Kahit hindi namin gustong umuwi agad ng Davao ay hindi pwede. Dahil nagkaproblema sa isang kumpanya namin. Dahil gusto ng ate na gampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapagmana ng kumpanya ay gusto na nitong umuwi. Dahil hindi rin namin na enjoy ang bakasyon kaya sumama na rin kaming lahat dito.
Kasalukuyan ng nagmamaneho ang Ate Shine pabalik ng Davao. Hindi gaya ng pagpunta namin ng Bansalan na maingay ang mga kapatid ko. Ngayon kasi para kaming nagpapakiramdaman sa isat-isa.
"Okay lang ba kayo diyan?" basag ni Ate Shine sa katahimikan.
Hindi ako nagsalita pero tumango ako.
"Opo ate!" tugon ni Shan.
Binuksan naman ni Ate Sam ang Bluetooth ng sasakyan at since ako ang naka connect kaya automatic na nag play ang boses na pinapakinggan ko.
Hindi ko na kasi gamit ang headphone na binigay sa akin ni Kuya Drake.
Isa kasi sa mga gamit na iniuwi ko ay ang mga gamit na binigay ni kuya Drake sa akin. Bago kami nag-impake pabalik ay sinigurado kong naibalik ko na ang mga bagay na Ibinigay niya sa akin.
Ayoko na patuloy niya akong isipin at ayoko rin na maalala ko ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Dahil ayokong alalahanin kong paano ko nilabanan ang nararamdaman ko sa kanya.
Kaya nga nagpapasalamat ako ng nagtagumpay akong makalimutan siya at ayaw ko na ulit makaramdam pa ng ligaw na damdamin para sa kanya. Dahil ayoko ng kumplikado. Ang gusto ko ay simple lang.
Nang umere ang kantang na irecord ko sa buong sasakyan ay pumailanlang ang boses ko. Dahilan para mapapapikit ako. Kinalabit ako ni Shan. Napapagitnaan namin ito ni Ate Scarlet kaya hindi ako nahirapan na lingunin ito.
"Ikaw iyan ate!" Nanlalaking matang tanong sa akin ni Shannon.
Napakagat labi ako sa kanyang tanong. Tinangka kong I - off na sana ang Bluetooth ng aking cellphone ng pinigilan ako ni Ate Shine.
"Huwag mong patayin!" turan nito habang nakatutok ang mata nito sa kalsada.
"Maganda! Ang lalim ng hugot ng bawat linya sa kanta!"Komento ni Ate Scarlet. Natahimik ako sa kanyang sinabi.
" Wait! " Bigkas ni Ate Sam habang nakakunot ang noo.
Napadako ang tingin naming lahat sa kanya.
" Ikaw ang nagsulat ng kantang iyan?" tanong nito. Ramdam ko ang tinging nakapukol sa akin. Kagat labi akong napatango sa tanong ni Ate Shine. Nagulat ako ng malapad itong napangiti.
Napahiyaw naman si Shannon dahilan para mapalingon kami rito.
Nagulat kaming lahat sa kanya nang nakita kong namumula ang mata nito. Ipinarada ni Ate Shine ang sasakyan malapit sa pasalubong ng bayan dito sa sentro ng Digos.
Nang maiparada na nito ay bumaba sila ate Shine at Ate Sam. Akala ko ay magpapalit sila, ngunit para pala pumunta sa aming pwesto dito sa likod at agad nitong dinaluhan ang bunso namin.
"Hush now, princess! Everything is going to be fine!" pagpapatahan ni Ate Shine dito.
"What happened?" naguguluhang tanong naman ni Ate Sam.
Umiling ako. Nagkibit balikat naman si Ate Scarlet.
" We don't know. Nagulat na lang kami na sunod - sunod ang paglalagan ng luha nito!" tugon ni Ate Scarlet.
Hinagod ko ang likod ni Shan.
Nang lumingon ito sa akin ay nadurog ang puso ko. Nakuha ko na kung ano ang iniyakan ng kapatid ko.
YOU ARE READING
Loved no Longer
RomanceFERNANDEZ BOOK II Snow meets Nash in her senior years in high school. The moment that she saw him. She admits, that she felt love at first sight. She always sends him letters and poems. She confessed her love through it. Until one day, she told him...