sila sa london at sinama pa nila ang kapatid ko kaya wala akong mahaharot sa bahay
Di rin naman sila tumatawag kaya wala pa akong balita sa kanila
As usual wala naman akong kasama dito sa bahay at napakaboring ng araw
Kaya naghanda na ako sa pagpasok kahit na alam ko na gagawin ulit yun ni ynigo at di ko sya masisisi na magalit dahil ayaw nya sa aming mga bakla
Pero di ko ipinapangako na mag titimpi ako sa ugali nya
+
On the way na ako ng university ng may biglang tumakbo sa kinaroroonan ko na nagpahinto sa pagkatao ko
Si jason na tumatakbo papalapit sa akin, pawisan ang ungas, pero poging pogi sya sa itsura nya
"Ano? Justine, okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo? Ayos ka lang? Tell me? Anong ginawa sayo ng lalaking yun? Tell me?"
"Teka lang, isa isa lang, atsaka wag kang mag alala at okay lang ako, kaya ko ang sarili ko, (kung makatanong kala mo jowa ko)"
"Mabuti at okay ka, sorry kasi wala ako kahapon para protektahan ka, at sorry kasi naging pabaya akong boyfriend sayo"
Ano yun, pabayang boyfriend, asa sya
"Uy uy uy! Anong pinagaasabi mo! Teka ang alam ko ay walang tayo? Atsaka di ka pabayang boyfriend! Pabayang kaibigan oo, atsaka walang tayo noh!"
"Wag ka ng maarte at tara na baka malate tayo, bagal mo pa naman maglakad"
Bigla nya akong inakbayan at amoy na amoy ko ang pabango nya na amoy lalaki kaya kinilig ako ng konti at nagblush
"Namumula ka, ano? May sakit ka ba?"
"Pinagsasabi mo?"
"Namumula ka ohh!"
"Itigil mo na nga yang ka praningan mo at wag ka ngang mahangin masyado"
"Hehe! Nag aalala lang naman ako sayo ehh! Ayaw mo ba?"
"Gusto, I mean hindi!"
"Sus! Tumatanggi ka pa!"
"Balakajan, mauuna na ako at may pasok pa ako okay"
Naglakad ako papalayo sa kaniya t saktong nakita ko rin ang mga bestie ko
"JUSTINNNNE!"
"Ano? Kamusta ka? Mula ngayon di na manggugulo yun at pro protektahan ka namin as bestie mo!"
Saad ni ranel at jeia
"Salamat ha pero walang makakapigil sa demonyong iyon"
Nagtawanan kaming mga magkakaibigan at sabay sabay pumasok ng campus at diretso sa room namin
Pansin ko lang na maraming nakatingin sa amin (huh! Maiingit sila)
YOU ARE READING
A GIFT
FantasiKung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan na iyong gusto tatangapin mo ba? Isasaalang alang ko ba ang kabutihan sa iyong posisyon? Magiging masaya ka ba? Paano kung ang kapangyarihang yun ang magdadala sa iyo sa mundong ayaw mo papayag ka ba? Halinat t...
