CHAPTEE 14

2.9K 53 2
                                    

____

Araw ng Sabado

Habang Naglalakad pabalik sa Canning area, Nakita ni Micay na may kasamang ibang babae si Drake

At sa pakiwari niya'y hindi ito yung babaeng sekretarya sapagkat medyo curly at pula ang buhok nito samatalang si Maa'm Talia ay Itim na itim ang palaging naka pusod na buhok.

Mas maputi rin ang babaeng kasama nito, maganda lalo na pag tumatawa

"Sino na naman kaya yan?"

nakanguso niyang sambit sakaniyang isipan, naiinis parin siya sa lalaki lalo na sa mga maling paratang nito sakaniya, but seeing him with another girl again smiling like that?

Parang gusto niya nalang harapin ito at sabihin na siya yung babae sa nakaraan niya na inanakan niya, at pagsasampalin ng marami dahil sa nakikita niya, hindi naman ata nito tutuparin ang mga pangako nito sa nakaraan

Ni hindi nga siya nito hinahanap!

kung siya ay mukhang pera, ay malamang sa una palang ng malaman niyang mayaman pala ito ay siguro gumawa nasiya ng paraan upang mapakasalan siya nito agad-agad!

Ang kaso hindi siya ganoon, mas pinanghahawakan niya parin ang pangako nito na hahanapin siya, iintayin niya na mangyari iyon kahit pa halata naman nang parang nakalimutan nanga siya nito ng tuluyan

Tumikhim siya ng siya ay tumigil sa mismong harapan ng dalawa, nakaharang kasi ito sa pintuang papasok sa nabbing.

Napalinga sakaniya ang dalawa.

"Ahm excuse ho maa'm/sir, nakaharang ho kasi kayo sa daan." Aniya ng di nakatingin sa mga ito.

"Who's this Drake?" maang na tanong ng babae

Ibig nang paikutin ni Micay ang kaniyang mga mata dahil sa pagkairita.

"Oh she's my employee, Micay mag usap tayo after this--"

"May trabaho pa ho ako sir."

"That's why i said After this wholething, mamayang uwian." Ani Drake, hinahagilap ang mga mata ng Dalaga

"May announcement ho kayo mamaya di ho ba?"

Tumango si Drake

"Uh-yeah, pero after nun kakausapin kita."

"Ayaw kitang makausap sir, pasensya na." direstyahan niyang sagot, pagkuway humakbang na upang lagpasan ang mga ito

Hanggang kaya niyang umiwas ay iiwas siya, naiinis nasiya sa mga pang-iinsulto nito sakaniya, baka hindi niya na mapigil pa ang sarili at masampal niya nalang itong bigla ng dahil sa sobrang pagkainis

_____

6pm

Nagsipagtipon tipon silang lahat na mga trabahador, nasa harapan nila ang amo, Seryoso ang awra nito na miminsan pa ay matiim itong nakatitig sakaniya

Ewan ba niya kung bakit siya nalang lagi ang nakikita nito't napapagalitan.

"Makinig kayong lahat, May kota tayo ng sardinas na dapat nating maabot in just 2weeks, so we really need to make it fast as much as we could kailangan nating doblehin yung kasipagan natin, simula din bukas ay magsisimula na tayong mag-overtime para mas madali nating maabot yung kotang 100,000 can sardines in just two weeks, Para mai-deliver na agad natin iyon kay mr. saviedra, our client Do you understand? kaya ba?" mahaba nitong litanya

"Yes! boss kaya yan!" sagot naman ng mga kasamahan niya, maliban sakaniya. Wala siyang kagana-ganang tumatango nalang kahit pa di siya sumasagot.

Nasa ganoon silang sitwasyon ng biglang tumunog ang Cellphone niya sakaniyang bulsa, Natigilan sa pagsasalitang muli si Drake ng madinig iyon, at halos lahat sakaniya na natuon ang pansin

"Ano na miss Micay? wala ka bang balak na sagutin yang tawag mo?" maang na tanong ng sekeretaryang si Talia

"A-ahh.. S-sandali lang ho." Aniya, kinuha niya ang kaniyang cellphone sakaniyang bulsa saka siya humakbang papalayo sa pulong na iyon.

Mama niya ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot

"Hello ma? napatawag ka po? nasa---"

'Anak! anak! nasa hospital kami ngayon, agaran kong dinala dito si Dwayne kinukumbulsyon na naman e'. Inaatake pa ng ashma, kailangan mong pumunta kaagad dito magdala ka ng pera ha? kulang yung perang dala ko, kailangan natin siyang mapasinghot ng gamot gamit ang nebulizer!' mangiyak ngiyak na saad ng kaniyang ina mula sa kabilang linya

"Ano po!?" Napatakip pasiya ng kaniyang bibig ng mapagtantong napalakas ata ang kanyang pagsigaw kung kaya halos lahat ay napalingon na naman sa gawi niya

"S-sorry sir! pero kailangan ko nang umuwi! sorry!" aniya na kay Drake nakatingin

saka mabilisang kumaripas ng takbo palabas , Sobra siyang nag-aalala para sa anak, natatakot siya. Nung una kasi ay muntikan na itong mawala sakaniya ng dahil sa sakit nitong ashma, dagli siyang umuwi sa bahay nila upang kunin ang perang isinilid niya sakaniyang Akansa, pagkatapos ay muli siyang kumaripas ng takbo palabas upang agarang makasakay ng trycle patungo sa Hospital na tinutukoy ng kaniyang Ina

Pagdating roon ay agad din naman siyang sinalubong ng umiiyak niyang ina, humahangos pasiya dahil sa sobrang pagod dulot ng kaniyang pagtakbo

"Nay, s-si Dwayne po?"

"Nasa loob! bilisan na natin anak, kailangan na nating mabili itong gamot na neriseta ng Doktor, yan yung kinakailangan upang mailagay sa Nebulizer." Anito

"Sige sige po! babalik ako! "

aniya saka mabilis na nagtungo sa botika, binili niya ang gamot yaon nga lang at dalawang libo nalamang ang naipon niya, kulang iyon.

Kaya bumili na muna siya ng isa-isang pares ng gamot saka niya iyon iniabot sakaniyang ina.

"Ito na muna ho inay, babalik ho ako sa bahay may gagawin lang ako, pag balik ko mabibili ko na ho lahat ng gamot na kailangan ni Dwayne."

"Sandali! saan ka kukuha ng pera?" pag-pigil sakaniya ng ina, nag aalala rin ito sakaniya

"basta, ako na po ang bahala roon inay, pakiusap huwag niyo pong iiwan si Dwayne."

tumango ang kaniyang Ina, saka siya tumakbong muli , agad na pumara ng masasakyan upang makabalik sa kanilang tahanan

Wala nasiyang iba pang naiisip na paraan pa, kailangang kailangan niya ng pera. Sa akinse pa ang sahod nila, hindi rin pwedeng mag advance ng sahod, wala nasiyang choice.

Agad niyang hinanap ang maliit niyang kahon na kaniyang pinagsisidlan ng Singsing na ibinigay sakaniya ni Drake noon

Tinatago niya kasi talaga iyon sa takot niya na baka ito ay nakawin. Mukhang mamahalin pa naman.

Malungkot ang mga mata ng kaniya itong pinagmasdan.

"Pangako tutubusin kaagad kita pagkanagkapera na ako." saad niya, hinalikan niya pa muna ito bago ito isinilid sa isang lalagyan at madali na ulit na kumaripas ng takbo patungo sa sakayan, nakasalubong niya pa ang kotse ni Drake, hinarangan siya nito ngunit talagang nagmamadali nasiya kaya humanap kaagad siya ng paraan makaalis lamang doon

Agad din naman siyang nakapagpara ng jeep kaya agad siyang sumakay roon

Isinangla niya ang singsing sa halagang limang libo, kaya nabili niya lahat ng kinakailangang gamot ng anak

"The Soldier's Baby" [Díamante Series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon