CHAPTER 5

4.7K 134 15
                                    

CHAPTER FIVE

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa Tiny town dahil gusto maglaro nila Alyssa dun.

"Ate Leona," tawag ko ng pansin kay Ate Leona na naka-sunod lang sa mga bata.

"Ate pakisamahan na lang ang mga bata sa loob." Aniya ko.

Tumango-tango naman 'to.

"Sige po, Ma'am." Ngumiti ako at tumalikod na para mag bayad.
Pagkatapos kong magbayad ay lumapit ako sa dalawa.

"Babies?" I called them.

"Yes, Mommy?" Alyssa answered.

Ngumiti ako. "Mommy will just go to a boutique to buy some stuff, okay?" paalam ko.

Medyo lumuluma na rin kasi ang damit pang trabaho ko. Kailangan ko ng bumili ng bago.

"Yes Mommy!" nakangiting sagot nito sabay ayos ng buhok. Binalingan ko ng tingin si Aaliyah na nakanguso lang habang tumango-tango.

I chuckled. Why's my baby so cute?
Yumuko ako at hinalikan 'to sa pisngi.

I heard her giggled. Hinalikan ko rin si Alyssa sa pisngi bago umayos ng tayo.

"Pumasok na kayo mga anak, enjoy!” nakangiting sabi ko.

"Yey! Bye Mommy!" malapad na ngiting wika ni Alyssa.

"Bye, Mommy!" Aaliyah said.
Tinignan ko si Ate Leona at agad naman nitong nakuha ang tingin na pinapahiwatig ko at tumango-tango.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga anak ko sa loob na masayang naglalaro.
Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.

Agad akong napamura ng makitang magda-dalawang oras na akong nasa loob ng boutique.

Shit. Ang mga bata.

Agad na binayaran ko ang mga pinamili kong damit at dali-daling naghanap ng pwedeng makakain ng mga bata. Palabas na sana ako ng boutique ng mapadapo ang tingin ko sa isang babae na nakalingkis ang mga braso sa bewang ng isang lalaki.
Napahinto ako.

Nakangiti ‘to sa babae habang nag uusap silang dalawa. Kitang kita ko ang kinang sa mga mata ni Kuya habang nakangiti sa babaeng kasama.

"K-Kuya." Nauutal ngunit mahinang wika ko.

Maganda at maputi ang babaeng kasama nito. She's beautiful. Nakalugay ang straight na itim na buhok nito at malawak ang ngiti habang naguusap silang dalawa ni kuya.

I stared at my Kuya's face.

Tears filled my eyes.

I missed him–them so much.

Napalingon 'to sa direksyon ko at agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Napahinto 'to at nawala ang ngiti sa mukha.

Napangiti ako ng mapait sa naging reaksyon nito. Siguro hindi pa rin nila ako napapatawad sa nagawa ko.
M-My Kuya.

Nanatili akong nakatitig rito. Napansin ata ng kasama nitong babae ang pag iba ng expression nito at may tinitignan sa kung saan. Sinundan nito ang tingin ni Kuya kaya napatingin rin 'to sa direksyon ko.

Agad akong umiwas ng tingin sa mga 'to at pinahid ang luha sa pisngi bago nagmamadaling naglakad palabas ng boutique.


Dire-diretso lang ang lakad ko.
Naalala ko na naman ang gabing 'yon.

Kung paano ako itinakwil ng mga magulang ko ng malaman nilang nabuntis ako.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Kuya sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Lumalabo na ang mga paningin ko dala ng patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

Mahigpit ang hawak ko sa mga paper bag na bitbit habang naglalakad.

"Isa kang pota!"

"Kahihiyan ka sa pamilyang 'to!"

"Layas!"

As I walked, I just let out a sob.

I didn’t pay attention to where I was walking anymore, so I slammed into something. All I did was close my eyes and wait for me to fall to the ground.

I was taken aback as I felt an arm wrapped around my waist.

"Keep an eye on where you’re going.” Woman." Bulong nito sa tenga ko sabay ayos nito ng tayo sa 'kin.

HIDING THE FUCKBOY'S CHILDREN [COMPLETED]Where stories live. Discover now