08. THE FOURTH SUFFER

18 3 0
                                    


Molly's POV.

"Hades..may kailangan kang malaman."wala na akong sinayang na oras matapos ang mga munting rebelasyon na namutawi kanina.

Sa paulit paulit naming pagkabilog ay tinahak muli namin ang lugar kung saan ang kinaroroonan ng mga katawan ng mga dalawang kaibigan.

Sumalubong saakin ang malaking ngiti ni Hades. Agad akong nalungkot ng makita ang tunay na kaligayahan sa mukha niya. Iba ang inaasahan niyang sasabihin ko. Alam ko yun,basi palang sa pinapakita ng mata niya.

Nakayuko ako at tila ba umatras din ang sariling dila. Pinaglaruan ko ang dalawang kamay sa likod. Paano ko sasabihin gayong halata na masaya siya? Paano ko sasabihin ng hindi naiibsan ang ngiti niya. Paano ko sasabihin nang hindi siya nasasaktan?

Ang katotohanan na buhay siya at katabi ko ngayon ay nagdulot ng kakaibang saya sa akin. Dahil alam kong may nabawas man,may dalawa parin sa kaibigan ko ang naiwan.
Ngunit paano naman siya? Paano ang nararamdaman mi Hades?

Nang sandaling magtagpo muli ang mga mata namin ay nasaksihan ko ang nagtatanong niyang mga mata.
Mas lalong namutawi sakin ang lungkot at pait. Mahirap tanggapin ang katotohanan na ito ang naging kahihitnatnan namin matapos labagin ang rule. At iyon ay wag sabihin ang totoong kaarawan namin.

Minsan ay napapatanong parin ako sa sarili. Paano kung nagsinungaling kami,aabot ba kami sa ganito? Siguro oo,dahil kahit pa man hindi kami magsabi ng totoo ay ito naman talaga ang nakalaan na mangyari kahit pag baliktarin pa ang mundo. Habang iniisip pa rin kung paano ko sasabihin kay Hades ang tungkol sa mga kaibigan ay may dumaan na sintensya sa utak ko.

Nang sinabi ng Prof na ito ang unang tapak nila rito,maaaring parte yun ng plano. Katulad naming lima ay baka renkarnasyon din ang nangyari sa kanilang tatlo. Na nung taong 1870's,
nandito din sila nun at malaki ang posibilidad na saksi sila sa pagkawala namin,sa pagkamatay naming lima.

Encubierto Bosque... ano nga ba ang ibig sabihin nito?

"Wala na si Hori at Kris.."

Matagal na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa ngunit ikinagulat ko na hindi siya napatigil sa paglalakad. Tiningnan ko ang mukha niya at nakita ang mapait na ngiti rito.

"Alam ko."

Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam niya? Pero paano?
Kung alam niya ang tungkol don,paano niya nalaman.

"A-alam mo?"nauutal na saad ko at hindi na ikinagulat ang pagtango na ginawa niya.

"Nandun ako."tingin ko ay nabingi ako sa pag amin niya."Nakita ko kung paano nasunog ang katawan ni Hori at kung paano niya isinigaw ang pangalan mo."

Napapikit ako at sa muling pagbukas ng mata ay tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Rinig na rinig ang paghikbi ko samantalang nanatili siyang tahimik sa tabi ko.

"Sinubukan mo naman siyang tulungan diba?"napatanong ako.

Nasisiguro kong yun ang ginawa niya dahil bukod sa girlfriend niya si Hori ay hindi rin siya papayag na umuwi kaming may lagas. Na may kulang kaya nang sinagot niya ang tanong ko ay nag init agad ang mga mata ko sa panibagong luha.

"Hindi."

Wala ng singseryoso pa ang tinig ni Hades ngunit nasa sumisigaw sa likod ng tinig na yun ang katotohanan na hindi siya nagsisisi sa ginawa niya.

"B-bakit Hades?"naiusal ko nalang.
"Bakit hindi mo siya tinulungan?"

"Kasi alam kong yun ang nararapat.
Bago nangyari yun nakita ko ang letter niya,yung ipinakita niya sa bus.
Dumapo sa paa niya yun at iisa lang ang ibig sabihin nun. Si Hori siya talaga ang sumulat nung letter ilang taon na ang nakalipas,at nakalimutan mo na ba ang ginawa natin?"he asked.

ENCUBIERTO BOSQUE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon