Chapter 2

78 1 0
                                    

Edited na po ito.

:3

==========================================

Shealyn POV

"(Sniff) Walang 'ya. Hindi ka naman gwapong letse ka ah.(Sniff)

Akalain mong na ipagpalit mo na agad ako." Sisinghot singhot kong maktol habang pinanggigigilan ko ang unan.

"Letse talaga! (Sneeze) Pero infainess naman kasi, maganda yung Kimmy na yun. Pero letse! Ang pagirl lang masyado ng name nya!" Napabangon ako at tumingin sa salamin.

Tinitigan ko ang sarili ko. Sa totoo lang, isa akong perpektong imahe ng lahing Filipina. Kasi, di ako katangkaran, hindi gaanong maputi,medyo maliit ang ilong ko. Oo. Maliit lang, ayokong sabihing pango dahil feeling ko ang harsh lang. Medyo bilugang inosenteng mata. At manipis na mapula pulang labi.

"Maganda din naman ako ah!"

SILENCE

Ni walang kumontra. Pero wala ding sumang ayon. Enebeyen?!

Nabuo muli sa isip ko yung itsura nung Kimmy na yun. Nakita ko kasi kanina sa facebook na naka in relationship na si Hendryx.

Putspa! Ang bilis lang!

Yung Kimmy, singkit ang mga mata, matangos ang ilong,maputi at makinis, marunong mag ayos. Gamer din tulad ni Hendryx. At, nag cocosplay!

Mahilig si Hendryx sa anime kaya gustong gusto nya ang mga nag cocosplay na babae. Ewan ko ba dun. Masyadong kulong sa sarili nyang mundo. Mahilig din ako sa anime, actually, dun kami nag kakasundo. Pero kasi, never ko pa natry mag cosplay. Ang gastos kaya! Pang bili nga ng kumpletong uniform wala ako e, costume pa kaya?

"Nyemas! Sya nang mukhang anime! Mantalang ako! Ang plain plain ko!" Nagdadabog ako sa kama.

"Waaaaaahhhhh!!! Bakeeet?!" atungal ko.

"At ang ingay mo lang! Pangbulahaw ka ate! Bunganga mo, pwede?" saway sakin ng kapatid ko na nagaayos ng buhok nya sa harap ng salamin.

"'Langya baby?! Kanina ka pa dyan? Ba't di kita napansin? Tzk. Sabi na kasing wag pupwesto lagi sa sulok at hindi ka nakikita." pang-aalaska ko naman sa kanya. Black beauty kasi yan. Her name is Sheyn Dion Hernandez. Kambal ko sya. Hindi nga lang sobrang magkamukha.

"Che! At least di pango! Pango na nga boba pa. Duh? Di ka pa nakikita ni Kuya Hendryx. Anong pinaglalaban mo sa itsura mo?" litanya nya.

Natahimik ako dun. Hindi pa nga pala ako nakikita ni Hendryx kasi ang account ko sa facebook na binigay sa kanya ay walang picture ko. Sya kasi walang picture sa facebook nya. So ayoko lang madugaan, kaya nakigaya ako. Hindi pa namin pareho nakikita ang isa't isa. Napangiti ako dun ng mag sink in sa utak ko ang sinabi ng kapatid ko. Inagaw ko kay Dion ang suklay at nag ayos.

"Hay nako She. Sinasayang mong ganda mo kangangawa jan! Magpaganda ka pa lalo, para pag sikat ka nang cosplayer ay maglaway sya. Bwahahahaha!" at nag evil grin pa ko sa harap ng salamin.

"Para kang timang!" at hinablot ulet ni Dion ang suklay saken.

"Baby!" tiningnan ko sya ng masama.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan kundi hindi kita tutulungan magpaganda." banta nya.

"Ha? Hindi pa naman ako humihingi ng tulong ah?" takang tanong ko sa kaya.

"Hindi PA. Pero yun na din ang sasabihin mo. Psss!" inirapan nya ko.

"Hala! Manghuhula ka na ngayon?" manghang tumingin ako sa kanya.

"Grabe Ate! Mas matanda ka ba talaga saken ng 10 segundo? Dapat ako nauna saten lumabas at binuro ka na muna sa loob ng sinapupunan ni inay e. Kinulang ka ata sa buwan." mataray na sabi nito.

Because It's DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon