Chapter 32-Tawaran

94 22 0
                                    


White Wolf, White Witch ay mga hidden BOSS ng Frost Forest. Ang Mithril Pendant ay isang ornamental item lamang kaya hinayaan ito ni Blue River na walang pagaalinlangan. Pero ang White Wolf Sharp Fangs ay napakaimportante.

Hindi kabilang ang Frost Forest sa mga educational dungeons ng beginner village. Bawat tao ay apat na beses lamang pwedeng pumasok. Mahirap sabihin na may makikita silang hidden BOSS sa loob ng apat na beses na iyon. Atsaka, may chance na ang hidden BOSS ay hindi White Wolf.

Kung yung 8 White Wolf Sharp Fangs lang ang gusto ni Ye Xiu, hindi magdadalawang-isip si Blue River na iparaya silang lahat. Pero sa 72 Strong Spider Silk at sa 8 White Wolf Fangs, Napagtanto ni Blue River na parang nagiging sakim ang taong ito at deserving na tawagin bilang isang walanghiyang baguhan na pinatay ang kaniyang party para lang sa hidden BOSS. Kahit na gaano paman kahusay ang taong ito, ang kaniyang ugali ay hindi pwede. Dapat ba talaga na akitin nila ang taong ito para sa guild nila?

Nagsisimula nang magagam-agam si Blue River, pero si Ye Xiu ay tumugon ng hindi mabilisan at hindi rin mahina: "Sobra ba? Kung ganon hindi ko na kailangan ang Mithril Pendant, pwede na ba?"

Hindi alam ni Blue River kung iiyak ba siya o tatawa bago mag reply: "Kaibigan, alam naming lahat na wala kaming pakialam sa Mithril Pendant, pero ang Strong Spider Silk at ang White Wolf Sharp Fang..."

"Kung ganon magkano ba ang dapat?" Tanong ni Ye Xiu

"Pili ka sa dalawa..." Sagot ni Blue River.

"So...Sobrang mahirap pagpilian to!" Tugon ni Ye Xiu.

"Hindi mo pwedeng makuha ang cake mo at kainin to, kaibigan..." Sagot ni Blue River na may sinseridad.

"Kung ganon yung White Wolf Sharp Fangs!" Sabi ni Ye Xiu.

"Okay." Napabuntong hininga si Blue River.

"Mga Strong Spider Silk din ba para mapakita ang sinseridad mo?" Sabi ulit ni Ye Xiu.

Muntik sumuka ng dugo si Blue River.

"Pano kung 40?" Tanong ni Ye Xiu.

"Kaibigan, ikaw... " Halos walang masabi si Blue River.

"30?

"Uh..."

"25. Pwede na 'to, hindi ba?" Tanong ni Ye Xiu.

Natigilan si Blue River nang matagal. Ang kanyang mga kamay ay naka patong sa keyboard at wala siyang mahanap na mga salita para isulat.

"24?"

Lumambot ang puso ni Blue River. Ang taong ito'y isa-isang binababaan na ang presyo. Para sa dakilang Blue Brook Guild na makipagtawaran para lang sa mga kakarampot na Strong Spider Silk, gaanong nakakahiya ito? Mabilis na isinulat ni Blue River: "Sige, tapusin na natin ang lahat jan!"

"Sige."

Pagkatapos mapabuntong hininga si Blue River, may nakita uli siyang ibang mensahe na lumantad:

"Kung ganon, bigyan mo rin ako ng mga kaunting Mithril Pendants. Diba sinabi mo kanina na hindi mo iyon kailangan?"

Nahulog si Blue River sa kaniyang upuan. Anong klaseng tao to? Mga kwentang Mithril Pendants nangalang tatawaran niya pa?

King's Avatar ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon