CHAPTER 10 ~ Try ~

156K 3.2K 157
                                    

CHAPTER 10

DAWN'S POV

"So ano iyong kanina?"

Napatigil ako sa ginagawa ko na pag-aayos ng gamit ko ng marinig ko na magsalita ang isa sa kambal na Enyo at Eris. Nandito na kami ngayon sa isang villa na ni-rent namin. We landed a few hours ago. Ang iniintay na lang namin ay mag gabi para maisagawa na namin ang mga kailangan gawin.

"What do you mean?" I said, feigning ignorance.

"Iyong pinagbubulungan niyo ni Triton kanina."

"Are you, you know. Together?" singit ng kakambal niya.

"Of course not." I answered. Hinarap ko ang suitcase ko at binuksan iyon. Hinawakan ko ang upper part ng suitcase at inilapat ko ang kanan ko na kamay roon.

"Then what was that?"

Umilaw ang nilapatan ko ng aking kamay. Inalis ko ang kamay ko kasabay ng pagbukas ng hidden compartment ng suitcase. "Bakit iniinterrogae niya ako?" pagkasabi niyon ay humarap ako sa kambal.

"Wala lang. Curious lang kami."

"Alam niyo kung anong sagot sa mga tanong niyo. I'm not sure why you're even asking."

Sabay na pinaikot nila ang mga mata nila. Isa sa kanila ang nagsalita. "Kaya nga kami nagtatanong ay dahil hindi namin alam."

Pinigilan ko na mapakunot noo. Ang akala ko ay narinig nila kami. Stone and Blaze were both acting strange a while ago. I know for sure that they heard us but it looks like the twins didn't. How is that even possible when they were sitting closer to us than Stone and Blaze?

"Fine. We were talking about...about our candidates."

"Ahh. Iyon lang naman pala."

"Psh. Wala naman pa lang bago na chismis."

Nakanguso na tumalikod na sila at naglakad paalis. I sighed in relief. They won't pester me about the candidates. Dahil matagal na iyong nalaman ng mga agents dahil sa mga magulang namin na ikinalat na ata sa lahat ng mga magulang ng Third Generation agents.

But how come they didn't heard what Triton and I were talking about?

Tumingin ako sa suitcase sa harapan iko at huminga ng malalim. I looked at the guns on my hidden compartment that even the airport's x-ray can't detect. Barilin ko kaya si Triton ng matahimik na ang buhay ko?

"Master Sweetie Dawn...is this a bad time?" alanganing tanong ni Triton ng makita ang baril ko na ngayon ay nakatutok na sa kaniya.

"It will be if you don't step out of my room."

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay niya na parang sumusuko at dahan-dahan na umatras hanggang nasa labas na siya ng pintuan ng kwarto ko. "Pwede na ba ito?"

"Pwede na." sabi ko. "Anong kailangan mo?"

"Ikaw?"

"Triton!"

Ngumisi siya. "Itatanong ko lang kung kailan tayo magsisimula? Because we're ready and you're not." binuntutan niya iyon ng mapang-asar na halakhak.

"We will be ready when I am ready."

Napatigil siya sa pagtawa. May kung anong dumaan sa mga mata niya bago iyon tuluyang naglaho at napalitan ng masaya niyang mga mata. "Okay!"

Akmang tatalikod na si Triton pero pinigilan ko siya. "Lawrence!"

"Yes, Master?"

"Paano nalaman nina Blaze at Stone?"

Naningkit ang mga mata ko ng mapangiwi siya at mapakamot sa ulo niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahilan para mapahinto siya sa akmang pag-atras. "How?"

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon