CHAPTER 03

44.7K 1.1K 16
                                    




Inaantok pa si Gerald ng magpunta sa kanilang hapag-kainan. His mom will not really stop to wake him up just to eat. Madaling araw na siya nakauwi at nalasing talaga siya sa dami ng nainom nila sa mansyon nila Eros. Kumpleto ang barkada kaya naman humaba talaga ang kuwentuhan nila sa naganap na birthday party ng daddy ni Eros kagabi.



"Buti naman bumaba ka na Gerald, kanina pa kita pinapatawag kay Salve pero tulog na tulog ka daw." Tukoy ng mommy ni Gerald sa kanilang kasambahay. Katabi ng mommy niya ang nakababatang kapatid na si Elaine. She's 18 years old and already in college. His dad is not there, siguradong naglaro na naman ito ng golf kasama ang mga kumapadres dahil araw ngayon ng sabado.

"Mom wala naman ako pasok ngayon tsaka sabado naman." Iniinom ni Gerald ang nakatimplang juice na nilagay ni Salve sa kanyang baso. Damn that beers! Napadami inom niya kagabi, hang-over is real! Matutulog talaga siya mamaya pag-kakain niya.

"Ay naku masamang pinaghihintay ang pagkain. Hindi ka na sumabay sa amin kaninang almusal eh. Pero teka kamusta na ang kababata mo? Ano bang nangyari sa batang yun at na ospital?"

Napa kunot noo naman si Gerald sa tanong ng mommy niya na nasa harapan niya na kumakain din. "Kababata?" Ulit ko pa. "Sino?"

"Si Abigail sino pa ba, anong nangyari sa kanya sabi ko. Tumawag yun sa akin kagabi at kung puwede daw sunduin ko siya sa Delgado hospital kaso nasa Burgos naman ako."

"Why she's in the hospital?" Teka! Tumawag nga pala si Abigail sa kanya kahapon pero binabaan niya din ng tawag! Shit!

"Teka nga Gerald.." Simula ng mommy niya at inilapag muna sa plato ang kutsara at tinidor na hawak. "Hindi mo sinundo ang kinakapatid mo ano?" Nakataas na kilay na tanong nito.

"She called me last night pero  akala ko kase mang-bwibwisit na naman kaya pinatayan ko ng tawag." Sagot ni Gerald sa ina.


"Walanghiya ka talagang bata ka! Paano na lang kung malala ang nangyari sa kababata mo? Eh di wala ka man lang nagawa? Diyos ko naman Gerald nakakahiya sa Ninang mo kapag nalaman ito. Ako pa naman nagsabi kay Abigail na tawagan ka tapos ganon pala ang ginawa mo!"

"It's not my fault, at isa pa bakit kase sayo tatawag? Why she didn't call Ninang Amanda?"

"Ayaw niya nga mag-alala ang Ninang Amanda mo at Ninong Hector mo. Tsaka bakit hindi siya pwedeng tumawag sa akin? Abigail is like my daughter.."

See? Ganyan ka gusto ng mommy niya Abigail Christine. Not only his mom but his sister and dad too. Paanong hindi? parang hindi makabasag pinggan ang babaeng yun kapag nakakasama ang pamilya namin pero kapag kaming dalawa lang ay wala itong ginawa kung hindi istorbohin at kulitin ako.


"Dalian mo kumain at puntahan mo si Abigail. Kamustahin mo kung anong nangyari sa batang yun."
Sabi ulit ng mommy ni Gerald.


"Pero mom matutulog pa ako!" Reklamo ni Gerald. "Tatawagan ko na lang siya mamaya."

"Out of coverage ang telepono niya kaya puntahan mo na lang pagkatapos mong kumain. At huwag mo akong subukan Gerald ha." Sabi pa nito.

Napailing na lang si Gerald, kahit mag protesta pa siya siguradong pipilitin siya ng mommy niya na puntahan si Abigail. Yari talaga sa kanya ang babaeng yun mamya!





"Naku, ikaw pala Gerald." Matamis na ngiti ang nasilayan ni Gerald ng makita ang Ninang Amanda niya. Agad naman siyang nag-mano. Mukhang wala dito sila Bryan at Sofi, ang mga kapatid ni Abigail. Ang driver lang ng mga Maceda ang nagbukas kanina ng gate.

Abigail christine Maceda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon