P.S:
Sa one shot na ito hindi artista si Rita ok? Hehe🎬👩🏻🍳
Abalang abala si Rita sa pagluluto sa kusina dahil malapit ng magtanghalian. Hobby na kasi nito ang magluto sa pamilya tsaka pangarap niya talaga ang maging isang chef. Lagi niyang tinutulungan ang nanay nito. Nanonood naman ang buntis nitong kapatid ng TV kasama ang pamangkin niya na apat na taong gulang.
Si Rita ay mas matanda pa sa kapatid niya. Lahat ng kapatid ng nanay niya ay lalaki. Kaya sa labas ng bahay nila, ay ginawang talyer na ito ng tatay niya kasama ang tatlong tiyuhin niya na tumulong sa pagpapalaki sa kanya kaya close na close si Rita sa mga ito.
Si Rita ngayon ay 28 na at ang kapatid nitong si Risa ay 24 pa lamang. May trabaho naman ang nobyo nito kahit di pa sila kasal. Lahat ng tao sa bahay nila kahit mga kapit bahay ay nag aalala kay Rita kasi daw baka tatandang dalaga ito saka parang lalaki talaga umasta. Pati paglakad at porma niya ang parang lalaki na rin. Kaya natatakot din ang nanay at tatay nito na baka tibo ito o di kaya ay may balak maging matandang dalaga.
"Risa! Ayan na ba ang Win a Date?"
Sabi ng nanay nila na katatapos lang magsaing
"Oo nay"
"Paki lakasan mo nga"
"Nako si nanay talaga oh paborito talaga yang panoorin" sabi ni Rita na natatawa habang niluluto ang adobo sa kalan.
"Ay syempre excited ako at kinikilig sa mga nananalo. Biruin mo once in a lifetime lang ang oportunidad na maka date ang isang artista!"
"Hay ikaw nay sino ba crush mo na artista noon?" Tanong ni Rita
"Aba syempre si Gabby Conception! Gwapong gwapo talaga ako sa kanya noon hanggang ngayon!" Kilig na kuwento ng nanay nila at napapatawa naman sila sito
"Sino ba ang artista ngayon dyan nay?"
Tanong ni Rita"Ewan ko sino ba yan Risa?"
"Si Ruru Madrid nay!"
"Ay hindi ko kilala yan masyadong bata pa pero ang gwapo din""Haha nanay talaga oh. Yan ang jowa ni Bianca Umali nay!"
"Infairness Ta alam mo ah?"
"Oo naman hindi naman ako huli sa mga balita eh."
"Shhhh ayan na oh nag di date na sila!
Ay ang swerte ng babae oh!"Maya maya pa ay...
"Luto na ang ulam! Kain na tayo!"
Sigaw ni Rita
YOU ARE READING
dyad
Fanfictiondyad - noun. something that consists of two elements or parts RitKen One Shots