___
Lungsod ng Maynila
Pagkalipas ng isang buwan, Dinala si Drake ng kaniyang Papa kasama ang kaniyang Tito Dante sa isang Kaibigan nilang Doctor sa mata o [Ophthalmologist]. For his eye Surgery.
"It's a good thing that the most important part of the pupil of your eye is not covered with denim powder because otherwise you will really lose hope of seeing anymore." anito matapos tignan ang kaniyang mga mata
"When will we start the surgery then Doc?" Saad niya
He's really eager to finally see, sa nakaraang mga araw kasi ay panay pahinga lamang ang tangi niyang ginawa upang ng sa gayon ay maghilom na lahat ng sugat niya bago pasiya sumabak sa surgery.
"Pwede na nating simulan ito, early this week pwedeng pwede na, inantay lang naman nating maghilom na muna yung mga sugat mo bago natin masimulan yang pagoopera ng mata mo."
"That's good news then, thankyou Doc"
"Your always welcome Ihjo." Nakangiti nitong saad
____
SAMANTALA
sa Probinsiya naman ay pansamantalang Umuwi ang mga magulang ni Mica upang magbakasyon ng Isang buwan, ginagawa naman nila iyon taon taong mag-asawa upang kahit papaano ay makasama parin nila ang kanilang nag-iisang anak na si Mica
Kinabukasan
Magtatanghali na ay hindi parin nagigising ang dalaga, palagi nalamang siyang ganoon. Parating inaantok at minsan pa nga ay nakakaramdam siya ng inis kahit na wala namang dahilan
Paulit ulit siyang kinakatok ng kaniyang inang si Ces, ngunit tila ba wala siyang naririnig. Wala talaga siyang ganang bumangon. Kung kaya't binuksan na lamang ng Ina ang kaniyang pinto at ng makita siya nitong tulog parin ay nilapitan nasiya nito.
"Anak Mica, Gising na tanghali na oh? hindi ka parin nag-aagahan." Anito
"Inaantok pa po ako inay."
"Inaantok? Ano kaba gusto mo bang magka Ulcer ha? bumangon ka nariyan at kakain na!" Asik nito't pinilit siyang bumangon
Nag-aalala na ang kaniyang ina sakanila sapagkat ilang araw na siyang ganoon.
Bagsak ang balikat ng dalagang bumangon nalamang kahit pa napipilitan, Inalalayan naman siya ng kaniyang inang magtungo sa Hapag.
Naroon na ang kaniyang Ama, kumakain na ito.
"Oh Mica, kain na. Bakit ba palagi kanalang tinatanghali ng gising? nagpupuyat ka ba sa gabi ha?"
"Hindi p-po___" Aniya na bigla nalang naduduwal ng maamoy niya ang aroma ng bacon
"Oh bakit? anong problema?" Pag-alalang tanong ng kaniyang mga magulang, maging ang kaniyang ama ay napatayo ng makita siyang naduduwal
"Y-yung bacon po Inay! ayoko ng amoy niyan! ilayo niyo saakin yan pakiusap!" Aniya saka mabilis na tumakbong kusina patungo sa lababo at doon nagsususuka
Kunot noong nagkatitigan ang mga magulang niya, at alam nilang pareho silang iniisip na dalawa.
At upang makumpirma iyon ay kanilang sinundan ang anak, nagsususuka parin ito.
"Sino ang ama?" diretsyahang tanong ng kaniyang ama nasiyang nagpatigil sakaniya
singhap siyang napaharap sa mga ito, may bahid ng takot ang kaniyang mga mata
"P-po?" maang niyang tanong
"Mica, anak? magsabi ka saamin ng totoo? may boyfriend ka na ba?"
Mabilis siyang umiling
"Kung wala? b-bakit parang pakiramdam namin ay buntis ka?" Saad ng kaniyang Itay
Muntikan pasiyang mapapitlag ng makita ang biglaang paglapit sa gawi niya ng kaniyang ina
Hinagkan nito ang pulso sa kaniyang leeg..
At gayon nalamang ang panlalaki ng mga mata nito ng maramdamang dalawa na ang tumitibok mula roon, ibig sabihin lang nun ay buntis nga siya.
"Buntis ka nga!" Halos hindi makapaniwalang naibulalas ng kaniyang Ina
"Walang hiya ka! Sino ang ama niyang batang dinadala mo at papatayin ko! sabihin mo!" Galit nang tugon ngayon ng kaniyang ama, nakakasindak iyon kaya't halos pigi hininga nasiyang napapaikit sabay atras upang makalayo sa mga magulang niya
"Anton tama na, huwag mong sigawan ang anak mo." Marahan namang sambit ng Ina niya na nilapitan siya upang yakapin, sa takot niya'y napayakap narin siya rito ng mahigpit
"Lintik na! ito na nga ba ang sinasabi ko Ces eh! mahirap pag iniwan nating mag-isa si Mica dito sa bahay, ng siya lang! kita mo na ang nangyari?"
"Sinisisi mo ba ako? Anton. Sumama ako sa iyo sa abroad para din sa anak natin iyon!"
"Ngunit tignan mo! wala ni isang gumabay sakaniya kaya't ayan desisyete palang ay nagdadalang tao na! Hoy Mica, sabihin mo saakin kung sino yung ama niyang batang yan dahil kung hindi masasaktan kang talaga!"
"Anton!"
"H-hindi ko po siya kilala Itay!" Aniya na ibig paring ipagtanggol ang lalaking minahal niya sa nakaraan
"Anong hindi mo siya kilala! paano mo nakayang ibigay ang sarili mo sa lalaking hindi mo naman pala kilala! kabobohan!" Gigil na nasipa ng kaniyang papa ang pintuan sakanilang kusina pagkuwa'y lumabas na ito
Panay ang hagugol niya habang yakap ang kaniyang Ina.
"Shhh, tahan na, makakasama sa iyo ang pag iyak anak. Wag kang mag-alala nandito lang ako, di na ako babalik ng Saudi para may kasama kana sa pag-aalaga ng Magiging apo ko." Anito
Na ikinatigil ng dalaga, tinitigan niya ang kaniyang ina at nakangiti itong nakatingin sakaniya
"Talaga po inay?"
Tumango ito
"Oo, Pangako yan." Anito
BINABASA MO ANG
"The Soldier's Baby" [Díamante Series #01]
Storie d'amoreMica was a 17 year old young lady who've got pregnant by a Soldier who's name is Drake. _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the autho...