Chapter Five - Cousins

49 3 0
                                    

Halos umabot ng isang taon bago kami nakabalik dito sa probinsya kung saan lumaki ang mommy. Nung nawala kasi ang mommy ng bata pa siya ay dito siya nanirahan sa pamilyang Vicentilla. Payak lang ang pamumuhay nila dito sa probinsya ngunit mabubuti naman ang mga tao.

Patakbo akong lumapit kay Tito Bryan James habang nakalahad ang dalawang braso nito at may malaking ngiti sa labi na nakatingin sa akin. Kasama nito ang may bahay na si Tita Stephanie Ava na natatawa at ang mga anak nilang sina Liam Drake at Skylar Damon.

" Huwag kang tumakbo tambol." saway ni kuya Drake sa akin. Dahilan para mapahinto ako at mapairap sa kanya.

" Excuse me, hindi ako tambol." Maldita kong turan sa pinsan ko habang nakapameywang akong pinupukol ito ng masamang tingin.

" Puwes, ikaw parin ang tambol para sa amin." Singit naman ng nakangiting si kuya Damon.

Napanguso ako dahil sa kanilang sinabi. Naglakad na lang ako palapit sa kanila.

Narinig ko naman ang halakhak ng mga kapatid ko kaya dumako ang aking mata sa bahay nila Tito kung saan nakasandal sa hamba ng pinto si Ate Sam.

" Tama na yan Drake at Damon, kararating lang ng mga prinsesa natin ay aasarin niyo na agad, pagod pa yang mga iyan mula sa kanilang biyahe kaya pagpahingahin niyo muna!" Saway ni Tito Bryan sa mga anak nito dahilan para mapangiti ako at binelatan ang dalawa. Pagkatapos ay nilingon ako ni Tito at ngumisi ito sa akin.

" Diba tambol?" Kaya napasimangot ako sa tawag ni Tito sa akin.

Tambol daw kasi ang tawag nila sa akin dahil nung baby pa raw ako ay sobrang cute ko raw dahil sobrang lusog. Gustong gusto nga raw nila ako laging hiramin mula kay mommy at ako naman daw ay tuwang-tuwa lalo na raw pag nakakalabas ako ng bahay. Ayon nga nila, para raw akong nakalabas sa hawla dahil sa sobrang saya na inilabas ako.

Dahil na curious ako, kaya hinanap ko ang lahat ng photos ko nang baby pa lang ako at tiningnan ito. Nagulat ako na ganun nga ako ka lusog, kahit nung five years old na ako. Akala ko nga ay nagbibiro lang sila tito nun. Kasi nung last three years lang naman ako nagsimulang tawagin ng mga pinsan ko ng tambol. Noong una, akala ko na hindi ako yung tinatawag nilang ganun, kaya hindi ko rin pinansin.

" Tito Bryan naman eh!" Nagpapadyak kong sambit sa pangalan ni Tito. Pagkatapos ay nilingon ko ang may bahay nito.

" Tita oh!" sumbong ko pa sabay angat ko ng aking kamay at itinuro ang tatlo. Natawa naman ang mga ito sa akin.

" Kayo talaga! Ang hilig niyong asarin si Snow. Hahanapin niyo rin naman kapag wala iyan dito." wika ni Tita sa asawa at anak.

" Kasi nga po, lambing namin yun sa kanya dahil namimiss namin si tambol!" sagot pa ni Kuya Damon at lumapit pa talaga sa akin ang pinsan ko na nakangisi. Sinuklian ko naman ito ng irap.

" Hayys! Kung nakakamatay lang sana ang pag-irap, baka marami na ang bumulagta sa sahig, sa dami ba namang tao na inirapan ko sa isang araw lang." bulong ko sa sarili.

Nang nasa harapan ko na si kuya Damon ay ginulo naman nito ang buhok ko.

" Kuya naman eh, sabing huwag guluhin yang buhok ko!" reklamo ko dito. Ngumiti lang ito at iniayos ulit at inipit ang buhok ko sa likod ng aking tainga ng tumabing ito sa aking mata. Pagkatapos ay niyakap ako.

" I miss you little Snow!" sabay halik nito sa aking ulo. Kaya napangiti na rin ako. Malambing naman talaga sila kaya lang sobrang mapang-asar lang talaga. Parang hindi yata makumpleto ang araw nila ng hindi ako nabibwesit ng mga pinsan ko kapag nandito kami sa kanila.

Nakaakbay na si Kuya Damon sa akin nang naglakad na kami palapit sa kanila. Huminto naman kami sa harapan nina Tito at Tita. Tinanggal na rin ni kuya Damon ang pagkakaakbay niya sa akin. Una kong niyakap ay si Tita Steph at kumalas din agad.

Loved no LongerWhere stories live. Discover now