Rish POV
Napatayo ako ng nalaman kong nakauwi na pala siya.
"Akala ko ba isasama mo ako?" Im trying to change na tension between us.
"Hindi na. Kasi ang kulit mo eh. Don't worry lahat naman ng gusto mo nandyan." He smiled at me.
Seryoso ba ito? Ang ngiti niya ang yummy! Hmm. Nakakainis. Erase! No this can't be.
Ngumiti lang ako at tumayo na. Pupunta na lang ako sa kusina para ayusin yung mga binili niya sa supplies para sa amin.
"Tahimik mo?" Sabi niya habang papalapit sa akin.
"Wala may iniisip lang ako."
"Kung tungkol na naman yan dun sa walang kwentang lalaking yun tigilan mo na." Inis na sabi niya sa akin.
"Ang judgemental mo! Hindi. Naiinip lang kasi dito. Gusto kong mamasyal. Okey lang ba?"
He smiled at me. "Ofcourse. Ipapasyal kita. Sige na ako na mag aayos niyan. Magbihis ka na."
"Really?? Thanks mike. The best ka talaga." At bilis kong pumunta sa kwarto para mag ayos.
I chose to wear a simple white summer dress na medyo above the knee and flat sandals.
Lumabas na ako then i saw him na nakaupo sa sofa.
"Tara na?" He smiled at me and he nodded.
Nasa daan kami ngayon and i saw amazing sceneries.
Super na amaze talaga ako sa nakikita ko. Napakatahimik.
Kinuha ko yung cellphone ko at kinalabit si mike. "Picture tayo?"
Lumapit siya sa akin at umakbay. Napapitlag ako but agad ko namang binawi ang pagkagulat ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng may makasalubong kaming pamilya.
Agad na ngumiti si mike sa mga nandoon. At ngumiti din ito sa kanya maliban sa isang dalaga na kasama nilang iba ang tingin kay mike.
"Sir mike kamusta po? Narito na po pala kayo." Bati nung matandang lalaki.
"Ayos lang ho manong alex. Kayo ho ba kamusta?"
"Mabuti naman kami dito sir. Maayos ang nagiging pamumuhay ng mga tao dito. Aba sir kaganda naman ho ng kasama niyo. Nobya ninyo po ba siya?"
Hindi maipinta ang mukha nung dalaga kanina nang narinig ang salitang nobya.
Pero mas hindi napinta ang mukha ko ng hapitin ni mike ang bewang ko papalapit sa kanya.
"Hindi po manong. Misis ko po si rish. "
Bigla niya akong siniko. At tiningnan ng sumang ayon ka na lang look.
"Good morning po. Nice to meet you po." Sabay bow sa kanila.
"Aba'y kaganda at kagalang sir. Napakaswerte ninyo po kay ma'am."
Ngumiti si mike sa kanila at nagpaalam na aalis na kami.
Simula nun di na kami nag salita ulit.
"Bakit mo sinabi yun?" Binasag ko ang katahimikan namin.
Ngumiti siya sa akin. "Wala lang. Cute mo kasi eh." At nagawa pang tumawa ng loko.
Hinampas ko siya ng pagkalakas lakas. "Alam mo mukha kang baliw. Hmp!"
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinatak pabalik sa kanya tsaka niyakap.
"Sorry na prinsesa. Wag ka na magalit okey?"
I hugged him back. I can't find any words to explain what im feeling right now.
Pero sa nararamdaman ko ngayon. Alam kong masaya ako..
****
A/n please vote and comment thank you. ❤❤❤
i_am_yours
BINABASA MO ANG
Love Me Again (Moving On Book 2)
RomanceBOOK 2 of Moving On the Beach side Story Paano kung kinalimutan mo na. Nakamove On ka na. But fate did something para makita mo siya ulit. what will you do?