CHAPTER 01

121K 1.6K 141
                                    



"Magandang hapon Lara!" Masayang sabi ko sa nakaupong sekretarya ni konsi, short for Councilor. Kagagaling ko lang sa eskuwelahan pero dito talaga ako sa Munisipyo dumiretso para makita ang aking irog. Hindi talaga kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang binata.

"Kayo po pala Maam Abby, kagagaling niyo lang po sa school ano po? At dito na naman kayo dumiretso."

"Sssssh..." Kunwaring saway ko dito, naka-uniporme pa kase ako ngayon pero may araw naman na naka-civillian ako. "Nandiyan ba si mi loves? hindi ba busy? Alam mo na baka mabulyawan na naman ako." Never akong nabulyawan ng parents ko ito lang talaga si mi loves ang nakakagawa sa akin ng ganoon.

"Katatapos lang po ng meeting niya pero puwede niyo na po siyang puntahan. Tsaka araw-araw naman po kayong napunta dito kaya hindi na magugulat si Konsi."
Sabi pa ni Lara.

"Salamat Lara! Kapag ako talaga naging ganap na doktor, libre talaga pag ikaw ang manganganak." May nobyo kase ito at nakatakda ng mag-pakasal sa susunod na taon. Ako kaya kailan? Kinurot ko pa si Lara sa pisngi bago dumiretso sa mismong opisina ng aking irog, dalawang taon lang ang agwat ko kay Lara kaya siguro magkasundo kami at isa pa supporter ito ng team Abby at Gerald. At gaya nga ng sabi ko kung walang tiyaga walang nilaga! Kaya tiyaga-tiyaga lang Abigail magiging kayo din ni mi loves.

Anyway I'm Abigail Christine Maceda, 24 years old. But people around me call me Abby, im taking medical course and will surely be a gynecologist this year. Ga-graduate na ako dalawang buwan mula ngayon, at gusto ko talaga maging doktor simula pa noong bata ako. Ewan ko pero parang ang sarap makakita ng dugo, ang sarap mag-paanak ng buntis, ang saya sa pakiramdam na maging bahagi ka ng pagsilang ng isang sanggol. Kapag sa mga pelikula nga gustong-gusto ko panuorin ay yung mga patayan hindi katulad ng iba na ayaw ng mga ganoon. Kaya kung minsan naiinis ang dalawa kong nakakatandang kapatid dahil minsan na nga lang daw kami manuod ng sama-sama ganoong palabas pa ang pipiliin ko.

At ng tumungtong na nga ako sa kolehiyo ay talagang kinuha ko ang gusto kong kurso kahit na ayaw naman pumayag ng mga magulang ko. Specially my dad, both of my parents want me to take Business course in Manila like my other two siblings but i refused them. Bakit pa ako kukuha ng kurso na tungkol sa pag-nenegosyo? Eh samantalang ang kuya at ate ko ay katuwang na nila mommy at daddy sa pag papatakbo ng negosyo namin.
At wala talaga sa akin ang hilig sa mga nego-negosyo, mas masaya pa din mag-trabaho sa ospital.

That's why i decided to take my own path, i want to help our community specially those pregnant woman who can die during labor na ilang oras pa ang ba-byahiin para lang makarating sa paanakan. Nakakaawa ang mga buntis na nanggaling pa sa mga rural area, at ang sakit para sa isang bagong panganak na sanggol ang walang masisilayang ina paglaki na namatay ang kanilang ina dahil kulang sa kapasidad ang ospital. Paano ba naman isa lang ang pang publikong ospital dito sa bayan ng Caspir at kulang-kulang pa ang mga kagamitan. Kaya karamihan ng mga buntis dito ay umaasa sa hilot o midwife.

Kaya kapag naging doktor talaga ako linggo-linggo akong mag-sasagawa ng libreng checkup. Pero ngayon dadalawin ko muna si mi loves, miss ko na siya eh!
"Hi mi loves!" Dire-diretso kong pasok sa opisina ni Gerald, agad akong ngumiti ng ubod ng tamis ng magtagpo ang aming mga mata. Bakit ko pa kailangang kumatok? eh lagi naman akong nandito bago umuwi tsaka kasalanan ko ba na bukas ang pinto.

"You again, what your doing again here? Umuwi ka na.." Gerald said with his usual serious face, ang daming naka-tambak na papel sa ibabaw ng kanyang lamesa na kailangan niyang basahin at pirmahan. Tapos heto na naman ang kababata/makulit na babae na si Abigail na kukulitin siya hanggang mamaya. Napasandal tuloy siya sa kanyang swivel chair habang tinitingnan ang dalagang kakapasok lang.
He should lock the door earlier.

"Grabe ka naman mi loves! Kararating ko lang papauwiin mo na ako agad? Parang hindi tayo magka-kilala ah!" Nakabusangot na sabi ko kay Gerald. Haysss.. Kawawa naman ang mi loves ko wala pa nga kaming anak pero mukhang pagod na pagod na sa trabaho.

"Come on Abigail Christine you should go home now, Tita Amanda is waiting you." Sabi ni Gerald, kung di niya lang talaga ninang ang mommy ng babaeng ito nunca talagang papasukin niya ito dito sa opisina niya o kahit mismo dito sa Munisipyo. Sarap ipa-ban eh.

"Nahhh, my mom knew im here, tinawagan ko siya kanina." Muntik ko na ngang belatan si Gerald, akala siguro nito mapapaalis niya ako. No way! Beside my mom really know about my feelings toward to this mister masungit na konsehal na sa akin lang naman talaga masungit. Botong-boto si mommy dito dahil kinakapatid ko nga.

Ewan ko ba bakit gustong-gusto ko si Gerald samantalang pitong taon ang layo ng edad namin. Maliban pa doon ang pagiging magaspang ng ugali niya pag nakikita ako kung hindi nga lang siguro mag-kumare ang mga mommy namin malamang itinapon na ako nito palabas.

"It's up to you then, you can stay here if you want. But as you can see im busy at ayoko ng ingay naiintindihan mo ba Abigail Christine?" Gerald said again.

"Oo na, oo na, sungit-sungit mo talaga kaya tumatanda na itsura mo eh.." Kapag ganoong tinawag na nito ang buong pangalan ko para bang kailangan ko ng magtino dahil kung hindi ay lagot na ako dito.

"Abigail Christine!" Malakas na tawag ni Gerald sa pangalan ng dalaga pero imbes matakot sa boses niya ay naupo pa ito ng prente sa bakanteng upuan doon. Ganito na lang lagi ang nangyayari tuwing hapon, this little girl will come on his office almost everyday, yes! just to irritate him non-stop! I knew this woman like me, wait NO! Love me! But sorry to say i don't like woman who are talkative with 5'0 in height. I want a woman who can be submissive to me not a college student who only wants to pester me all day and makes my blood boil.

"Go do your work mi loves oorder lang ako ng meryenda." Inirapan niya ako pagkatapos kong tawaging mi loves. Ang arte talaga eh no? Alang naman tawagin ko siyang pare o bro. Tropa lang ganern? Nilabas ko ang telepono mula sa aking bag at nag-dial sa isang fast food chain. Parang gusto kong kumain ng french fries ngayon. "Teka, mi loves nag-lunch ka na ba?" Baka nag-papagutom ang mi loves ko! Hindi yun puwede pasado alas tres na ng hapon! Ni hindi pa nga niya ako nabibigyan ng anak! Kaya bawal siyang magkasakit!

"Abigail i told you im busy, if kukulitin mo lang ako then you should go home."

"Nag-aalala lang eh. Susumbong talaga kita kay Tita Clarissa." Tukoy ko sa kanyang future mother in law. "Nag-order na ako ng meryenda natin, sabay tayo kumain ha?" More patience Abigail.. Yan ang magiging tatay ng mga anak mo. Sabi ko  sa aking sarili sabay buntong hininga habang nakatitig sa masungit na binata. Patience is the key ika nga.

Halos kalahating oras lang ay dumating na ang inorder ko.
Kanina pa talaga ako gutom, hindi kase ako nakapag-tanghalian sa school kanina tapos nag-mamadali pa akong pumunta dito. Wala din ang kotse ko kaya nag-jeep talaga ako makapunta lang dito kay mi loves. Agad kong inabot ang isang burger at large fries kay Gerald. May kasama pa itong coke float na tamang-tama dahil mainit ngayon. "Meryenda ka muna mi loves para may energy ka."

Binitawan ni Gerald ang hawak na sign pen at tiningnan ang inilagay na pagkain ni Abigail sa lamesa niya. He's not into fast food alam niya kaseng hindi yun healthy at masama sa kalusugan. "Okay i will eat this but after this meryenda you will go home na? Intiendes?"

"Ayoko pa umuwi, dito muna ako." Sabi ko habang nilalantakan ang hawak-hawak kong cheese burger. Aaah shit. Ang sarap talaga lalo na kapag tumutulo yung catsup parang si mi loves mukhang masarap!

"Then i will not eat this, give this to Lara instead." Inurong ni Gerald ang pagkain, hindi puwedeng ito ang susundin niya, siya ang lalake kaya siya dapat ang masunod!
Kung bakit kase pinamihasa niya na sunod ito ng sunod sa kanya, tuloy ngayon masyado na itong nasanay na pumunta dito.

"Ang sama mo talaga, sige na! Uuwi na ako kapag kinain mo yan." Hindi puwedeng hindi nito kainin ang binili ko. Baka manghina si mi loves dahil hindi naka-meryenda.

"Good girl.." Nginisihan ni Gerald ang dalaga at inumpisahan niyang kainin ang burger, finally uuwi na din ito maya-maya so he can have his peace again.

Abigail christine Maceda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon