Chapter 50- Na Naman!!

101 30 0
                                    

"Oy, oy! Sumusobra ka na!" bahagyang nagagalit na si Chen Gou. Kahit na ba humanap siya ng taong makakairita kay Tang Rou, hindi niya talagang inakala na walang sasabihin ni isang magandang punto si Ye Xiu. Kailangan ba talaga niyang sumobra ng ganito?

"O, pasensya na." sabi ni Ye Xiu "Mukhang sobra na ang akong mga sinasabi. Ang isang daang taon na parte ay pagbibigay diin lamang. Hindi mo kinakailangan ng ganoon katagal."

Matapos marinig ang unang parte, nagulat si Chen Gou dahil inamin ng lalaking ito ang kanyang pagkakamali. Pero noong marinig ang huling parte, ay talaga namang nahihimutok ito sa galit na kamuntikan ng tumabingi ang kanyang ilong.

"Kung wala ka lang talagang masabing maganda" noong sabihin ito ni Chen Gou, sumaglit ito ng tingin kay Tang Rou. Kalabisan na ito! Palagi na lang niyang gustong inisin ang little sister na ito kahit isang beses lang, pero ngayong nagawa na niya, natatakot siyang baka sumusobra na siya.

"Hmm… ang technique niya ay mabilis. Sinabi ko iyon!" sabi ni Ye Xiu

"Ano pa?" sabi ni Chen Gou

"Ano pa…"nagisip ng Mabuti si Ye Xiu. Tumingin siya sa ibang lugar: "Maganda siya."

Halos bumuga ng dugo si Chan Gou. Pinupuri niya ito hindi ba? Di ba? Peor ang problema ang pinaguusapan nila ay ang laro. Sinabi niyang "Napakaganda niya", pero hindi bai big sabihin noon na walang ni isang magandang banda sa kanyang paglalaro?

Talagang magagalit si Tang Rou, Magagalit si Tang Rou… tumungo si Chen Gou at tumingin. Kinakagat ni Tang Rou ang kanyang mga labi. Ang kanyang kanang kamay ay mahigpit na nakakapit sa mouse. Kung siya si Chen Gou, malamang kinuha na niya ang keyboard at nagsimulang itapon ito para masira sa kanya. Kung tutuusin hindi siya si Tang Rou. Malamig lang na sinabi nito: "Sabihin mo iyan pagkatapos nating maglaro."

"Hindi na kailangan. Nagpapaubaya ako kanina. Kung hindi, pagkatapos ng Eagle Stamp, malamang ginamit ko na ang Falling Ligh Blade, Sky Strike at linisin ang palapag,Dragon Tooth, Falling Flower Palm at iyon na patay ka na" sabi ni Ye Xiu

"At bakit ayaw mo ng magpatuloy?" tanong ni Tang Rou.

"Kung ginawa ko iyon, malamang nanalo na ako at kinuha ang iyong 100 yuan. Pero hindi mo talaga alam kung paano maglaro at hindi patas iyon. Nakakahiya para sa akin kung kukunin ko ang 100 yuan. Kalimutan mo na iyon!" sabi ni Ye Xiu sabay harap kay Chen Gou "Boss, iyang 100 yuan ay akin! Pwede mo iyang ikaltas sa sweldo ko. Sumang-ayon na ka."

"Ikaw, ikaw, ikaw…" sobrang galit na si Chen Gou na muntikan na siyang mamatay. Pagkuha ng 100 yuan, nilukot niya ito sa isang bola at tinapon ito: "Kunin mo."

"Salamat." Agad namang kinuha ito ni Ye Xiu. Hindi naman wala talaga siyang pera kaya lang ang sigarilyo ay parang isang pagkain, kailangan maubos. Kung titignan sa pang matagalan, kailangan niyang maghanda.

"Kung natalo ako, natalo ako. Hindi mo na kailangang palipasin ito. Kunin mo itong 100 yuan." Tumayo si Tang Rou at kinuha niya ang 100 yuan sa pusta at ibinigay ito.

"Kalimutan mo na iyon. Nakakahiyang kunin ko ito." Sabi ni Ye Xiu

"Kunin mo!" tinignan ng masama ni Chen Gou si Ye Xiu. Alam niya ang temper ni Tang Rou. Itong babaeng ito ay sabik at seryoso. Kung magpapatuloy sa pagtanggi sap era si Ye Xiu, hindi maganda ang kalalabasan nito. Ang takot lang niya na si Ye Xiu ay isang lalaking ihahampas ang ulo niya sa pader. Kung hindi niya tatanggaping ang pera kahit na anong mangyari, ano na ang kanyang gagawin?

King's Avatar ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon