The year 2017
"Ahh! Ang gwapo niya talaga!" dinig kong wika sa grupo ng mga nagkukumpulang mga College student na mga babae.
Napailing na lang ako.
Nandito kasi siya sa College building ngayon para hanapin ang kanyang ate Shine. Nahuli kasi ako dahil may ginawa akong group project. Well, parang individual project ang nangyari dahil ako lang naman ang gumawa. Bukas na kasi ang deadline ng project kaya kailangan ko ng tapusin agad. Yun lang nauna ng umuwi si ate Scarlet at si ate Sam naman ay matatagalan pa dahil mayroon pang tinatapos. Plano ko na lang kasi na sumabay sa ate ko pauwi dahil sinabihan ko kasi si tatay Jude na matatagalan pa ako. Mabuti na lang at nalaman ko na ngayong oras matatapos ang ate.
Kasalukuyan akong nasa unang taon ng Senior High, ang mga ate ko naman na sina ate Shine, ate Sam at ate Scarlet ay kasalukuyan na silang nasa Kolehiyo. Graduating si ate Shine sa Business Management. Si ate Sam naman ay nasa ikatlong baitang sa kursong Criminal Justice habang nasa unang taon naman si ate Scarlet sa Tourism Management. Ang bunso naman naming si Shan ay homeschooled pa rin. But maybe next school year ay makakasama na rin namin siya dito dahil graduating na siya sa elementary.
Nakita ko ang ate sa papalikong hallway na nakayuko at may inaayos na folders na dala-dala nito. Dahan -dahan akong naglakad papunta sa kanya. Since hindi siya nakaharap sa akin kaya plano kong gugulatin ko siya.
Tatakpan ko na sana ang mata ng ate ng napatulala ako sa aking nakita.
Napansin niya kasi ang lalaki na hindi kalayuan sa kanyang kapatid. Lumingon din ito sa kanya kaya nag kasalubong ang kanilang mata. Napa-awang ang kanyang bibig pagkakakita sa magandang mukha ng lalaki. Biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib ng lumabas ang beloy nito sa pisngi dahil sa pag-angat ng labi.
" Snow, why are you still here?" Napabalik naman ang tingin ko sa ate na nakakunot noong tanong sa akin. Siguro naramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likod kaya napalingon siya sa akin. Hindi naman nakaligtas sa aking peripheral vision ang pagsilay ng ngiti sa labi ng lalaki.
Tumikhim ako at umayos ng tayo bago sumagot.
" I just did my project ate kaya natagalan ako." lumapit na ako sa kapatid at humalik sa kanyang pisngi bago inihilig ang ulo sa kanyang balikat. Pasimple kong binalik ang tingin sa lalaki. Nakita ko ang pagtitig ng lalaki sa aking kapatid.
Napaismid ako.
" I'll go ahead, Aistrielle." paalam nito sa ate ko at naglakad na papalayo.
Napanguso ako. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Humarap ako kay Ate Shine at pasimpleng nagtanong.
" Who is that guy ate?" kunwaring casual kong usisa and wrinkled my nose.
Nakita kong napahinto ang ate sa tanong ko pero umakto lang ako na parang wala lang. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang ekspresyon ko.
" He was my colleague in the debate class before. You know before I shifted to a business management course." Kibit balikat nitong sagot sa akin. Tiningnan kong mabuti ang kapatid ko. Alam ko naman na kung gaano niya ka gusto mag-aral ng Law kaya lang walang mag mamanage sa business ng pamilya namin if lahat kami ay kumuha ng ibat-ibang course.
First year College na ang ate sa Political Science nang panahong iyon at nagtanong siya sa amin kung ano ang gusto naming maging paglaki o kursong kukunin. Hindi namin alam na pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nag shifted ang ate sa business course. Sabi lang niya sa amin na kailangan para sa "legacy ng pamilya". Hindi ko pa alam nun kung ano ang sinakripisyo niya sa aming magkakapatid akala ko ay simpleng rason lang yun.
YOU ARE READING
Loved no Longer
Lãng mạnFERNANDEZ BOOK II Snow meets Nash in her senior years in high school. The moment that she saw him. She admits, that she felt love at first sight. She always sends him letters and poems. She confessed her love through it. Until one day, she told him...