CHAPTER 1

6.3K 144 5
                                    


CHAPTER ONE

“Mommy?” Nagising ako ng marinig ko ang malambing ngunit maliit na boses ng anak kong si Aaliyah.

Binuksan ko ang mga mata ko at agad na napangiti. Nakaupo ‘to sa gilid ng kama habang nakangusong nakatingin sa ‘kin.

Nakasuot ‘to ng pink pajama at pink na t-shirt. Habang yakap-yakap nito ang pink na teddy bear. Magulo ang natural na caramel mocha wavy hair nito.

“Come here,” nakangiting aniya ko. Agad naman ‘tong sumunod sa ‘kin at lumapit.

Hinagkan ko ang noo nito at nagtanong.

“Where’s Alyssa?” takang tanong ko.

Humiga ‘to sa tabi ko at yumakap. I pinched my daughter’s nose. My baby is so adorable. Nag papalambing.

“She’s outside, Mommy watching t.v,” nakangusong sagot nito.

Napatawa ako sa mukha nito. “Why don’t you go with your sister and watch t.v?” malambing na tanong ko sa anak ko.

Kinagat naman nito ang mapupulang maliit na labi sabay simangot.

“I’m hungry,” cute na cute na wika nito, kaya naman pala nakasimangot.

Bumangon na ako at inayos ang magulong buhok. Inabot ko ang hair brush sa bedside table.

“Come here, Mommy will brush your messy hair,” ani ko. Bumangon naman ‘to sa pagkakahiga at umupo sa harap ko at tumalikod. I gently brush her shiny hair.

“Mommy!” Napalingon ako sa may pintuan ng kwarto ko ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Alyssa.

Nakapamewang ‘to habang nakasimangot na nakatingin sa amin ni Aaliyah, suot nito ang favorite na purple hair band.

“I’m hungry na!” maktol nito kaya napailing-iling nalang ako at napatawa. Tinapos ko muna ang pagsusuklay sa buhok ni Aaliyah at tumayo na.

“Let’s go to the kitchen, I’ll cook breakfast.” Yaya ko sa mga ‘to. Inalalayan ko munang bumaba sa higaan si Aaliyah.

“Yey!” tiling sigaw ni Alyssa at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Lumabas na kami ng kwarto ni Aaliyah habang nakahawak ‘to sa kamay ko.

Ang lambing talaga ng bunso ko.

Naabutan namin sa may kusina si Alyssa hawak ang isang cute na pink apron. Nakasuot na ‘to ng purple apron kaya lumapit ‘to sa amin at nilahad kay Aaliyah ang hawak na pink apron. Aaliyah smiled softly at her sister. Kinuha naman ni Aaliyah mula kay Alyssa ang apron at isusuot na sana ‘to ng lumapit si Alyssa sakanya. Tahimik na pinagmasdan ko lang sila. Tinulongan nito kapatid na masuot ang apron.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

They’re so cute on their aprons.

Napangiti ako. Alyssa is so sweet to her little sister. Pagkatapos nitong masuot ang apron kay Aaliyah ay masaya ‘tong lumingon sa ‘kin.

“Yey! Let’s cook pancakes na, Mommy!” magiliw na sigaw nito.

Inupo ko muna ang dalawa sa high chair bago kumuha ng mga ingredients para sa lu-lutuin namin for breakfast. Kinuha ko naman ang pink apron na para sa ‘kin at sinuot ‘yon.

Nagluto ako para sa breakfast ng pancakes. Nang matapos na akong magluto ay nilapag ko na ‘to sa lamesa.

“Strawberry syrup, Mommy!”

“Chocolate for liyah.” Nakangusong sambit ni Aaliyah.

Tumalikod muna ako sa dalawa at tumungo sa reef para kunin ang strawberry syrup at chocolate syrup pagkatapos ay nilapag ‘yon sa harap nila.

Nagtimpla muna ako ng gatas para sa dalawa bago ako umupo sa harap nila.

I’m thankful na kahit mag-isa lang ako ay natutus-tusan ko naman ang pangangailan ng mga anak ko. Being a single mom is not easy, but still nakayanan ko. Para sa mga anak ko, walang bagay na hindi ko kakayanin.

Nilagyan ko ng tig da-dalawang pancakes sa plato si Alyssa at Aaliyah. They giggled.

“Mommy can’t fetch you to school later, si Ate Leona ang susundo sa inyo mamaya. May work si Mommy, okay?” paalala ko sa dalawa habang kumakain kami.

Tumango-tango naman si Alyssa habang si Aaliyah naman ay ngumuso lang.

They’re already five years old kaya pumapasok na sila ng school. Nasa kindergarten na ang dalawa at nag-aaral sa isang private school.
Mamayang alas-tres pa makakarating si Ate Leona. Siya ang yaya ng dalawa. Wala ‘to ngayon dahil day off nito kahapon, umuwi kasi ‘to sa kanila.

Napa buntong-hininga naman ako.

Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan at binihisan ko na sila Alyssa at Aaliyah. Pasado alas otso y media na ng matapos kami at nakarating sa pinapasukan nila.

Tinanggal ko muna ang seatbelt bago nilingon sa likod sila Alyssa at Aaliyah. Busy ang dalawa sa hawak na tablet kaya hindi nila napansin na nasa harap na kami ng eskwelahan.

“Let’s go girls.” Agad namang napaangat ng tingin ang dalawa sa ‘kin bago malapad na ngumiti at binaba na ang hawak na tablet.

Lumabas ako sa loob ng sasakyan dala-dala ang cellphone ko at umikot para pag buksan ang dalawa.

“Bye, Mommy!” Yumuko ako at hinalikan sila isa-isa. They giggled and hug me tight.

Umayos na ako ng tayo matapos ko silang halikan isa-isa. Napatingin ako sa hawak na cellphone ko ng mag vibrate ‘to.

“Bye, Mommy.” Napalingon ako kay Aaliyah ng marinig ko ang malambing na boses nito. Kinurot ko ang pisngi nito dahilan kung bakit ‘to namula. Sumimangot naman si Aaliyah sabay himas ng pisngi nitong kinurot ko.

I looked at Alyssa. “Watch your little sister, Ate.” Paalala ko dito. Tumango-tango naman ‘to bago hinawakan ang kamay ng kapatid.

“Yes, Mommy! Ate Alyssa is here to protect little Aaliyah!” matinis na wika nito.

Napatawa naman ako sa sinabi nito.
Mas matanda kasi si Alyssa ng ilang minuto kay Aaliyah. Sa dalawa kasi mas mahinhin at malambing ‘tong si Aaliyah. Habang si Alyssa naman ay may pagkamaldita at madaldal pero sobrang protective nito kay Aaliyah.

“Bye, my Angels.” Paalam ko sa dalawa at nang maihatid ko na sila sa labas ng room nila.

Kumaway-kaway naman ang dalawa sa ‘kin bago tumalikod at naglakad papasok ng room. Tinanaw ko muna ang dalawa na ngayo’y magkatabing nakaupo.

I smiled. I let out a heavy sigh.

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad patungo sa kung saan ko pinark ang sasakyan ko.

“Thea!” Galing sa pagkakayuko ay napaangat ako ng tingin.

Inirapan ko naman agad ‘to ng makita kung sino ang sumigaw sa pangalan ko.

“Wag ka ngang sumigaw,” saway ko sa taong sumigaw ng pangalan ko sabay lingon sa naka saradong pintuan. Baka marinig kami ng boss ko at pagalitan kami.

“Eto naman sorry na,” ngumuso ‘to sabay upo sa harap ko.

Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaharap na monitor at nag type na ulit ng reports.

“Huy!” sigaw ulit nito kaya sinamaan ko ‘to ng tingin.

“Umalis ka nga dito, I’m busy.” Naiiritang wika ko rito.

Nilagay nito ang dalawang kamay sa dibdib at pinagkrus ‘to sabay taas ng kilay nito sa ‘kin.

“Lunch break na kaya!” Tinaasan ko rin ‘to ng kilay, tinignan ko naman ang monitor ng computer para tignan kung anong oras na.

Malapit ng mag-alas dose. Bumuntong-hininga naman ako bago pinatay ang computer at inaayos na ang mga gamit ko. Matapos kong ayusin lahat ay hinarap ko na si Mica.

Malawak naman ‘tong napangiti.

“Yey!” Parang batang sabi nito.

Tumawag muna ako sa isang sikat na restaurant malapit lang sa kumpanya para i-order ng lunch ang boss ko. Ipina-deliver ko nalang dito para madali.

Nag-antay muna kami ng ilang minuto para hintayin ang pina-deliver kong pagkain para kay boss. Hindi naman pwedeng ang delivery man ang maghahatid nun sa loob. Baka pagalitan pa ako noh. Strikto pa naman ‘yon.

Ilang minuto lang ay dumating na ang pina deliver kong pagkain kaya agad na inabot ko sa delivery man ang bayad. Nagpasalamat muna ‘to bago umalis kaya tumango-tango nalang ako at ngumiti bago tumalikod para ihatid kay boss ang pagkain.

Sinenyasan ko naman si Mica na mag antay sandali at umupo muna. Ngumiti lang ‘to ng malapad at tumango sabay thumbs-up sa ‘kin.

I rolled my eyes bago kumatok ng pangatlong beses.

“Come in.” Rinig kong sabi ng taong nasa loob kaya pumasok na ako.

Naabutan ko ‘tong nakayuko, habang may binabasa na papelis. Suot nito ang reading glass. Hindi ‘to  nag-angat ng tingin at nanatiling nakatingin sa binabasa.

Tahimik na naglakad ako patungo sa malaking couch.

“Sir, here’s your lunch,” pormal na wika ko sabay lapag ng pagkain sa center table.

Tumango-tango lang ‘to.

Nang matapos kong mailapag ang mga pagkain ay humarap ako rito.

“I’ll take my leave now, Sir.” Magalang na wika ko at yumuko ng konti bago tumalikod.

Nang makalabas na ako sa opisina ay nadatnan kong nakaupo si Mica sa upuan ko habang nakataas ang isang paa sa may lamesa. Lumapit ako rito at tinampal ang paa nitong nakapatong.

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘to. Sumimangot ‘to sabay baba ng paa.

“Tara na nga, naiirita na ako sa’yo Mica.” Yaya ko kay Mica at kinuha ang wallet at cellphone ko bago nagsimula nang mag lakad patungo sa elevator.

“Thea! Mica!”

Pamilyar na pamilyar ang matinis na boses nito.

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses na ‘yon at nakita si Amber na nakakaway sa amin habang malawak na nakangiti. Katabi nito si Terrence na nakatanaw rin sa amin habang nakahawak sa bewang ni Amber. Ngumiti ‘to sa amin.

Lumapit kami sa lamesa nila at umupo.

“Kaloka kayo! Ang tagal niyo!” simangot nito.

I rolled my eyes. Sila Mica, Terrence at Amber lang ang ka-close ko rito sa kompanya. Although, nakakausap ko naman ang ibang mga tao rito pero mas masasabi ko talagang mas close ako sa tatlo. Sila kasi ang unang nakasama at nakausap ko no’ng una ko palang magtrabaho sa kompanya.

Magli-limang taon na rin ako ritong nagtra-trabaho sa kompanya. Habang silang tatlo ay magpi-pitong taon na.

“Ito kasing si Thea parang walang balak kumain!” Mica hissed, rolling her eyes at me and crossed her arms on her chest.

I laughed. Napatingin ako a lamesa at nakitang nakaorder na pala ng pagkain nila sila Terrence.

Ngumuso ako sabay tingin sa kanila.

“Order muna ako.” Paalam ko sabay tayo. Tumayo rin si Mica sa pagkakaupo.

“Sama!” wika nito sabay kapit sa braso ko. Hindi ko na ‘to pinansin at nagsimula nang maglakad patungo sa counter.

One bottled mineral water at spaghetti lang ang inorder ko, hindi naman ako masyadong gutom. Ang kay Mica naman ay dalawang rice at chicken. Sa drinks naman nito ay nestea.

Nakasimangot ‘to habang nakatingin sa inorder ko.

“Ano ba ‘yan ang daya! Ba’t ang konti lang ng sa ‘yo?!” na pabalik-balik ang tingin nito sa inorder ko at sa kaniya.

I raised my brow.

“Pake mo?” mataray na sabi ko.

Hindi ‘to sumagot at ngumuso lang. Tumalikod na ‘to sa ‘kin at nagsimula ng maglakad patungo sa lamesa namin habang bitbit ang dalang inorder na nakalagay sa isang tray.

Sumunod na ako rito.

Pagdating ko sa lamesa namin ay agad na tinanong ako ni Amber kung bakit nakasimangot si Mica.

“Anyare?” nagtatakang tanong nito sa ‘kin sabay nguso kay Mica na dire-diretsong sumusubo.

Umiling-iling lang ako. “Aba, ewan ko sa ingratang ‘yan.” Sagot ko at sumubo na sa inorder kong spaghetti.

Hindi na ‘to nagtanong pa at kumain na ulit.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay agad na nagpaalam ako sa mga ‘to dahil malapit na matapos ang lunch break ko at kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Marami pa akong trabahong dapat taposin.

Malapit ng magala-una. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang tamang floor na bababaan. Sumandal ako sa elevator.

Mag isa lang ako kaya malaya kong napapagmasdan ang sarili ko sa repleksyon sa salamin ng elevator. I’m wearing my office attire. Hapit na hapit sa katawan ko ang suot na skirt dahilan kung bakit kitang-kita ang hubog ng katawan ko.

Nang tumunog na ang elevator at bumukas ay umayos na ako ng tayo at lumabas na. Naglakad ako patungo sa kung saan ang lamesa ko at umupo na at nagsimula na ulit sa trabaho.

Ilang minuto lang ay tumunog ang intercom at pinapatawag ako sa loob kaya tumayo na ako at kumatok ng tatlong beses bago pumasok.

May kausap ‘to sa cellphone nang pumasok ako kaya naman ay tahimik na naglakad ako sa harap nito.

Agad naman nitong napansin ang presensya ko. Nilayo nito ng konti ang cellphone sa tenga at tinakpan ang may speaker.

“Wait, I’ll just finish this call.” Seryosong wika nito.

Tumango-tango naman ako.

Sinenyasan ako nitong umupo kaya umupo ako sa kaharap na upuan nito.

Tahimik lang ako habang inaantay ‘tong matapos.

Ilang minuto lang ay hinarap na ako nito. May inabot ‘to sa aking papel.

Nang mabasa ko kung anong laman nun ay agad akong nag angat ng tingin kay Mr. Rivera.

Marahas akong napabuntong-hininga ng makalabas na ako sa loob ng opisina.

Naglakad ulit ako pabalik sa lamesa ko at agad na kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa bag ko.

I dialed Ate Leona’s number.

Hindi naman nagtagal ay agad naman nitong sinagot ang tawag ko.

“Ate Leona? Pwede bang sabihin mo sa kanila ni Alyssa na malalate ng uwi si mommy? May pinapagawa kasi sa ‘kin si boss,” bungad ko dito ng sinagot nito ang tawag.

“Sige po sasabihin ko-Mommy?!”

Napangiti naman ako ng marinig ko ang matinis na boses ni Alyssa.

Inagaw na naman siguro nito ang cellphone kay Ate Leona.

“Hey baby,” malambing na wika ko.

Umupo ako sa upuan at sinandal ang likod sa backrest ng upuan ko.

“Mommy home!” Rinig kong salita ni Aaliyah sa kabilang linya.

“Mommy will go home late later, I still have work to do,” pinikit ko ang mga mata ko at hinilot ang sentido ko.

Napakunot sandali ang noo ko.

“Aaliyah baby, can you hand the phone to Ate Leona first?” malambing na utos ko.

“Okay, Mommy.”

Narinig ko namang kinausap ni Aaliyah si Ate Leona. Nang maibigay nito ang telephono kay ate Leona ay agad na nagtanong ako.

“Anong ginagawa ng dalawang ‘yan diyan, Ate?” I quizzically asked.

As far as I know, the girls should be in their class right now.

Nakarinig naman ako ang pagsaway nito kay Alyssa ng akmang aagawin na naman nito ang cellphone.

“Half day po sila ngayon, Ma’am.” Napa tango-tango naman ako.

“Anong oras ka ba dumating?” I asked her.

“Mga alas dose po, Ma’am.” She answered me.

“Okay, kindly watch the girls until I’m home.” I commanded her.

“Sige po, Ma’am.” She answered  politely.

Napatango tango ako.

“Sige na Ate, may gagawin pa ako. Tell the girls to behave. Bye.”

Binaba ko na ang tawag at tinitigan ang papel na kanina ko pa hawak.

I let out a heavy sigh.

I suddenly remembered kung ano ang naging reaksyon ko pagbasa ng pagbasa ko sa pamilyar na pangalan kanina.

Humigpit ang hawak ko sa papel.

“Thea, you okay?” Napa-angat naman ako ng tingin kay Mr. Rivera. He’s looking at me weirdly.

Tumikhim ako bago umiling-iling, I plastered a fake smile before answering, “Nothing sir.”

I frown afterwards. I quizzically looked at Mr. Rivera.

Ano pong gagawin ko dito boss?”

“I want you to go to Vargas group of companies at papermahan mo ‘to kay Mr. Vargas.” He seriously said.

Agad naman akong nanlamig sa narinig. My lips quivered.

Shit! Get a rip to yourself Thea!

Umayos ako sa pagkaka-upo at tinignan si sir. Ngumiti ako ng pilit rito.

Damn it. Bakit wala akong alam na isa pala ang gagong ‘yon na may share sa kompanyang pinagt-trabahuan ko?!

HIDING THE FUCKBOY'S CHILDREN [COMPLETED]Where stories live. Discover now