CHAPTER 24 ~ Attack ~

133K 2.7K 91
                                    

CHAPTER 24

DAWN'S POV

Pinaningkitan ko ng mga mata si Triton na nagpapacute na sinalubong naman ang tingin ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa Craige's restaurant habang sa lamesa na inookupa namin ay nakapatong ang ilang magazines at ang nakabukas ko na laptop.

"Be serious, Tri."

"I am. Anong magagawa ko kung wala naman talaga akong alam sa mga ganiyan?"

"You just need to pick for goodness' sake!"

Nakangiti pa rin na inabot niya ang isang magazine at ipinakita sa akin. "How 'bout this one? It's...cute?"

Pakiramdam ko ay mapupunit na ang mga mata ko sa paniningkit. "Seriously? Gusto mo ng peacock themed wedding?"

Napapakamot sa ulo na ibinaba niya ang magazine at dumampot ng isa pa. "Okay, that's a bad idea. Hmm...eto na lang?"

"Gusto mong ibigti kita?"

Ang hawak naman niya ay isang magazine na nag cover ng secret agent themed wedding. Napapailing na hinablot ko sa kaniya iyon at padabog na ibinaba ko.

"Ayoko na-"

Sa isang iglap ay nakalipat na si Triton at ngayon ay nakatabi sa akin. "Dawn, sweetheart. 'Wag ka namang ganiyan."

Napakunot-noo ako sa inaakto niya. "Bakit? Ano bang sinabi ko?"

"Sabi mo, ayaw mo ng ituloy ang kasal!"

"Wala akong sinabi na hindi ko gusto na ituloy ang kasal. I'm just giving up on asking you about the wedding since it looks like all you want to do is show up in the wedding and not do anything."

Bumalik ang ngiti sa mga labi niya at napatango-tango siya. "Tama, tama. Pero syempre kailangan ko ding mag I do."

"Bakit ayaw mo?"

"Hindi ah! Excited na nga ako eh."

"Ehem, ehem. Excuse me lang sa love birds diyan. Pwede bang makiagaw muna ang kagwapuhan ko ng kaunting spotlight?"

Hindi ko pinansin ang nagsalita sa mikropono at nanatiling na kay Triton lang ang atensyon ko. "Sumasakit ang ulo ko sa'yo. Hindi kaya tumanda ako ng maaga kapag pinakasalan kita?"

"Hindi ah. Gaganda ka pa nga dahil bibigyan kita ng madaming pagmamahal."

"So hindi pala ako maganda ngayon?"

Nag peace sign siya. "Ang ibig kong sabihin ay lalong gaganda."

"Bolero."

Iniangat ni Triton ang isa kong kamay at nakangiting hinalikan niya iyon. "Kahit dalin pa natin sa korte walang maniniwalang bola lang kapag sinabing maganda ka."

"Hello world? Pansinin niyo po ako! Hello?!"

Napatingin kami ni Triton sa stage at kaagad namang namula ang mukha ko. Nakangising nakatingin sa amin si King at ganoon din ang mga iba pang agents at mga guest. Pilit na pinaseryoso ko ang anyo ko at tumikhim. "What?"

"Hi there!" sabi ni King at kumaway pa.

"What do you want? Say it now before I decide to shoot you."

Lalong lumawak ang ngisi ni King sa pagtataray ko. "Well, we kinda need your time and everyone's time. May kanta akong gustong i-alay para sa pinaka espesyal na tao sa buhay ko. Together with my bandmates, Thunder, Archer, Rushmore and Comet-" nawala ang ngiti ni King sa biglang pagkadulas na mabanggit ang namayapa nilang drummer at pagkatapos ay malungkot na tumawa. Kung mayroon mang matatawag na ganoon. "Maybe Comet's gonna play up there." patuloy nito at tumuro sa itaas.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon