👮♂️👮♀️
Rita's POV
Eto na final stretch as a criminology student - ang mga mahihirap na training to prepare us for the real world. Malapit na! Magiging pulis na rin ako after neto!
Ewan ko ba bakit gusto ko maging pulis. Naalala ko kasi noong bata pa ako puro lalaki ang mga kaibigan ko. Tsaka may dalawa din akong kuya. Kaya lumaki din akong medyo boyish. Naalala ko rin kasi na every time may mga umaapi sa mga kaibigan ko ako yung umaaway. Kaya marami yung takot sa akin. Tsaka hindi pa ako ever since nagka boyfriend. Takot din ata silang manligaw eh. Kaya ayun parang ito talaga yung calling ko. To serve and to protect. Uy wag niyong lahatin. May mga mabubuting pulis pa rin naman.
Nung natapos na ang klase namin, kinausap ako ng head namin.
"Officer Iringan!"
Nag snappy salute naman ako dito.
"Sir yes sir!"
"I have an assignment sana na ibibigay sayo"
"Yes sir ano po yun?"
"I am asking if pwede mong e document or e video yung journey ng batch niyo as you go through your last training"
"Of course sir!"
"Ipapakita natin yan sa graduation ninyo. Mukhang ikaw lang naman ang maaasahan ko sa inyo kaya sa yo ko na ibibigay ang task na to. Ok lang ba?"
"Sir yes sir"
"Ok very good. At ease"
"Thank you po"
Wow mag a-ala vlogger pa ako neto. Bahala na. Kaya naman yan eh.
"Officer Iringan!"
Biglang umakbay naman itong parekoy kong si Ken Chan.
"Huy! Ikaw naman nanggugulat ka eh!"
"Sabay na tayo umuwi"
"Ok sige"
Mula first year kami siya na yung naging ka close ko. Oo mag best friends kami tsaka hindi na siya iba sa pamilya ko. Ako rin naman eh. Close din ako sa pamilya niya. Minsan bigla na lang siyang dadating sa bahay at bubuksan yung ref namin. O di kaya didirecho sa kusina para kumain. Di na nahiya ang mokong. Sa mga pa project at assigment sa school kami rin lagi magkasama eh. Sobrang komportable na ako parang kapatid ko na talaga siya. Sana hindi magbago hanggang sa huli.
"Ano yung sabi ni Sir Madrigal sayo?"
"Ah yun? Wala pinapa document lang sakin yung buong training natin"
"Ay grabe naman yun dobleng trabaho para sayo"
"Ok lang kaya ko naman yun"
"Syempre ikaw pa. Lahat ata kaya mo eh. Pero pag kailangan mo ng tulong ah sabihan mo lang ako"
"Aba...aba...alam ko na yan Ken Chan papa libre ka na naman ng fishbball wag ako!"
YOU ARE READING
dyad
Fanfictiondyad - noun. something that consists of two elements or parts RitKen One Shots