10. SEDAH

22 2 0
                                    


Molly's POV.

Nagising ako dahil sa malumanay na huni ng mga ibon. Napalinga ako sa paligid habang nakahawak sa ulo tsaka ko pa naalala ang nangyari kahapon. Nang marating na namin ang tinutukoy ng lalaking misteryoso ay biglang may sumugod sa amin na sa tingin ko ay kauri din niya. May pana at maraming palaso,ang kaibahan lamang ay basi sa ikinilos niya tila ba ay may galit siya sakin.

Bumunot siya ng bato at akmang babatuhin si Hades kaya tumakbo ako kaagad sa direksyon na yun bago naramdaman ang masakit na pagtama ng bato sa aking ulo.

Nang matauhan ay agad akong bumangon. Sina Hades? Nasan sila?
Bakit wala sila? Kasama niya ba yung misteryosong lalaki..kasali din ba yung isa? Magkakampi ba sila at may balak silang gawin kay Hades?

Pinagpagan ko ang sarili at nakita ang pana ni Hades malapit sa kinaroroonan ko. May nangyari bang masama? Bakit ito naiwan?

Pinulot ko ito at tinitingnan ang mga pwedeng daanan. Dumampi sa balat ko ang sinag ng araw bago ko napagtanto kung anong araw ngayon.
Ang pinaka espesyal na araw sakin.

Birthday ko ngayon at ito ang regalong natanggap ko...hinanakit at parusa ng kamalian ng kahapon.

"Hades nasan kayo?!"

Nagkamali ba ako ng taong pinagkatiwalaan? Kung ang lalaking misteryoso man na iyon ang tunay na kalaban,kasalanan ko lahat at nagpalinlang ako. Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa negatibong hinala sa isipan. Huwag na sanang mangyari ang nangyari nung mga nagdaang araw.

Patuloy ko iyong hinihiling kahit pa man hindi talaga siya madidinig. Ito ang nangyari sa nakaraan,at ito din ang mangyayari sa kasalukuyan. Sa parusang ito,wala kaming laban.

"Molly nandito na ulit ako.."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at sumilay agad sa labi ang ngiti ng marinig ang boses ni Hades sa likuran ko. Nang sandaling nagtagpo ang mga mata namin..ay napatigil ako.

Unti unti akong napaatras sa kaba at takot. Nilingon ko ang patutunguhan at ang hagdan ito na puno ng mapupulang dahon sa paligid. Ang daan, tiningnan ko muli ang kinaroroonan ni Hades. Hindi...

Patakbo na ako nang nadapa ako ulit dahil sa hindi napansing palapag na hagdan. Kumapit ako run at pinilit ang katawan na makatayo.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo ako rito?"hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,nasa boses niya ang pagmamakaawa.

Wag Molly,sa hindi malamang dahilan ay umiling ako at nilinga ang paningin sa paligid. Nasaan siya? Bakit hindi siya bumalik?

Ang lalaking nasa harapan ko,nag aapoy ang mga mata niya sa galit ngunit hindi niya ito pinapahalata.
Mag isa nalang ba akong lalaban?
Naiyukom ko ang kamao at pinigilan na tumulo ang luha.

"Huwag kang lalapit!"

Matiim na napasigaw ako sa biglaang paglapit niya. Sinipa ko ang sikmura niya na mas lalong nagpagalit sakanya. Habol habol ko ang hininga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Ano bang problema mo? Ako 'to si Hades.. kaibigan mo ako Molly. Bakit ka nakakalimot?"mahinang anya.

Ngunit hindi ako nagpadala. Hindi.
Huwag kang maniwala Molly. Paulit ulit ko yang sinabi sa sarili. Hindi siya si Hades,gamit niya lang ang katawan ni Hades. Pero kung hindi siya si Hades ay nasaan ang totoong Hades?
At iyong misteryosong lalaki? Nasaan siya?

"Sabing wag kang lalapit!"muli ko siyang sinipa at sa oras na yun ay tumama na yun sa center niya.

Pumangit ang mukha niya pero agaran ring binawi yun. Gusto kong matawa sa panlilinlang niya,hindi ko makuha kung anong kailangan niya sa amin pero nasisiguro kong hindi siya kakampi.

ENCUBIERTO BOSQUE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon