ENCUBIERTO BOSQUE

113 6 4
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events,Locales,and Incidents are either the product of author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual person, living or dead,or actual events are purely coincidental.

ALL RIGHTS RESERVE©2021

01. RUMORED

Molly's POV.

Nang tuluyang makalabas si Prof. Chun ay nagsilapitan kaagad ang mga tukmol kong kaibigan. Napairap nalang ako sa kawalan. Tinadhana talaga kaming lahat na magsama, lahat kami malas. Paano ba naman,
pareho kaming lahat na bagsak this semester.

"Lie about your birthdate raw,"usisa kaagad sa amin ni Hori habang hawak hawak ang cellphone.

"Magsinungaling raw tayo sa mga kaarawan natin!"binatukan naman ni Hades si Kris.

"Wag kang bobo,tinagalog mo lang eh.
Kaya tayo bagsak lahat."si Hades at tumingin sakin. Ano na namang tinitingin tingin nito?

"Oh,edi ano na? Sa susunod na araw na yun diba? San nga ulit tayo pupunta?"tanong ni Jess pero nagkibit balikat lang kaming lahat,tamad sumagot.

Marami pang ginawang search si Hori samantalang ang ibang classmates namin ay nagsilabasan na dahil break time. Napakamot ako sa ulo bago tiningnan ang nasa phone niya.

Wala akong ibang nakita kundi ang kasabihan o only one rule kuno. Halos lahat ng nagpost about rito ay taga school lang rin namin. Mga walang magawa sa buhay,anong school year na naniniwala parin sa mga sabi sabi.

"Eh naniniwala kayo dyan?"walang ganang tanong ko."Rumored lang naman yan,hindi naman sigurado."
dagdag ko pa.

"Bakit ikaw hindi?"napalingon ako kay Hades."Paano kung totoo nga yang rumored na yan. Baka mapahamak pa tayo,"katwiran niya na tinanguan naman nila.

Nagsalubong ang kilay ko sa inasta niya. Hinarap ko siya."Ano bang point mo? Eh ikaw naman ang dahilan kung bakit bagsak ako this sem,napasubo ako ng wala sa oras."

"Eh bat parang galit ka?!"tinapunan ko lang siya ng tingin at akmang lalapitan niya ako nang pigilan siya ni Kris.

Matalim na ang tingin niya sakin ngayon na para bang siga ako sa kanto at ginalaw siya. Tsk,ewan ko sayo Hades...di ka naman ganito dati. Ngayon ang sungit sungit at ang yabang mo na. Nagbago kana. Umiwas nalang ako ng tingin at tumabi kay Jessica.

"Kumalma nga kayo. Kasalanan niyo yung dalawa,ang daming pwedeng pagmake out-tan sa Girl's CR pa talaga no?"pagpaparinig niya samin at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tigil na nga. Baka kung saan pa mapunta ang usapan,back to the topic tayo."singit ni Hori pero tumayo na si Jess kaya tiningnan namin siya.

"Hays. Tara nga muna,caf muna tayo."
sumunod kaagad ako sakanya bago si Hori. 

Kahit naglalakad ay di ko makalimutan yung inasta ni Hades kanina. Nakakainis siya pumasok ba naman ng Girl's CR habang umiihi ako  napagkamalan tuloy na may ginagawa kami. Ang bano kasi e.

Pagkarating sa cafeteria ay nag order kami agad bago humanap ng pwesto para sa limang tao. Nakakapagtaka na halos lahat ng nasa loob ay nakatingin samin,nagchichismis pa. Humugot ako ng malalim na hininga. Napapaisip sa pupuntahan namin. Narinig ko na gubat yun,kung gubat lang naman yun bakit kailangan pa may rule? Nagpapaka OA lang?

"Oh,kumain kana."nabalik ako sa ulirat nang iabot sakin ni Hades ang burger at macaroni niya.

Tiningnan ko lang siya. Walang ibang nakakita nun dahil abala sa pakikipag harutan si Kris at Jessica samantalang si Hori ay di pa rin tapos sa kaka research niya about sa gubat kuno.

ENCUBIERTO BOSQUE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon