chapter 14- second chance

23 0 0
                                    

nakalabas na kami ni Ed sa kwarto sa tulong ng kabarkada niya.

marami akong narealize nang nag stay kami doon.

lahat ng tao may karapatang magkaroon ng second chance.

pagkalabas namin, nagpahinga na muna ako sa kwarto.

balak kong lumabas mamaya para sa check up ko sa OB ko.

lumabas ako ng kwarto after kong magpahinga when i saw Ed waiting outside my room nakasandal pa siya sa pader.

Umaliwalas ang mukha niya ng nakita niya akong lumabas.

"kumaen ka na mhie?"

Ngumiti ako sa kanya. "not yet. you?"

"hindi pa din hinihintay kita eh. Tara?"

I felt it sweet. Magkasabay kaming pumunta sa cafeteria ng resort.

Nang makarating kami doon madaming nagtaka kung bakit magkasabay kaming dalawa.

i saw Resty's face also. Para siyang namutla.

Nagkibit-balikat na lang ako at ganun din si Ed.

"upo ka na lang dyan mhie. Ako na kukuha ng pagkain."

Sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Napatingin ako kila lyn. Ang mga mukha nila parang nagtatanong sa akin.

Ngumiti na lang ako.

Tahimik kaming kumakain ni Ed. hindi kami mapakali dahil ramdam namin nakamasid sila sa amin.

Hindi naman ako kampante sa ano mang nangyayari ngayon.

Mahirap kasing bumalik ang tiwala.

Tumayo ako after kong kumain at nagpaalam ako kay Ed na mauuna na ako.

"lyn." lumingon siya sa akin.

"tara?" yaya sa akin ni lyn.

Tumango na lang ako.

Niyaya ko siya dahil gagawin na namin ang menu ng event na gaganapin bukas.

"what't that?" tanong ni lyn sa akin.

Alam ko ang ibig niyang sabihin.

"nagkabalikan na kami."

"what???!" humarap siya sa akin at halatang gulat.

"yes. Narealize ko na dapat ko siyang bigyan ng second chance."

Napailing lang si lyn sa sinabi ko.

"i know. Maiintindihan mo din bakit ko yun ginawa."

Ngumiti na lang siya sa akin kasi nakikita niyang paiyak na ako.

"oh tahan na GM. Hindi bagay sayo ang umiyak. You're a brave woman on your own way. Advice lang wag kang magtitiwala agad."

After nung sinabi niya ay niyakap niya ako.

Tapos na kaming gumawa ng menu ni lyn ng dumating si Ed at niyakap ako mula sa likod ko.

"tapos ka na sa make up rooms?" tanong ko sa kanya.

"yes tapos na kaya hinanap ko na ang girlfriend ko." sabay ngiti niya sa akin

Kahit kailan talaga nakakatunaw ang ngiti niya.

"dhie. i'm going out later. may aasikuhin lang ako sa labas." sabi ko.

"ano ba aasikasuhin mo? Sama na lang ako para may kasama ka."

Love Me Again (Moving On Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon