EPILOGUE

44 3 0
                                    


Molly's POV.

Kakalasin ko na sana ang tali sa paa nang mapansin ito ng lalaki kaya imbis na makawala ay hinila niya ang buhok ko. Nanggilid ang luha ko dahil sa abot anit na sakit ng pagkahila nito.

"Bitawan mo sya kuya!"napalingon ako muli sa lalaking nagngangalang
Sedah.

Saglit akong natigilan nang marealize ang pangalan niya. Siya si Sedah? Siya ang lalaking pinili ko sa nakaraan kong buhay? Nag angat ako ng tingin at punong puno ng pag aalala ang mukha niya.

Ngunit mabilis na nawala ang ngiti ko ng hinanda ni Sedah ang pana at tinutok ito sa likod ko kung nasaan ang hindi ko kilalang lalaki na ani ay kapatid ni Sedah. Huli na nung mapagtanto ko na huhubarin niya ang hoodie na suot ko.

Pumiglas ako at sinipa ang gitnang bahagi ng katawan niya bago kumaripas ng takbo papunta kay Sedah. Nang sandaling napasandal ako sa dibdib niya ay hingal na hingal ako pero damang dama ko ang sekyuridad ngayong nasa tabi niya na.

"Kuya!"

Nanlaki ang mga mata ko ng kinuha din ng kapatid niya ang sarili nitong pana at tinutok sa amin. Nanlilisik ang mga mata niya at ngayon ay alam ko na ang dahilan.

"Hindi ako papayag na ikaw ulit ang pipillin niya! Hindi na muli! Hindi kana mananalo laban sakin Sedah!"

Kumulog ng malakas at napatakip ako sa tenga. Natatakot sa mga nangyari.
Kahit pala sinabi kong kakayanin ko ay hindi parin ako sanay,sabi nga ni Hades ay ako ang pinaka inaalagaan nila sa grupo. Mahina ba talaga ako?

"Tumigil kana sa paghihiganti kuya!
Hindi na natin mababago ang nangyari sa nakaraang buhay. Ito na ang kasulukuyan,sa tingin mo ba ay magugustuhan kapa ni Cyla pag nalaman niya ang mga ginawa mo?!"

Inasahan kong matitigilan ito pero humalakhak lamang siya bago kami dinuro duro."Pareho kayong mga walang kwenta! Di bale,hindi pa sapat ang pagdurusa nyo Cyla..pati na rin ng naiwan mong kaibigan diba?!"bago siya muling humalakhak.

Si Hades...

"Anong gagawin mo sakanya?!"hindi ko na napigilan ang sarili.

Demonyo siya. Kung totoong minahal ko siya sa nakaraang buhay ay sa anong paraan? Bakit ko mamahalin ang lalaking katulad niya na puro paghihiganti lamang ang iniisip?

"Kuya tumigil kana!"

"Tumahimik ka!"singhal niya kay Sedah."Wala naman akong gagawin sa ikalawa kong karibal kundi..itutulad sa mga kaibigan mong umakyat na,"

Nangigilid muli ang mga luha ko sa galit at sama ng loob."Demonyo ka!
Hindi ka tao dahil demonyo ka! Walang magmamahal sayo!"

Hindi ko inasahan na napaatras sya sa sinabi ko. Nabitawan niya rin ang pana at natulala lang sa mukha ko.
Wala akong ibang pinakita kundi galit na kailanman ay hindi mawawala.
Siya ang may dahilan ng lahat. Dahil sa paghihiganti ay nawalan ako ng mga kaibigan.

Hinaplos ni Sedah ang ulo ko at niyakap ako ng mahigpit. Wala sa sarili akong napayakap din at sa sandaling yun,isa lang ang nadarama ko. Para akong nakarating sa tahanan mula sa mahaba at nakakapagod na byahe. Huminga ako ng malalim. Feel like I'm home,pero hindi rito natatapos ang lahat.

"Cyla!"sinigaw ni Sedah ang pangalan ko at bago pa ako mag angat ng tingin ay narinig ko ang pagbagsak ng kapatid niya sa damuhan.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo na kami mula sa lugar na yun. Wala ng pakialam kung saan mapapadpad basta ay makahanap kami ng sekyur na lugar. Habang nakakapit ako sa mga kamay niya ay wala akong ibang naramdaman kundi pagmamahal. Pagmamahal mula sa lalaking pinili kong mahalin sa nakaraan kong buhay.

ENCUBIERTO BOSQUE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon