CHAPTER 16 ~ Roar ~

133K 2.8K 128
                                    

CHAPTER 16

DAWN'S POV

"Ang weird niyo."

Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Sky. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero wala akong balak aminin iyon.

Kasalukuyan kami ngayong nasa malawak na field sa likuran ng BHOCAMP Headquarters at kumakain kasama lahat ng mga agents. Mula newbies at junior. Tama lang naman na ilibre namin sila nila Triton dahil sa dami ng mga trabaho na tinapos namin ay wala ni isa sa kanila ang nagreklamo. Kahit na karamihan sa kanila ay wala ng mga tulog.

Wala pa kaming lead kung nasaan na si Wyatt Claw pero nakakuha kami ng mga impormasyon ukol sa mga transaction nila mula sa mga nahuli naming tauhan ng Claw. Nang sunduin kasi kami ni Triton nina Hera at Athena kahapon ay may mga agents na inutusan si Freezale at nagawa nila na kornerin ang ilan sa mga miyembro at ngayon nga ay nasa infinity room na sila katulad ni Warner Claw.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Sky."

"Something's weird, I'm sure of it." sabi ng babae habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Triton na ngumiti lang.

"Gutom lang yan." kumuha ako ng inihaw na hotdog at inabot ko iyon sa kaniya. "O, baka nawawalan ka na ng nutrisyon."

"Wala kang tinatago sa akin?" tanong niya at inabot ang stick. Direktang tinignan ko siya sa mga mata.

She can't read my mind. She can't read my mind. "N...No."

Napapalakpak siya at ngiting-ngiti na tinignan kami ni Triton. "You're definitely lying! Hindi mo ako maloloko dahil mas sinungaling ako sa'yo. I can't believe this! Nagkulay rainbow na ang mga uwak, tumulin na ang mga pagong, nag evolve na bilang tao ang mga unggoy, bumaligtad na ang mundo!"

"Quiet!" I hissed.

Tinignan ko sila Daddy na kasama sa isang mahabang lamesa ang buong Second Generation Elites pati na ang ilan sa mga retired agent. Wala ang mga Original Elites dahil mga nagbabakasyon. Mukhang hindi naman nila napansin ang komosyon sa puwesto namin.

Tinignan ko ng masama si Sky. "I'm gonna burn your mouth if you don't shut up."

Imbis na magalit sa sinabi ko ay humagikhik lang siya. Tinalo niya pa ang nanalo sa lotto habang ang asawa naman niya ay napapangiti na lang at nag-alis ng tingin sa amin. Nagpanggap siya na nasa iba ang atensyon niya at hindi kami naririnig kahit na alam kong nakikiusyoso rin siya sa amin.

Swerte ko na lang at busy sa mga usapan nila ang ibang mga agents.

"You know, Dawn, hindi na ako nagulat na ikaw ang susunod sa yapak ni Freezale. Parang inuuna tayo na mga walang balak mag commit. Me, the playgirl. Freezale, the cold robot. And you, the men squasher machine."

"Sky..." may babala sa tinig na sabi ko.

"Wala ba kayong balak ipaalam sa iba?"

"Wala."

Napapikit ako ng maisip ko ang pagkakamali sa sinabi ko. Para ko naring inamin na may namamagitan nga sa amin ni Triton.

Napatili si Sky ng pagkalakas-lakas. Tuluyan na niyang naagaw ang atensyon ng mga Second Generation Elites dahilan para panlakihan ko siya ng mga mata. Pilit na inayos naman niya ang sarili niya habang parang sasabog na siya sa sobrang pagkapula ng mukha niya.

She leaned forward on the table. "I'm so so so glad!"

"I can see that." I said with a roll of my eyes.

Tumingin ako sa mga agents na bumalik na ang mga atensyon sa usapan nila. Maliban kay Freezale na nasa kabilang dulo ng kinaroroonan namin. Umangat ang sulok ng labi niya na para bang sinasabi na alam niya ang pinag-uusapan namin.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon