"Pasensya na talaga iha, wala namang may gusto na maaksidente tayo.."
"Wag po kayo mag-alala hindi niyo naman po talaga kasalanan, yung driver ng kotse ang may kasalanan kanina." Sagot naman ni Abigail sa matandang jeepney driver na puno ng pag-aalala ang mukha. Ilang beses na itong bumalik sa kanya at sa ilan pang pasahero na naroon para humingi ng paumanhin
na kung tutuusin ay wala naman talaga ito kasalanan.Andito ako ngayon sa Delgado hospital, pito kaming nakasakay kanina sa jeep at ng nasa Junction na kami kanina ay may humahagibis na kotse na galing sa kasalubong na linya kaya biglang napa-preno ang sinasakyan namin at ayun nga nasalpok ng driver ang kotse at kaming mga pasahero ay napunta sa unahan ng jeep sa lakas ng pag-preno. Ngayon ang problema ko na lang ay kung paano makakauwi wala sila mommy at daddy sa bahay dahil umatend ang mga ito sa kaarawan ng magulang ni Eros, isa sa matalik na kaibigan ng aking irog na si Gerald.
"Pasensya ulit, ako na ang bahala sa bayad dito." Sabi ulit ng matandang driver. Nginitian ko naman ito alam kong nasaktan din si manong driver pero mas iniintindi pa talaga nito kaming mga pasahero. Kahit ramdam ko ang sakit ng kaliwa kong paa na naipit kanina na nakabenda na ngayon, parang hindi ako makakapasok bukas nito sa eskuwela. Buti na lang ito lang ang natamo ko kanina hindi katulad ng nasa unahan na pasahero na tumama ang noo sa handle ng jeep.
Speaking of Gerald ang hudyo talagang binilisan ang pagkain kanina ng inorder ko para makaalis na ako agad. At hindi man lang talaga ako hinatid! Kahit pa sinabi ko na wala akong dalang kotse dahil nasa casa nga. Hindi din naman talaga ako malimit sumakay sa pang publiko na sasakyan kapag ganitong kailangan lang talaga. Pero eto nga at inabutan na ng aksidente, minsan ka na nga lang mag jeep ganito pa ang nangyari. Ayaw ko naman tawagan ang magulang ko dahil siguradong mag-aalala ang mga ito ng husto at baka pag bawalan na ako ni daddy na pumunta-punta kay mi loves. Hindi din puwede ang dalawang kapatid ko dahil siguradong busy ang mga ito sa aming Tobacco farm at Sugar cane farm. At lalong lalo naman si Mang Ernesto na family driver namin, pag nagpasundo ako dito siguradong tatawagan ang mommy at daddy ko. Eh di lalong nalaman ang nangyari sa akin.
Kinuha ko mula sa blusa ng aking uniporme ang aking telepono. I will try to call tita Clarissa beside their house is few minutes away here. Then the phone rang.
"Hello, Abigail? Iha?"
"Hi po Tita! Hmmnn, nasa bahay po ba kayo?"
"Nasa Burgos ako ngayon iha. Bakit? Pupunta ka ba sa bahay? Wala pa doon si Gerald."
Napangiti ako sa sinabi ni Tita Clarissa, alam na alam talaga nito na kapag tatawag ako ay ang anak niya ang hinahanap ko. "Hindi po Tita, papasundo po kase sana ako, nasa casa kase po ang kotse ko. Nandito po ako sa Delgado hospital."
"What your doing there? What happened to you iha? Omg wait i will call Amanda!" Tukoy nito kay mommy.
"Naku Tita wag niyo po tawagan si mommy mag-aalala po yun ng husto. Hindi naman po malala ang nangyari sa akin." Parang mali ata na tinawagan ko ito. Kung bakit ba naman kase walang taxi sa lugar namin! Eh di sana kanina pa ako nakauwi.
"Oh siya sige hindi ko na tatawagan ang mommy mo. Pasensiya na iha pero may appointment kase ako dito. Call Gerald instead tell him pinapasundo kita."
Para namang nag ningning ang mata ko sa narinig. Kaya loves ko ito si Tita Clarissa eh.
"Sige po Tita, si mi loves na lang po tatawagan ko." Napatutop ako sa bibig. "I mean si Gerald na lang po tatawagan ko.""Okay Abigail, I will call you later okay?"
"Yes po."
"Sige. Ingat.."
Matapos maputol ang tawag ay ang numero naman ni Gerald ang dinial ko. Wala na ito siguro sa Munisipyo dahil alas singko imedya na ng hapon. Kinabahan ako ng mag-ring na ang telepono.
"What?" Yun agad ang bungad ni Gerald ng sagutin nito ang tawag ko.
"Mi loves puwede mo ba akong sunduin dito sa -----
"No, Im busy! Puwede ba Abigail Christine stop pestering me. Im with my friends!" Galit ang boses na sabi ni Gerald sa kanya. Grabe naman, parang hindi mag-kakilala no? Makasigaw eh! Oo nga pala birthday ng daddy ni Eros kaya siguradong pupunta din doon si mi loves dahil magkaibigan nga ang mga ito.
"Pero i need you to pick me up here." Mahina kong sabi. Baka madaan pa sa pakiusapan kapag nalaman nito kung nasaan ako. "Nasa hos---"
"Im busy now Abigail, bye."
Napatingin na lang ako sa telepono ng mawala sa linya ang kausap ko. Salbahe! Hindi man lang ako pinatapos magsalita! Paano na ako uuwi nito ngayon?
BINABASA MO ANG
Abigail christine Maceda
RomanceGerald and Abby's story🖤 The completed and book version of Abigail christine Maceda is already on Patreons apps and vip group. For more question kindly visit my fb page: Maribelatenta on Facebook.