CHAPTER 4

3K 54 0
                                    

Pagkatapos mamalengke ng Dalaga'y agad siyang naghanda upang makapagluto na.

Kailangan niya pa pala ulit maligo, natuyo na ang kaninag suot niyang damit dahil sa paglusong sa tubig dagat.

____

"Kumain kana." Aniya ng kaniyang mailapag ang isang mangkok na naglalaman ng Tinolang manok, saka niya inilapag ang isa pang mangkok na naglalaman naman ng kanin

"Thankyou." Anito ngunit tila ba nakagangang nangangapa ang mga kamay sapagkat hindi nito makita ang pagkaing kaniyang inilapag sa mesitang katabi ng kama niya

Napabuntong hininga nalamang ang dalaga't walang choice na naupo sa gilid ng kaniyang kama, napasinghap pasiya ng matamaan ng lalaki ang bandang hita niya.

"Oy!" Singhap niya saka mabilis na iwinaksi ang kamay nito

"S-sorry." Inirapan niyalamang ito

Hindi niya parin makalimutan ang pagtawag nito ng bata sakaniya kani-kanina lang, pasalamat na ngalang ang binata at hindi niya kayang kalabanin ang konsensyang niyang pabayaan itong kumain kahit di naman ito nakakakita

"Umayos ka ng upo, susubuan kita." Aniya sa pagalit na tono

"O-okay." Tila ba nahihiyang sagot ng binata, sa isip nito'y baka nakakadistorbo nasiya sa dalaga kaya't di niya maiwasang hindi rito mahiya

"Pasensya kana, hindi ako makakita. K-kung nakakakita lang ako, Hindi mo na ako kailangang subuan pa---"

"Ano bayang pinagsasabi mo? hindi nman ako galit--"

"but the way you talk to me? obviously--your mad."

"nagagalit lang naman kasi ako dahil tinawag mo akong bata!" sa wakas ay nailabas niyarin ang kaninang paghihimutok ng dibdib niya

Nangunot ang noo ng binata sa narinig, di niya makita ang itsyura ng dalaga ngunit ibig niyang matawa sa narinig.

17 is really young, he's 25 already kaya't para sakaniya ay napakabata nito

"8 years ang gap ng edad nating dalawa, malamang tatawagin kitang bata." nakangiti niyang saad

Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig, eight years? ibig sabihin mas matanda pa pala ito sakaniya! well! obvious naman iyon pero eight years? ang laki nga ng gap!

ngunit bakit tila ata'y nalulungkot siya sa isiping iyon?

"17, ngunit hindi ako mukhang 17 ano! matangkad ako t-tyaka ang sabi nila sexy rin ako, may 17 bang sexy? "

"meron." agad na sagot ng binata

"Talaga?" maang niyang tanong

tumango ang binata

"Yung kapatid kong babae, nung 17 siya sexy rin siya, ngayon 23 nasiya." Sagot nito

Hindi nalamang siya sumagot, akala niya kasi siya lang ang may ganoong pangangatawan sa edad na desisyete

"kumain ka na nga lang!" Nakanguso niyang saad saka mabilis na sinubuan ang binata

muntik pa itong mabilaukan dahil sa sobrang puno ng pagkaing isinubo niya sa bunganga nito

Tinawanan niya ito ngunit agad din naman siyang tumayo upang kumuha ng tubig at agad iyong ipinainom sa binata

"May galit ka ata saakin eh." Natatawa naring saad ni Drake matapos niyang uminom ng tubig

"sorry! sorry" paghingi niya dito ng paumanhin

"Pero masarap kang magluto. naks!" anito na nagpangiti naman sa dalaga

Sanay naman nasiya sa tuwing may pumupuri ng kaniyang pagluluto ngunit ewan ba niya at iba ang galak na naramdaman niya ng sa mismong bibig iyon ng binata nanggaling

"salamat." nakangisi niyang sagot

____

Alas otso ng gabi, ng may kumatok sa pintuan ng bahay ni Mica, napabalikwas siya ng tayo

"Sino yun?" Maang na tanong ng binata

"aah, manliligaw ko." Maikli niyang sagot sabay baba ng Mangkok sa night table

"Saglit lang ah? wag kang mag-iingay."

Tumango naman ang binata, Lumabas na si Mica upang pagbuksan ang kaniyang manliligaw, akala niya ay si Carlos lamang iyon. May isa pa pala, si Jerome

Bagsak ang balikat niyang sinalubong ang dalawa

"Napadalaw kayo." aniya sa walang ganang pananalita

Napangiti si Carlos

"Mica naman, parang hindi ka na nasanay e' palagi naman talaga akong dumadalaw." anito

"Ako rin!" sabat naman ni Jerome

"Pasok kayo, pero saglit lang ah? inaantok na ako eh." Palusot niya

"sure."

Pagpasok ng dalawa'y inabutan siya ng mga ito ng bulaklak at chocolates, as usual.

"salamat. maupo kayo, ano gusto niyo? juice? coffee?" nakangiti niyang sambit

"ahh kahit wag nalang Mica, makita lang kita okay na ako." Ani Jerome

napangiwi siya banat nito, kahit pa medyo sanay naman nasiya

"Grabe Mica, lalo ka talagang gumaganda, habang tumatagal mas lalo lamang akong nahuhulog sa ganda mo." Sambit naman ni Carlos

na gaya ni Jerome ay nagpangiwi rin sakaniya

"Alam konang maganda ako okay? osya uwi na kayo." Bugaw niya sa mga ito

Sabay na napamaang bagang ang dalawang manliligaw niya sa narinig, kakarating lamang nila tapos agad silang paalisin?

"S-sigurado ka Mica?" anila

"Oo sigurado ako, inaantok na kasi ako, alam niyo bukas. Bukas nalang kayo pumunta rito."

"P-pero sa umagay may trabaho ako?" Problemadong sambit ni Jerome

"ganun din ako." ani Carlos

"Oh edi problema niyo nayun, gusto niyo bang sumakit ulo ko? dahil sa di niyo pa ako hinahayaang matulog kahit pa sinasabi ko na sa inyong inaantok na ako?" Aniya na hinaluan pa ng pagpapaamo ng kaniyang mukha

na naging dahilan upang maawa sakaniya ang dalawa

"Sorry Mica, s-sige magpahinga ka nalang, sa susunod nalang ulit ako dadalaw sa iyo." Mahinang saad ni Carlos

"ganoon rin ako. goodnight mica." ani Jerome

Tanging tango lamang ang iginanti niya sa mga ito, saka niya sila inihatid patungo sa pinto.

Saka lamang siya napahinga ng matiwasay ng sa makita niyang nasa di kalayuan na ang mga manliligaw.

Agad niyang sinara ang pinto, saka siya muli nang nagtungo sakaniyang kwarto.

Narinig ng binata ang kaniyang pagbukas ng pinto kaya't umayos ito ng upo

Natatawang napapailing.

"Bakit?" Ani mica ng mapansin iyon

"Grabe ka naman sa mga manliligaw mo, kakapasok palang nila pinaalis mo na kaagad." Anito

"Gusto mo bang paglaanan ko sila ng oras?" Aniya sa di malamang dahilan kung bakit niya iyon naitanong

Napaawang tuloy ang bibig ni Drake ng marinig iyon.

"Ha?"

"Wala. Matulog kana, matutulog narin ako."

Pagkasabi niyon ay lumabas nasiya ng silid saka nagtungo sa kwarton ng kanniyang mga magulang, pansamantalang matugilog rito.

"The Soldier's Baby" [Díamante Series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon