Chapter Seven - Last Tear Drop

33 2 0
                                    

Lumipas ang isang linggo mula ng may hindi pagkakaunawaan kaming magkakapatid. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkakabati. Si Ate Sam ay todo ang pag-iwas sa amin at sa halip na may tsansa pang mapag-usapan sa gabi ang problema dahil busy kapag umaga, ayon sa tinutulugan naman agad kami nito.

Si Ate Scarlet naman hindi nakikipag-usap at iniiwasan nito si Ate Shine. Habang si Ate Shine ay mas pinili nitong magpaka busy at minsan ay nakikita kong may dala-dalang mga portfolio na pinag-aaralan.

"Siguro tungkol iyon sa kumpanya. Malapit na kasi ang training nito."

Shrugging.

Samantalang ako ay piniling mapag-isa muna. Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga pinoproblema nila.

Si Shannon naman ay napapansin ko ang laging pagkakunot ng noo nito. Kapag naaalala ko yung eksena na may nakabanggaang lalaki si Shan ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko kasi ma-imagine na may pagka suplada rin pala ang kapatid ko. Sa halip kasi na matulala ito sa mestisong lalaki na nakaharap. Aba! ayun galit na galit. Dahil hindi man lang daw ito humingi ng dispensa sa kanya. Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki ngunit sigurado akong may hitsura iyon.

Medyo malayo-layo kasi ako nun sa kapatid ko. Iyon kasi yung pangatlong araw na pagdi-distribute namin ng tulong sa mga nasalanta. Buhat din kasi ng komprotasyon namin ay medyo dumistansya muna kami sa isa't-isa para na rin magpalamig sa init ng ulo.

Sana lang hindi napansin ng tiyuhin namin at baka kasi maibalita pa sa parents namin at mapapauwi kami ng wala sa oras.

Kunsabagay, kapag nandiyan sila ay pinipilit naman naming umakto na parang normal lang, nang sa ganun ay hindi nila mahalata.

" Well, I just really hope that they didn't notice something's off," I whispered to myself.

Sighing.

Naglakad ako papunta sa gilid ng aking kama at kinuha ang gitara na nakasabit sa dingding. Sinimulan ko na ang paggawa ng mga liriko gamit ang ibang talata na nagawa ko mula sa aking tula.

Habang sinusulat ko ang kanta ay hindi ko maiwasang maging emotional. Kasi ang lalaking ginawa kong inspirasyon para mabuo ko ang kanta ay hindi man lang ako magawang tignan kahit saglit.

Gayunpaman hindi ko na lang inalintana ang kanyang pag-iwas sa akin bagkus ay gagawin ko itong dahilan para maging determinado sa pagpursige sa kanya.

Kasalukuyan na akong nag strum ng gitara para lapatan ng tunog ang kanta ng may kumatok sa pinto. I-ni lock ko kasi ito nang sa ganun ay hindi ako madisturbo sa aking ginagawa at para umiwas na rin muna.

"Coming!" pasigaw kong sagot habang sinusuot ko ang aking stinelas. Ang lakas kasi ng pagkatok nito at hindi man lang makapaghintay.

" So impatient!" sabi ko bago ko binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Nash na akto sanang kakatok ulit habang paulit-ulit na pagtingin nito sa relong pambisig. He narrowed his eyes on me as he saw me standing and watch his every move.

" It's like everything he does fascinates me." bulong ko sa sarili.

I stood there dumbfounded as I stared at him. Ang gwapo nito sa suot na V-neck na White Shirt at pinaibabawan ng Black suit na pang-itaas at ang pang-ibaba nito ay maong Black pants at Black Leather shoes. Habang nakasabit ang sun glasses nito sa leeg ng V-neck Shirt nito.

Base sa get up ni Nash ay halatang may lakad.

"He's a good catch! No wonder, ang dami kong karibal sa kanya." usal ko sa isip.

Loved no LongerWhere stories live. Discover now