Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko pa ang ibang mga estudyante na mga College Student na nagkukumpulan sa labas ng gate.
Dala na rin ng kuryusidad ay lumapit din ako at tiningnan ang kanilang pinagkakaguluhan.
" Ang ganda naman pala ng girlfriend niya noh!"
" Oo nga, bagay na bagay silang dalawa."
" Ang swerte naman ni girl, kaya pala suplado si Nash dahil loyal sa girlfriend."
Mga narinig kong bulong-bulungan ng mga estudyante. Nahagip ng mata ko si Nash na may babaeng nakayakap sa beywang niya at nakahilig sa balikat nito. Sa halip na mapanghinaan ako ng loob ay mas lalo akong naging determinado na magtapat ng damdamin sa kanya. Pinanood ko muna sila mga ilang saglit bago ako umalis.
Naglalakad na ako papunta sa Senior High Building ng nakita ko na ang kaklase kong kambal na sina Oliver at Olivia.
" We've been waiting for you Snow, we thought you weren't coming at para na kaming mababato dito sa sobrang tagal mong dumating." Salubong na reklamo sa akin ni Olivia ng nasa harap na nila ako pareho.
" Sorry Liv, na late kasi ako ng gising." rason ko at nag peace sign sa kanya.
Tinikwasan ako nito ng kilay at tinitigang mabuti.
" Bakit ka naman napuyat ha?" Nagdududa nitong tanong sa akin.
" As far as I know, if there is anyone who always late between the two of us sa ating usapan, there is no one else but me. So, don't give me a reason that you are working on a project because I know you have finished all our projects ahead of time. I'm sure your grades are already too high because you always have bonus points since you always pass it on time." Mahabang wika sa akin ni Olivia.
Napanguso ako dahil sa kanyang sinabi.
"Lately, I've noticed that something change in you. I just can't pinpoint it yet but I have a hunch. I'm sure your hiding something." Dagdag pa aniya.
Umiling ako sa kanyang sinasabi.
" Nothing! Ano ka ba. Can't I just get tired so I got caught up with our plans?" I tried to reason out.
" Tama na yang usapan na iyan!" singit ni Oliver sa usapan namin.
Kaya pareho kaming napalingon sa gawi nito. Nginitian ko naman ito, ngunit tango lang ang isinukli ni Oliver sa akin na hindi man lang magawang ngumiti. Nauna pa nga itong naglakad sa amin habang naka headset. Kaya napabusangot ako ng ibinalik ko na ang tingin ko kay Olivia.
" Ang suplado talaga ng kambal mo noh!" ani ko kay Olivia na nakasimangot. Natawa naman ito sa aking sinabi.
" Aren't you still used to my twin!" nakangising tugon nito sa akin.
Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad sa may corridor ng biglang hinawakan ni Olivia ang aking braso kaya napahinto kami pareho.
" Wait Snow, I forgot my clearance." Kinapkap muna nito ang sariling bag.
" Saan na ba iyon?" Problemado nitong wika habang hinahalungkat ang bag nito.
" Hindi ba at nasa locker mo yun kahapon nilagay. Kinuha mo na ba doon pagkarating mo rito kanina?" ani ko sa kanya. Napasapo naman ito sa sariling noo ng maalala.
![](https://img.wattpad.com/cover/268458726-288-k269928.jpg)
YOU ARE READING
Loved no Longer
RomantizmFERNANDEZ BOOK II Snow meets Nash in her senior years in high school. The moment that she saw him. She admits, that she felt love at first sight. She always sends him letters and poems. She confessed her love through it. Until one day, she told him...