Chapter 2

10.2K 171 21
                                    

HILLARY'S POV

"Do you have an appointment, Ma'am?"

"I don't need it. Just tell your boss that Hillary is here," I said in conviction kaya naman parang nataranta ito.

Pamilyar ang kaniyang boses at kapareho ito sa boses nang tinawagan ko kanina kaya ang hula ko'y siya 'yong kausap ko sa telepono na sekretarya ni Juanito.

"Oh I'm sorry, Ma'am. Just a minute po. I'll just inform him that you're here." She smiled politely pero parang may bahid ng inis ang tono ng boses nito.

Hmm?

"Okay."

I let her call her boss using the intercom. I examined her first from her head to her skirt. Kasing edad ko lang siya for sure, baling-kinitan ang katawan, maikli ang palda at yeah maganda naman siya.

Hindi naman sa pagmamayabang pero lamang nga lang ako sa kaniya.

She's sexy but I do have a perfect curves, fair skin, small and gorgeous face and tall height. The best and high paid filipina model wouldn't exist without me.

"She is here, Juanito," nanlaki ang mga mata ko rito dahil sa pagkabigla.

Hell? Why is she calling Juanito by his first name?

"Okay noted..." She turns the intercom off and faces me.

"Miss, you may now enter his office. Iyan ang pintuan ng opisina niya, pero bilisan mo lang kasi busy siya eh. Bawal ang istorbo," ani nito sabay turo. So done with her polite role.

I raised my brows and crossed my arms infront of my chest. Wala akong panahon para makipag plastikan. Tinuro niya lang ang malaking pintuan sa kabilang banda ng floor. Agad akong tumalima pero bago magpatuloy sa paglalakad ay binalingan ko muna ito ng tingin bago magsalita.

"Oh wait a second... you can now pack all of your things because you're now fired," sa mababang boses kong wika.

Bakas ang gulat sa mukha nito pero wala akong pakialam at ngumisi nalang nang nakakaloko.

Just a waste of time.

Naglakad ako patungo sa opisina ni Juanito nang mahagip ng mata ang isang malaking painting na nakasabit sa gilid ng pintuan.

Pamilyar ito sa akin but I couldn't point out where and when did I saw it. It is a painting of a woman's back habang nakatitig ito sa kalangitan. Tinignan ko nang mabuti ang pangalang nakasulat sa ilalim pero hindi ko masyadong mabasa dahil medyo burado na ito. I tried to trace it using my finger when a big man's chest blocked my vision.

Umangat ang paningin ko rito at mabilis na namukhaan ang lalaki.

"Oliver!"

I excitedly hugs him as we both burst into laughter.

"Ahm... I think that is enough, Hill. Ayaw kong mabugbog at masira ang pogi kong pagmunukha," tumawa ito nang mahina at na pa kamot ng batok.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at kunot-noo itong pinagmasdan. He is still wearing his black thick glasses just like the old times back when we we're in college. Gwapo ito at matikas ang pangangatawan and not to mention that he is a great basketball player despite of wearing those glasses. Hindi yata alam ng lalaking ito ang contact lense eh.

Kaklase rin sila dati ni Juanito kaya medyo nagkasundo na rin kami noon.

"What do you mean?" I asked.

"Wala, sige na. Nice to see you again and oh, pumasok ka na sa loob. Kanina pa nagdidilim ang simoy ng hangin," he said while laughing and waved as goodbye.

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon