CHAPTER 21
DAWN'S POV
"Ma'am!"
Pinigilan kong mapangiti ng makita ko si Steve at George na patakbong lumapit sa amin ni Triton. Kasalukuyan kaming nakaparada sa Manila Bay at nakaupo sa hood ng kotse niya. Hinihintay namin ang sunset.
Nilingon ako ni Triton. "Sila talaga ang loyal fans mo no?"
Nagkibit-balikat ako at iniangat ko ang kamay ko para kawayan ang dalawa. "Natin."
Hinihingal na huminto sina Steve at George na may dala-dalang box. Maingat na nilapag nila iyon sa sahig bago nakangiting umayos sila ng tayo at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Triton. Pagkaraan ay huminto ang mga mata nila sa kamay ko kung saan naroon ang singsing na tanda ng pagtanggap ko sa proposal ng binata.
Isang linggo na rin ang lumipas mula ng magpropose si Triton. Isang linggo na rin na pilit na sinasanay ko ang sarili ko sa singsing pero kapag nakikita ko ito ay pakiramdam ko bumabalik ako sa unang araw na ibinigay 'to sa akin ni Triton.
"Woah!" gulat na sabi ni George at nagtakip pa ng mga mata na para bang nasisilaw siya. Si Steve naman ay laglag ang pangang nakatingin lang sa kamay ko.
"Thanks, boys." sabi ko na nakatingin sa mga box na naglalaman ng mga gamit ko sa university. "Nang minsan kasi na dumaan kami sa university ay nakita namin ni Tri na marami pa ring reporters."
Tumango-tango si Steve. "Inaabangan po kayo. Nagtatanong din sila sa mga estudyante para alamin kung sino ang mga naging estudyante mo po."
Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Hindi ko din masisisi ang mga reporters. Trabaho nila iyon. Pero hindi ko maiwasan na mainis sa kanila. Hindi na kasi sila nakuntento sa amin at pati pa mga estudyante ko ay nadadamay.
Nagtaas ng tamay si Steve at umiling na wari bang nabasa ang nasa isip ko. "Wag po kayong mag-alala Ma'am, wala lang po sa amin. Lalo na sa iba na feel na feel pa ang mainterview sila."
"Hindi na tama ang ginagawa nila."
"Okay lang po. Ang mahalaga Ma'am eh okay na po kayo ngayon. Imbitado ba kami sa kasal Ma'am?"
Napailing na lang ako at hindi ko na napigilang mapangiti. Kakaiba talaga ang mga kabataan ngayon. Minsan parang ang sarap bumalik sa edad nila na tanging pag-aaral lang ang mabigat na problema. "Fine."
"Yes!" sigaw ni George at nakipag high-five kay Steve.
"Pero matatagalan pa. Masyado pang maraming problema ngayon." sabi ko sa kanila.
Nakangiting sumaludo sila at sunod-sunod na tumango. Nilingon ko si Triton at nakita kong ngiting-ngiti siya sa dalawa kong estudyante. Kung sabagay nakakatuwa naman kasi sila. Suportadong suportado kami. Buti pa sila.
Binuksan ko ang bag ko at may inilabas ako roon na papel. Inabot ko iyon kay Steve. "Pakibigay na lang sa dean. Formalities kahit na alam kong napagdesisyunan na nilang tanggalin ako."
"Aabangan na ba namin si dean sa labas ng university Ma'am? Sabihin niyo lang Ma'am at iwawala namin siya sa gubat." sabi ni George na nag pose pa para lumabas ang kunwa'y muscles niya.
"Ikaw talaga. Mag-aral ka na lang at saka mo na isipin ang pananambang kay dean."
"Eh love life Ma'am pwede?"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kapag nabalitaan kong bumagsak ka, ikaw ang iwawala ko sa gubat."
Natatawang nag peace sign siya pero nawala ang ngiti sa mga labi niya ng may kotseng biglang pumarada sa likuran na pinaradahan nila ni Steve. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni Triton ng mamataan namin ang dalawang bumaba na lalaki na may dalang camera.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
ActionI'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may lakas ng loob para bulabugin ang tahimik ko na buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinaka...